Riley
Patawarin mo'ko Shewi.
Patawad kong nasasaktan ka at wala akong magawa.
Pero pangako, simula ngayon ay hinding-hindi na ako aalis pa sa tabi mo. Kahit pagtabuyan mo ako ay magmamatigas ako.
Dahil hindi ko kakayanin kung mawawala ka pa sa akin.
Mahal kita, Shewi.MGA katagang kay sarap sabihin pero nagagawa ko lang bigkasin kapag siya'y natutulog gaya nang sa ngayon.
Hindi ko mapigilang maluha habang pinagmamasdan ang babaeng mahal ko.
Nasasaktan ako dahil wala man lang akong magawa para maibsan yung sakit na kanyang nararamdaman.
Kanina nung nakita ko siyang nahimatay ay sobrang natakot ako. Sobrang pag-aalala ang lumukob sa akin.
Hindi ko mapapatawad ang sarili kung may mangyaring masama sa kanya.
Hinawakan ko nang mahigpit ang isa niyang kamay at hinalikan pa ito.
"Gumising ka na please? Limang oras ka ng natutulog, sayang naman yung pagkain na niluto ko para sa'yo." Kausap ko sa kanya kahit na tulog na tulog ito.
Mas hinigpitan ko ang hawak sa kanyang kamay sabay dampi ng mumuntik halik dito.
Muli ko siyang pinagmasdan at ng madako ang tingin ko sa kanyang mukha ay nanlaki ang mga mata ko ng madatnan kong gising na ito at nakatitig sa akin.
"S-Shewi." malambing kong tawag sa pangalan niya at masaya siyang niyakap.
Lumayo ako ng bahagya at kinausap siya, pinunasan ko rin muna yung luha sa aking mga mata.
"So-sorry sa pagyakap, sobrang nag-alala lang ako." Bigla ko kasing naalala na galit nga pala siya sa akin at gusto niyang layuan ko siya.
Tuluyan na akong lumayo sa kanya at napakagat ng labi dahil hindi ko na alam ang sasabihin.
Ayoko namang palayasin niya ulit ako kapag nairita na siya sa presensya ko.
Muling nanlaki naman ang mga mata ko ng makita ko siyang ngumiti.
Teka, totoo ba yung nakita ko? Nginitian niya ako.
Dahan-dahan siyang umupo sa higaan na mabilis ko ring inalalayan.
"Nanghihina ka pa." sabi ko sa kanya dahil halatang-halata sa kanya.
"M-may pagkain ka ba? Kagabi pa ako hindi kumakain." nanghihina niyang sabi.
"ANO? KAGABI? EH KAYA NAMAN PALA BIGLA KA NA LANG HINIMATAY! Jusko naman Shewi! Anong oras narin oh? Halos mag alas tres na tas hindi ka pa kumakain hanggang ngayon." paghaharumintado ko.
Napansin kong natahimik siya pero nakatitig lang sa akin na tila ba na-amaze sa akin.
"Oh naalala ko yung niluto ko, mabuti na lang talaga at nagluto ako kanina." ang sabi ko na lang dahil nahihiya ako sa mga titig na pinupukol niya.
"Kunin ko lang." tatayo na sana ako ng hawakan niya ako sa braso.
"Thank you, Riley." sincere niyang sabi.
Nagkatinginan kaming dalawa at napangiti ako sa kanyang tinuran.
"Basta para sayo Shewi." sabi ko at hinalikan siya sa may noo bago ako lumabas ng room para kunin ang kanyang makakain.
Paglabas ko ng kwarto ay tuwang-tuwa ako dahil para bang hindi na siya galit sa akin. Hindi niya narin ako pinagtabuyan tulad ng ginawa niya sa akin kagabi.
"Mukhang gising na si Shewi at ibang-iba ang ngiti mo ngayon." biglang sulpot ni Stephen sa kusina.
Ngiting-ngiti ko itong sinalubong.
BINABASA MO ANG
She Used To Be Mine
Romans(COMPLETED) "Ako, pangarap ko lang makatagpo ng taong maiintindihan ako, yung taong tatanggapin kung sino ako." - Shewi Ignacio "I'm just here." - Riley Owens Paano mo nga ba nasasabing hindi mo na kilala ang iyong sarili? Paano mo nasasabing gust...