Shewi
"Bye guys, mauuna na muna pala ako sa inyo, may pupuntahan pa kasi kami ni Mama." paalam ni Stacey.
"Ako rin, bukas na lang ulit. At bukas kailangan malinis na yung choreography natin." sabi naman ni Candez.
"Ikaw ba Becky? Hindi ka pa uuwi?" tanong ni Candez habang inaayos ang gamit.
Napalingon ako kay Becky, nitong mga araw kasi ay ang tahimik niya. Nakakapanibago.
"Uuwi narin, sabay na ako sayo." sabi niya.
"Okay." sabay ngiti naman ni Candez.
Nag-ayos na sila ng gamit, samantalang ako ay hinihintay ko na lang silang matapos.
Sanay na kasi silang lagi akong nagpapahuli ng uwi at ako ang nagsasara ng practice room dito sa school.
"Bye, Wi." Masiglang paalam ni Candez.
"Bye." sagot ko na lang.
Nagtanguan naman kami ni Becky.
Hindi ko na sila pinanood pa na lumabas at ako na ang unang tumalikod.
Nag play ulit ako ng music at nagsimulang sumayaw.
Gusto ko kasi kapag uuwi ako ay yung pagod na pagod ako para makakatulog agad.
Lalo na ngayon, dumagdag pa sa iniisip ko si Riley.
Kahit anong gawin kong iwaglit sa isip ko ang babaeng iyon ay hindi ako nagtatagumpay, kaya mas lalong naiinis ako sa aking sarili.
Sa sobrang inis ko ay na out balance ako habang sumasayaw dahilan upang mapaupo ako sa sahig.
"Shewi." biglang may sumigaw na ikinabigla ko at nilingon kung sino ito.
Si Becky.
Ramdam ko yung sakit na dulot ng pagkabagsak ko pero wala paring tatalo sa sakit na nararamdaman ko emotionally.
Imbes na indahin ko yung sakit ay parang wala lang ito sa akin at tumayo agad.
"Hey!" pigil ni Becky ng magsimula ulit akong magsayaw.
Nakalapit na pala siya akin ng di ko man lang namamalayan.
Manhid na nga siguro ako sa lahat ng bagay.
Hinarap ko siya at ngumiti lang sa kanya para iparating sa kanya na okay lang ako.
Pero lalo lang kumunot ang kanyang noo.
Ganun naman ang laging ginagawa ko, ngumingiti naman ako sa kanila kahit papaano pero lahat ng iyon ay fake.
Actually hindi ko nga alam kung nakita ba nila yung totong ngiti ko kapag masaya ako.
Since nakilala ko kasi sila ay wala akong natandaan na pinakita ko sa kanila yung totoong ako.
"Pwede ba Shewi, kahit ngayon lang isipin mong mapagkakatiwalaan mo ako."
Nilingon ko si Becky at kitang-kita ko sa kanyang mga mata ang sinseridad.
To be honest ngayon ko lang siya nakitang ganito.
"Hindi kita masisisi kung simula pa noon ay ang tingin mo sa amin ay mga kaibigan lang at hindi tunay na kaibigan. Dahil iyon ang pinaramdam namin sayo, maliban nga lang kay Candez. Si Candez naging totoo siya sa'yo at sa kanya kami kumakapit kapag may gusto kaming malaman about sa'yo. Hindi mo rin naman kami masisisi kung naging ganun kami sayo, dahil iyon din ang ipinaramdam mo sa amin. Pero Shewi nagbago ang lahat ng iyon ng makilala ka namin ng tuluyan. Inaamin ko nung una kitang lapitan, kinaibigan lang talaga kita dahil gusto kong madagdagan ang followers ko dahil maganda ka, magaling kang sumayaw at kahit tahimik ka ay maraming nahuhumaling sayo dahil na-cucurious sila sa pagkatao mo. Sa umpisa lang lahat ng iyon dahil since nabuo yung grupo natin at unti-unting naging close ka sa amin ay alam ko sa sarili ko na totoo kang kaibigan. Pero nahiya akong aminin sa sarili ko 'yon at nagpatuloy lang kung ano yung pakikitungo ko sayo, kahit na lihim kaming nag-aalala sayo ni Stacey. Shewi, gusto ko lang sabihin sa'yo na hindi ka nag-iisa, mga kaibigan mo kami at hindi lang basta kaibigan, mga tunay na kaibigan. Well hindi nga lang halata, at tsaka naiintindihan ka namin. Lalo na yung ugali mong ayaw mong kinaaawaan ka, kaya akala mo hinahayaan ka lang namin. But nope, bawat lapit sayo ni Candez, sinigurado namin na masasabi niya sayo yung mga gusto rin naming sabihin na hindi namin masabi sayo ng personal."
BINABASA MO ANG
She Used To Be Mine
Romansa(COMPLETED) "Ako, pangarap ko lang makatagpo ng taong maiintindihan ako, yung taong tatanggapin kung sino ako." - Shewi Ignacio "I'm just here." - Riley Owens Paano mo nga ba nasasabing hindi mo na kilala ang iyong sarili? Paano mo nasasabing gust...