CHAPTER 5

145 38 4
                                    

Chapter 5:

Continuation~~

Mag papalit ba ako ng damit? T-shirt nalang ang papalitan ko. Nag bihis ka agad ako at umalis sa kwarto. Naku! Mag me meeting daw, for sure nandon din si Vincent. My ghad, kinakabahan ako. Nandito na ako sa living room at nakita ko na agad sila. Naka upo silang lahat sa sahig.


Ano ginagawa nila?

Naramdaman nila ang pagdating ko at napa tingin agad sila sa akin. Napa tigil ako at tumingin rin sa kanila. Ano gagawin ko? Maag ha- hi ba ko? " Nia. Halika! " sabi sakin ni Vincent. Pumunta ako sa tabi nya at umupo. " Okay? What’s your name? " tanong ng isang lalaki'ng nakaupo, gwapo sya, ewan ko ba kung mabait ba to. Halatang matangkad sya. Sakto lang ang katawan at maputi." I'm Shania Sharley. " sagot ko. " Okay! I'm Adrian Josh Magallon " nakangiting pagpapakilala nya. Yiiiehh yung ngiti nya. Ang kyut!


" And I'm Emman Denosta. " pagpapakilala naman ng isang lalaking katabi ni Adrian, mukhang mabait naman sya, friendly rin, maputi rin sya, hmmpp. Di sya payat, di rin mataba. Yung sakto lang at may maamong mga mukha. " I'm Sian Claire Estellore. " pagpapakilala rin ng isang babae, nagagandahan ako sa kanya, may mahabang mga buhok at maputi pero mukhang di sya mabait, ayy ewan, first impression ko lang naman to." Hi! I'm Angela Maya. " naka ngiting pakilala rin ng isang babae, mukhang friendly sya, katulad ng kang Reyel ang pangangatawan, tsaka maputi rin. Maganda sya at hanggang balikat ang kanyang mga buhok. At singkit ang mata. Katulad ng sakin young buhok nya pero straight lang yung sa kanya. " I'm Daphne Sayson. " pakilala naman ng isang babae, matangkad sya halata ehh tsaka madaldal i think, whaaaa di ako sure ha, mabait naman cguro to. Sakto lang ang skin color nya. May mahabang buhok din sya. " And I'm Sabrina Antonio, " naka ngiting pakilala ng isang babae katabi ni Daphne, I like her pretty eyes. I like her beauty. Maganda sya pero i think strikta sya. Di masyadong mahaba ang buhok pero maputi naman sya. " I'm Reichelle Mireille Erece. " pakilala rin ng isang babae, katulad din ng kay Reyel ang kanyang katawan, maganda sya, maputi at mukhang masiyahin, naka ponytail yung buhok nya. " And I'm Reyel Athea.. "


" I'm Paul Vincent Alvarez.. "

" Hello, Nia. Sam Intas here! " biglang sabi ng babae sa likuran ko. Oh my ghad!! Si Sam, ang dating best friend ko. I'm glad nandito sya. Gumanda sya lalo, mas tumangkad din, di masyadong mahaba ang buhok at may saktong pangangatawan. Tumabi sya sakin at niyakap ako. Napa tulala ako bigla. Niyakap ko rin sya at sinabing " I miss you. " Tumingin sya sakin at sinabing, " I miss you too. It's been a year's since nagkita tayo. " tumingin din sya kay Vincent at ngumiti. Tumayo si Vincent kaya napa tayo rin si Sam. Agad niyakap ni Vincent si Sam. Niyakap at ngumiti si Sam. " Ang ganda ng pagkaka yakap nyo ahh! " sarkastikong sabi nung isang lalaki na papalapit samin galing sya sa room ng mga lalaki. Kilala ko sya, tumayo ako at tumakbo sa kanya, niyakap ko sya at niyakap nya ako. Huhuhuhuhuuuuu matagal ko nang hinihintay yakap nya, " I miss you Syein, " bulong ko sa kanya sabay tumulo ang luha ko. Tumingin sya sakin at pinahiran nya ang aking luha at sinabing, " I miss you too Nia, "..


" Reunited? " tanong ng lalaki na papalit din samin, teka? Parang kilala ko sya! Nakita ko na sya. San ko ba sya nakita? Umupo ulit kaming apat sa sahig. " Your new here right? " sabi nya sakin at umupo doon sa may upuan. " Yeah, I'm Nia, " sagot ko sa kanya. " I know, my grandpa mentioned you earlier, " sagot nya. " Grandpa? " tanong ko sa kanya. " Ohhh! Sorry, I'm Carl Joshua Veaniel, Grandson of Mr. Xander Veaniel. " diretchong pag papakilala nya. Kilala ko talaga tong mukha nato eh! San koba sya nakita? May maamo syang mukha, matangkad, maputi, may kulay berdeng mga~~ mata! Oo! Sya yun! " Nakita na kita! " sabi ko sa kanya, nagulat sila pero sya walang anumang emosyon ang nakikita ko sa kanyang mga mata. " San moko nakita?? " diretchong tanong nya. " Nakita kita nung pinatigil ko ang oras! Naka Itim ka nun! " sagot ko naman sa kanya, hindi sya nagulat sa sagot ko. " Wehh? Nakita mo talaga sya? Kailan? " tanong ni Adrian. " Last, last day! " sagot ko kay Adrian. " Well, mag sisimula na ang meeting. " Sabi ni Carl " Nag change topic sya!


***

Naglalakad kami ngayon sa hallway papuntang Canteen. Kasama ko silang lahat. First Day of school namin ngayun, 7:30 am na ng umaga. Mamayang 8:30 na ang klase namin. Kakain pa kami, nag me-meeting kase kami kanina. Ang sabi ni Carl 8:30-9:30 daw ang first subject namin, kaya may one hour pa kami. Hindi kami katulad ng ibang section at ibang students na saktong 8 am ng umaga ang first subject. For now, kakain muna kami ng almusal. Malapit na kami sa canteen, nakikita ko na ang mga studyanteng nag ta-tambay doon sa may mahabang upuan in front sa canteen, at nakikita ko rin ang mga ilang studyanteng nag lalakad, nag tatawanan at mga studyanteng labas-pasok sa canteen. Mga ilang minuto, nakarating na kami sa canteen. Ang ingay naman dito, nag mumukhang merkado, may nag tatawanan, may nag sisigawan at maririnig mo ang tunog ang plato, kutsara at tinidor. Unang pumasok si Sian, Daphne at Emman nang may biglang sumigaw na " Nandito na sila, " tsaka biglang natahimik ang canteen, lahat sila'y naka tingin dam in? Hala! Ano mayron? Sumunod naman si sabrina, Reyel, Angela at Reichelle. " Hi, ate Sab " boses ng isang babaeng sumisigaw, nakita ko si Sabrina na nakangiting kumakaway. Sumunod naman kami ni Syein, Vincent at Sam. " May newbie! " sigaw ng babae, tumingin ako kung san galing ang boses at nakita ko sya, naka ngiti sya at may hawak hawak na notebook. Maganda sya at cute. At ang panghuli, pumasok na Sina Adrian at si Carl. Mas lalong tumahimik at halos lahat ng studyante sa Canteen naka tingin sa dalawa.


" Table 5 tayo, " rinig kong sabi ni Adrian. Umupo sila sa may table 5 kaya umupo ako, katabi ko si syein sa kaliwa at katabi ko si Sam sa kanan. Naka upo na kaming lahat, " Overall please, " biglang sigaw ni Carl. "Ang swerte naman ng dalawang newbie, " rinig kong sabi ng lalaki sa likuran. " Swerte nga sila pero, malas naman. Sila kase ang ipapaon doon sa Competition diba?, " rinig kong sagot ng isa

Anong Competition ang big sabihin nila?

Titingnan ko na sana sila nang biglang nag salita si Carl." Shania, gamitin mo to. " sabi nya sakin at may something syang hinagis, sinalo ko naman at isang.... Bracelet? " Just call me Nia, " sabi ko naman as kanya. " Vincent, Gamitin mo din to " sabi naman ni Carl, may hinagis din sya at... Bracelet din? "Para san to? " tanong ko sa kanya. " Gamit yan ng isang Blacktair " sagot naman ni Adrian. " Gamit para saan? " tanong ko. " Di yan ordinaryong bracelet lang, ma lo-locate mo kami gamit yang device nayan, makikita at malalaman mo kung nasaan kami sa oras nato. Just click the green little bottom there. " paliwanag ni Emman. " May apat na bottom dyan, the red, blue, green and yellow. Ang red for emergency lang yan, pindotin mo lang yan kung nanganganib ka. " dagdag ni Syein. " And sa blue, gamitin o pindutin mo lang yan pag mag me-meeting tayo or kung may mga bagay tayong dapat pag usapan. " dagdag ni Sam. " At sa yellow, well pang private need lang yan. For example, gusto mong papuntahin si Vincent sa lugar kung nasaan ka ngayun, just click that at makikita mo ang mga names namin dyan, tapos click mo yung name ni Vincent dyan at agad-agad na tutunog yung bracelet ni Vincent. " dagdag ni Reyel

Wow ang astig pala nito.

MONTAR HIGH Where stories live. Discover now