Chapter 7 - Nobody

706 36 1
                                    

Shewi


SINCE nagkausap kami ni Riley about sa kung anong totoong nangyari kung bakit siya nagkaroon ng ganitong kalaking bahay ay halos araw-araw na kami ng kapatid ko pumupunta sa kanya para may kasama siya.

Mas gusto ko pa ngang manatili sa bahay niya kesa sa amin dahil dito payapa ang isip ko at dito masaya ako.

Madalas kaming mag movie marathon at kung minsan ay naglalakad papunta convenient store para mag food trip, syempre kasama ang kapatid kong si Sen.

Napapangiti na nga lang akong mag-isa dahil napapansin ko kung gaano kasaya ang kapatid ko kapag kasama niya si Riley. Kahit ako ay hindi makapaniwala sa pagiging close ng dalawa. Masyado kasing pihikan si Sen sa mga taong nakakasalamuha namin, hindi ba't ayaw niya sa mga kaibigan ko? Pero pagdating kay Riley ay gustong-gusto niya ito.

Thankful nga rin ako kay Riley dahil itinuturing niya narin na parang kapatid si Sen.

"Gutom na kayo?" biglang tanong ni Riley?

Kakatapos lang ng movie na pinapanood namin.

"Ate Riley I want pizza." sabi ni Sen.

"Sen, saan naman tayo kukuha ng Pizza ngayon? Iba na lang." sabi ko sa kanya.

Inabot na kasi kami ng gabi kakapanood ng movie.

Napanguso si Sen pero bumuntong hininga din at tila sumuko na lang.

"Sen bukas na lang tayo mag pizza okay lang ba? Hapunan narin kasi, ipagluluto na lang kita ng favorite mong ulam, ano bang gusto mo?"

Napangiti agad si Sen sa tanong ni Riley, samantalang ako ay napailing-iling habang nangingiti.

Masyadong bini-baby ni Riley ang aking kapatid.

"Gusto ko po ng hotdog." excited na sabi ni Sen.

"Okay magluluto ako ng hotdog." masayang tugon ni Riley.

"Ah Sen, dito ka lang muna ah. Sasamahan ko lang sa kusina ang Ate Riley mo." sabi ko sa kanya.

"Okay." masayang sagot niya at naupo na sa sofa at nilaro ang laruan na binigay sa kanya ni Riley.

Habang naglalakad kami ni Riley papuntang kusina.

"Hindi mo naman na kailangan sumama pa sa akin." sabi niya.

"It's okay Riley gusto rin naman kitang pagsilbihan. Ako na lang ang magluluto ng makakain natin." sabay ngiti ko sa kanya.

May tipid na ngiti akong nakita sa kanya.

"Pagsilbihan talaga?" sabi niya.

"Wag kang ano, bilisan mo na dahil gutom narin ako." sabi ko at hinila na agad siya papuntang kusina.

Nandito na kami ngayon at pinapanood ko siyang magluto, ang sabi ko ay tutulungan ko siya pero nagpumilit na maupo na lang ako at panoorin siyang pagsilbihan ako.

Mas sanay daw siyang siya ang nagsisilbi kesa siya ang pagsilbihan. At kung mapilit ako, ay mas mapilit siya kasi napapayag niya ako sa gusto niya.

"Masyado mong sinasanay si Sen na ibigay ang gusto niya." biglang sabi ko.

"Wala lang naman sa akin yun, at tsaka itinuturing ko narin siyang parang kapatid. Alam mo na mag-isa lang ako sa buhay kaya sabik ako sa pamilya." sabi niya at binigyan pa ako ng sincere na ngiti.

"Naiinggit nga ako sa inyo kasi kumpleto ang pamilya mo, samantalang ako..."

"No Riley, wag kang mainggit sa akin. Kung alam mo lang." seryoso kong sabi.

She Used To Be MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon