Riley
DALAWANG araw na ang nakalipas mula ng tumira si Shewi at Sen kasama ko.
Dalawang araw narin ang nakalipas mula ng may magbago sa pakikitungo namin sa isa't-isa ni Shewi.
Dalawang araw naring paulit-ulit kong ginagawa na sumilip sa kanilang kwarto at pinapanood kapag tulog na siya.
Sa ngayon iyon lang ang kaya kong gawin ang suportahan siya sa malayo.
Minsan napaisip ako, hindi ko tuloy alam kung tama bang sinabi ko sa kanyang mahal ko siya.
Simula kasi ng umamin ako sa kanya ay naging civil na lang ang pakikitungo niya sa akin. Tila naiilang siya kapag kasama niya ako kahit nasa iisang bahay lang kami. Kahit si Stephen ay minsan niya lang kausapin.
Sa akin naman, kakausapin niya lang ako kapag nandiyan si Sen pero kapag kaming dalawa lang ay ni-ha, ni-ho ay wala akong marinig mula sa kanya. At sa totoo lang ay nasasaktan ako.
Nasasaktan ako dahil gustong-gusto ko siyang tulungan sa kung anong bumabagabag sa kanya pero hindi niya ako hinahayaang makatulong sa kanya.
Nasasaktan ako na nakikita ko siyang nahihirapan.
Yung tungkol sa kanyang ama, nalaman kong kinausap niya na pala ito.
Ngunit tulad ng inaasahan ko, nagsinungaling muli siya sa kanyang ama.
Hindi niya rin muna pinakausap si Sen dahil baka magsumbong ang bata sa kanyang Ama.
Alam ko rin naman na hindi magsusumbong ang Mama niya dahil kapag nagkataon ay mabubuko ito sa kalokohan niya.
Nakakalungkot lang na sa loob ng dalawang araw ay hindi sila hinanap ng kanilang Ina.
Pero walang mas sasakit pa ng marinig ko ang pagpigil na iyak niya pagkatapos niyang kausapin ito.
Gustong-gusto ko siyang yakapin at iparamdam sa kanyang hindi siya nag-iisa pero wala akong nagawa kundi ang pakinggan lang siya sa kanyang pagtangis.
Dahil tulad ng sabi niya, hindi niya ako kailangan.
Sobrang sakit marinig mula sa kanya iyon pero dahil mahal ko siya, hihintayin ko na lang ang araw na kailanganin niya ako at pangako gagawin ko ang lahat guminhawa lang ang kanyang pakiramdam.
"Ate!!!" masayang salubong sa kanya ni Sen.
Nakita kong ngumiti siya dito pero tulad ng inaasahan ko ay pilit ang mga ito.
"How's my baby?" sabi niya sa kanyang kapatid at ginulo ang buhok.
"I'm not a baby anymore." nakasimangot na sabi ni Sen na ikinahagikgik ko ng mahina.
Napansin ko rin ang mahinang tawa ni Shewi na tila humaplos sa aking puso.
"Nah, you're still my baby." malambing niyang sagot sa kanyang kapatid.
"Aisshhh." sagot naman ni Sen pero napangiti na lang si Shewi.
Kagagaling niya lang sa school kaya alam kong pagod siya.
"Hi." bati niya sa akin.
Ngumiti ako bilang sagot.
"Kumain ka na?" tanong ko, baka lang naman kasi gutom siya.
BINABASA MO ANG
She Used To Be Mine
Romance(COMPLETED) "Ako, pangarap ko lang makatagpo ng taong maiintindihan ako, yung taong tatanggapin kung sino ako." - Shewi Ignacio "I'm just here." - Riley Owens Paano mo nga ba nasasabing hindi mo na kilala ang iyong sarili? Paano mo nasasabing gust...