Chapter 4 - Here

1K 36 0
                                    

Shewi


HABANG nagsusuklay ako ay biglang lumapit sa akin ang nakababata kong kapatid.

"Ate sama ako please?" sabay pa-cute ng aking kapatid kaya napaharap agad ako sa kanya.

"Sen kung pwede lang isasama kita kaya lang hindi talaga pwede ang mga bata dun. Kung ako lang ay ayokong pumunta, ayoko sa party remember?" lumuhod pa ako sa harapan niya para magkasing tangkad kami.

"Pero naka-Oo na ako kay Ate Becky mo" sumimangot siya pagkarinig sa name ni Becky.

"Alam mo naman yun hindi ako titigilan hanggat di ako nagye-yes." pagpapatuloy ko pa.

"I really don't like her Ate, she's fake. Friend ka lang niya kasi may car ka, even your other friends they need you kapag may pupuntahan silang party." sabay simangot niya ulit.

Halos mapanga-nga ako sa sinabi ng aking kapatid, hindi ko kasi inaasahan na mapapansin niya yun sa mga kaibigan ko.

Isang malalim na buntong hininga ang aking pinakawalan.

Alam ko naman yun eh, hindi ako manhid para hindi maramdaman yun. Pero wala naman na ako magagawa sila na yung kasa-kasama ko simula pa ng high school.

Grade school, wala akong naging kaibigan. Lagi lang akong nakakulong sa bahay after school. Hindi rin kasi ako pinapalabas ng bahay lalo na at nag-iisang anak palang ako kaya sobrang ingat sila sa akin.

Hindi ko rin naman kasi gusto yung mga tao sa paligid, naiirita ako sa kanila at hindi ko alam kung bakit kaya ang ginagawa ko ay nagkukulong na lang ako sa room at naglalaro mag-isa.

Masaya naman akong mag-isa, mas naeenjoy ko pa nga ang buhay ko kapag walang kumakausap sa akin. Mas napapasaya ako ng libro at ng mga pinapanood ko.

Okay lang din kay Mama, hinahayaan niya lang ako sa gusto kong gawin.

Pagtungtong ko ng High School doon nabago ang lahat. May napanood kasi akong sumasayaw sa field, sobrang galing niya kaya na-curious akong gayahin yung ginagawa niya.

Hindi ko alam na magaling pala akong sumayaw, hindi ko rin alam na may nag video sa akin habang sumasayaw ako.

Kinabukasan ng pumasok ako ay nagulat na lang ako at ang dami ng kumakausap sa akin, hanggang sa nabalitaan ko na lang na nag viral pala ang video ko. Since then ang dami ng nakipagkaibigan sa akin isa na dun sina Becky, Stacy and Candez.

Hindi pa sila gaanong sikat na tatlo that time pero nung kinaibigan nila ako ay bigla na lang silang naging famous sa school.

Hindi ko man gustong makilala rin pero wala na akong nagawa, napasama na ako sa kanila lalo na at maraming gustong makita na nagpeperform kaming apat.

Lagi kaming magkakasama sa school pero ako yung tipo ng tao na tahimik lang at hindi gaanong nakikisalamuha sa iba. Okay na sa akin na sila lang yung kaibigan ko at na-eenjoy ko ang pagsasayaw.

Kapag may assignments ay sama-sama kaming gumagawa dahil hirap sila sa mga aralin, kapag kumakain kami sa canteen madalas ako ang nagbabayad. Okay lang sa akin yun dahil hindi ko rin naman alam ang gagawin sa aking pera.

Pero minsan napag-sasabihan ko sila dahil sobra na sila, kaya lang nauuwi sa tampuhan.

At dahil tatlo sila at isa lang ako kaya naman ako ang madalas mag sorry kahit wala akong kasalanan.

Naging masaya rin naman ako kahit papaano sa kanila, lalo na at pareho kaming mahihilig sumayaw. Gumagawa kami ng dance cover at ina-upload sa sns, worth it naman dahil nag vi-viral ito at mas maraming tao ang nakakilala sa amin.

She Used To Be MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon