CHAPTER 20

42 14 0
                                    

CHAPTER 20: Veflonsky

Syein's Pov
____________

Mainit at may mahirap na daan. Wala kaming dalang tubig at pagkain kaya naghihina na talaga kami. Sumasakit na ang ulo namin dahil siguro sa gutom. Ewan ko ba kung anong nangyayari at kung bakit kami nagkakasama ngayon. Nagising kasi ako kahapon sa isang kubo na kasama sila Angela, Vincent, Reyel at isang babae at dalawang lalaking di'ko kilala.

Nang nagising na ako ay agad na kaming naglakad upang mahanap ang iba. Naka uniform rin kami at may Golden bracelet narin. Ang Blacktair bracelet namin ay di gumagana kaya no choice kami kundi maghanap ng walang ka idea-idea na kung saan tutungo. Minsa'y lumilipad kami ni Vincent upang may makitang way.

Sa ngayon, nagpapahinga muna kami dahil wala na talaga kaming energy. Nagugutom na kami. Nauuhaw na. Gustong nang matulog at magpahinga muna.

Nasaan na kaya ang iba. Ano ng nangyari sa kanila. Nahanap na kaya nila ang Eastern Cape Town.

" Matutulog muna ako " malumanay na sambit ni Vincent

" Segeh, ako rin, matutulog narin muna ako. Pagod na'ko eh. " hinihingal na sabi rin ni Angela.

" Hmmpp, mauuna nalang kami sa inyo " biglang sabi ng lalaking walang buhok. Patay ito at may dala-dalang espada.

" Huh? Bakit naman? " tanong ni Vincent

" Dapat sama-sama tayong lahat " dagdag rin ni Angela

" Wag na, di naman tayo close. Mauuna na kaming tatlo. " dagdag rin ng babae

" Ayy grabe naman kayo. O sya, bahala na. " sagot naman ni Reyel

" Mag kikita nalang tayo sa distenasyon natin. " pamama-alam ng isa. May kulay pula na buhok at may dala-dalang bag.

Agad naman silang tumalikod sa'min at nagsimula nang maglakad palayo.

" Tsk! " singhal ko

" Bakit nyo hinayaan? " tanong ni Angela

" Sila yong kusang tumalikod sa'tin eh. " sarkastikong sagot ko

" Kahit na! Baka mapano yon. Baka may ma encounter silang kalaban sa daan tapos wala silang kalaban-laban dahil pagod yong mga yon. " pasigaw na sambit ni Angela

" Problema na nila yon. " diretchong sagot ni Vincent

" Hayst! Bahala na nga. " pasinghal na sabi ni Angela. " Matutulog na muna tayo para may lakas tayo. " dagdag nya

" Syein, matulog na muna kayo. Mag hahanap din muna kami ni Reyel ng makakain." nakangiting sabi ni Vincent

" Ano? Wag! Baka may mangyaring masama sa inyo. " pigil ko

" Sos, wala yan. Malalakas naman kami ni Reyel eh. " nakangising sabi nya

" Wag na nga. Walang aalis. " pigil ko unit

" Ang OA nito. Dyan lang naman kami sa malapit eh  " reklamo nya

" Duh, alis! Babalik kayo bago mag hapon. " utos ko

" Hehe sure! Reyel, Tara! " nakangising usal ni Vincent tsaka hila-hila si Reyel.

" Angela-- " tawag ko kay Angela ngunit tulog na ito.

Humiga ako dito sa paanan ng puno tsaka sinubukan kong ipikit na ang aking mga mata upang makatulog na.

" Ahhhhhhhh " rinig kong malakas na sigaw ng babae'ng kasama namin kanina.

Napatayo ako maging si Angela rin. May gulat sa kanyang mukha at agad sya'ng tumingin sakin.

" Nasaan si Reyel at si Vincent? " tanong nya

MONTAR HIGH Where stories live. Discover now