Chapter 13 - You don't know

652 34 1
                                    

Shewi




Maaga akong nagising dahil mabilis din akong nakatulog kagabi dahil narin sa kagagawan ni Riley.

Ewan ko kung anong nangyari sa akin pero nang malaman kong walang relasyon sina Riley at Stephen ay sobrang natuwa ako sa nalaman.

Kahit papaano ay nabawasan yung bigat na nararamdaman ko.

Siguro nga ay tama si Becky, in-love na nga yata ako kay Riley.

Lihim akong napangiti ng maalala kung gaano siya mag-alala sa akin kahapon, tapos ang cute niya tingnan kapag bigla siyang nahihiya at kapag umiiwas siya ng tingin sa akin.

Ako nga dapat ang mahiya sa kanya dahil sa lihim kong nararamdaman para sa kanya pero siya pa itong ilag sa akin.

Or baka naman ang akala niya ay galit parin ako sa kanya? Kasi nung niyakap niya ako ay nag-sorry agad siya.

Akala niya yata ay magagalit ako sa ginawa niyang pagyakap.

Ngunit sa totoo lang ay gusto ko pa siyang yakapin ng mahigpit pero natatakot akong gawin yun dahil baka makahalata siya.

Kaya bago ako umuwi, nang magkaroon ako ng pagkakataon na yakapin siya ay ginawa ko.

Kahit nung kausap ko siya sa phone ay nag-uumapaw ang aking kasiyahan.

Ngunit ang mga pangyayaring iyon ay isa lang din pala sa mga masasayang ala-ala na babaunin ko.

Mga masasayang pangyayari na hindi nagtatagal dahil ang totoo ay wala akong karapatan na lumigaya.

Tulad ngayon, ang masayang ngiti sa aking mga labi ay bigla na lang naglaho dahil sa kagagawan na naman ng magaling kong ina.


"Sen pag kinausap ka ni Papa mo, sabihin mo ay gusto mo ng bagong toys." naiyukom ko ang aking kamao.

"Po? Pero may mga bago pa po akong toys." halata ang pagkalito sa aking kapatid.

"Ah basta! Wag ka ng maraming tanong, sundin mo na lang ang gusto ko!" tumaas na ang boses ni Mama kaya naman doon na ako lumapit sa dalawa.



Iyon ang dahilan kung bakit nauwi kami sa pagtatalo ni Mama.

Hindi ko maatim na tinuturuan ni Mama na magsinungaling si Sen kay Papa.

Para ano? Para makuha niya ang gusto niya, palibhasa wala na siyang makukuha sa akin dahil malapit na akong magtapos ng pag-aaral at hindi na niya ako magagawang kontrolin upang humingi ng pera kay Papa dahil lang sa gusto niya.

Lagi siyang may pasobra sa tuwing hihingi ako ng pambayad sa school kesho kailangan ko daw, kahit hindi naman.

Kahit ayokong magsingungaling kay Papa ay wala akong magagawa dahil siya naman ang magagalit sa akin.

Sobrang bigat sa pakiramdam kapag ginagawa ko iyon, awang-awa ako kay Papa dahil nagpapakahirap siya sa trabaho pero si Mama ginagamit lang sa walang kabuluhan ang pera.

Magaling magmayabang ng hindi naman sa kanya.

Kung sa akin ay nagagawa niya iyon, ngayon ay hindi na ako makapapayag na kontrolin niya rin ang kapatid ko na parang robot.

Nagawa kong isumbat sa kanya ang lahat ng mga hinanakit ko.

At yung lihim na akala ko ay babaunin ko hanggang sa kamatayan ay bigla ko ring naisiwalat.

She Used To Be MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon