Special Chapter - Love Me Insane

1.2K 45 12
                                    

Shewi




3 years ago...



Shewi?

Shewi please.

Nandito lang ako lagi sa tabi mo.






UNTI-UNTI kong minulat ang aking mga mata.

Ngunit nang maidilat ko ito ay isang leeg ang aking namulatan at naramdaman ko na lang na may humalik sa aking noo.

Mabilis na sumilay ang ngiti sa aking labi ng malanghap ang amoy ng babaeng humalik sa akin.

Her scent...


"R-Riley" bigkas ko sa pangalan niya, naramdaman kong natigilan siya ngunit mabilis din siyang napatingin sa akin.

Nanlalaki ang mga mata niyang tumingin sa akin at may mga nagbabadyang luha na ang gustong kumawala sa kanyang mga mata.

Napangiti ako sa kanya.

"SHEWI!!!!" sigaw niya at niyakap ako ng mahigpit sabay hawak niya sa mukha ko at ngayon nga ay tuluyan na siyang umiiyak.

"P-pinag-alala mo ako." Nangangatal niyang saad at napakagat pa sa kanyang labi.

Natuon bigla ang pansin ko sa kanyang noo, may benda pa ito.

"Oh wag mo'kong alalahanin, okay na ako. Ikaw 'tong kailangang magpahinga." nakalabi nitong sabi.

"Masakit pa ba?" nag-aalala kong tanong.

Sinong hindi mag-aalala kung nakita ko ng harap-harapan si Riley na duguan?

Ngumiti lang ito bilang sagot.

"Wala 'to kumpara sa sakit na naramdaman ko nung akala ko ay iniwan mo ako." Naluluha na naman nitong sabi.

"Hindi naman kita iiwan Rile, may pangako tayo sa isa't-isa di ba?" sabay ngiti ko.

"Eh ikaw eh, kung alam mo lang kung ano yung nangyari sayo kahapon. Alam mo bang nag flat line ka? Sinukuan ka narin ng doctor."

Hindi nga? Ako? Halos iwan na ang mundong ibabaw?

Tapos naalala ko yung babaeng naririnig kong tumatawag sa pangalan ko at habang hinahanap ko kung sino ang babaeng iyon ay sinundan ko lang ang puting liwanag hanggang sa magmulat ako ng mata.

"Himala daw talaga ang nangyari sayo Shewi." naiiyak na naman nitong saad.

"Hindi rin naman ako papayag na mawala ka noh, wala ka pa ngang regalo sa birthday ko eh." nakalabi nitong dagdag na nagpabungisngis sa akin.

"Na-aksidente na tayo lahat-lahat pero hindi ka parin maka-move on diyan?" natatawa kong sagot sa kanya.

Mabilis itong umiling-iling.

"Hindi talaga, pero alam mo buti na lang wala kang gift sa akin. Kasi naisip ko, yung nakaligtas ka sa kapahamakan ay ang pinakamagandang gift para sa akin. Salamat talaga Shewi." naluluha na naman niyang saad.

She Used To Be MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon