Riley
3 months later...
Masaya kong pinagmasdan ang kabuuan ng bago kong bahay.
Sinong mag-aakala na yung matandang babae na tinulungan ko ay isa palang napakayamang tao at pinamanahan ako ng ganitong kalaking bahay at malaking halaga ng pera na kahit hindi na ako mag-aral at mag-trabaho ay mabubuhay ako?
Pero naalala ko ang sinabi sa akin ni Sister Evie...
Palaboy-laboy na naman ako sa kalsada at gutom na gutom na, hindi parin ako nakakapaligo dahil wala akong mahanap na paliguan at walang makuhang matinong damit sa sampayan.
Alam ko naman na masama ang manguha ng hindi akin pero wala akong magawa, yun lang ang kaya kong gawin. Ganun na ako simula ng makatakas ako mula sa malupit na pamilyang umampon sa akin.
Nang makuha nila ako sa ampunan, akala ko ay magiging maganda na ang aking buhay pero nagkamali ako. Hindi nila ako pinag-aral at ginawang alila sa kanila. Kinulong nila ako sa kanilang bahay para hindi ako makatakas, kaya nung nagkaroon ako ng pagkakataon na makatakas sa kanila ay ginawa ko ang lahat para makaalis sa impyernong bahay na iyon.
10 years old ako ng mahinto sa pag-aaral dahil kinuha nila ako sa ampunan at 16 years old ako ng makawala sa mga kamay nila. Halos 6 years nila akong inalila.
At ngayon ngang 19 years old na ako, 3 years din akong naging palaboy at walang makain na matino at walang matirhan.
19 years akong lumaban para mabuhay sa napakalupit na mundong ito.
Bata palang ako ay gusto ko ng sumuko, lagi akong binubully sa school dahil wala daw akong pamilya. Pero lahat ng iyon ay hindi ko na lang pinapansin at dinadaan na lang sa ngiti. Sinasabi ko na lang din na baka may ibang gusto si God para sa akin.
Mas pinatatag ko ang sarili ko pero kahit ganun minsan hindi mawala sa isip ko yung mga tanong na bakit kinuha agad sa akin ang pamilya ko? Bakit kailangan ako pa?
Nang makaalis ako sa ampunan, akala ko ito na ang bagong simula, baka ito na ang para sa akin pero nagkamali ako. Sinubok ulit ni God ang katatagan ko. Dito mas naging malala ang mga naramdaman kong poot sa mga taong umampon sa akin. Minsan napatanong din ako sa panginoon kung ano ba talaga ang balak niya sa akin? Naging masama ba ako? Bakit simula bata palang ako ay pinahihirapan na ako ng husto?
Gabi-gabi ay umiiyak ako at kung minsan naiisip ko na sumuko na lang. Pero naaalala ko lagi ang sinabi sa akin ni Sister Evie bago ako umalis ng ampunan.
Siya lang ang kaisa-isang tao na aking pinagkatiwalaan dahil siya lang din ang nakakakilala sa aking mga magulang.
"Anak, kahit na anong mangyari isipin mo na binigay sayo ng panginoon ang pagsubok dahil alam niyang kayo mo itong lagpasan."
Kahit na anong pagsubok ay kailangan kong malagpasan, yan ang tumatak sa akin kaya kahit sobrang hirap na ako sa aking buhay ay pinilit ko paring bumangon.
Nang makatakas ako sa pamilyang nagpahirap sa akin ay panibagong pagsubok na naman ang aking hinarap.
Wala akong kaibigan, naging palaboy at nagawa ang mga bagay na hindi ko naman dapat gawin. Pero wala eh, kailangan kong gawin ang mga iyon para mabuhay sa mundo.
Ang mahalaga hindi ko sinukuan ang buhay ko, minsan hinamon ko pa ang panginoon. May pagsubok ka pa ba diyan? Mukhang kulang pa kasi nakakaya ko pang ngumiti at tumawa.
Sa lahat ng pagsubok na hinarap ko, tanging ang panginoon lang ang kinuhaan ko ng lakas, minsan siya na lang din ang kabiruan ko.
Tama nga si Sister Evie, siya lang ang hindi ako iiwan. Kahit siya pa ang nagbigay sa akin ng mga pagsubok, siya rin ang makapag-bibigay sa akin ng ginhawa.
BINABASA MO ANG
She Used To Be Mine
Romance(COMPLETED) "Ako, pangarap ko lang makatagpo ng taong maiintindihan ako, yung taong tatanggapin kung sino ako." - Shewi Ignacio "I'm just here." - Riley Owens Paano mo nga ba nasasabing hindi mo na kilala ang iyong sarili? Paano mo nasasabing gust...