Shewi
ISANG malalim na buntong hininga ang aking pinakawalan habang naglalakad pauwi ng bahay galing sa school.
Inabot ako ng dilim sa paglalakad sa kadahilanang ginabi narin kami ng mga ka-grupo ko sa pag gawa ng thesis.
Konti na lang talaga at makakapag tapos na ako ng pag-aaral.
I'm so tired ang nasabi ko sa aking sarili.
Tuwing uuwi na lang ako ay iyon ang nararamdaman ko, hindi dahil sa napagod ako dahil sa school kundi dahil kailangan ko na namang magpanggap na masaya at panibagong kasinungalingan na naman ang aking gagawin.
Mabuti na lang talaga at nandiyan ang aking kapatid, kahit papaano ay nababawasan yung bigat na nararamdaman ko sa aking dibdib.
Samantala patuloy lang ako sa paglalakad ng may marinig akong sigaw ng isang babae na humihingi ng saklolo.
Hinanap ko kung saan nagmumula ang sigaw na iyon hanggang sa mapadpad ako sa madilim na parte ng bakanteng lote at nakita ko kung paano pinagtangkaang gahasain ng isang lalaki ang kaawa-awang babae.
Kitang-kita ko kung paano sinisira ng lalaki ang damit ng babae kaya naman naghanap na agad ako ng pwede kong ipanghampas doon sa lalaki.
Nang makakita ako ng isang bote ng alak ay hindi na ako nagdalawang isip pa. Kinuha ko na ito at nagmadaling pinuntahan ang babae sabay hampas ng bote sa ulo ng lalaki ng pagkalakas-lakas kaya ayon bumulagta rin kaagad.
Kinabahan pa ako dahil baka napatay ko yung lalaki pero sa huli ay mas inalala ko yung babae.
"Miss, ligtas ka na pero kailangan na muna natin lumayo baka magising pa 'to. Halika na." Aya ko.
Iyak lang siya ng iyak kaya naman hinila ko na lang ito palayo doon sa lalaki.
Nang makalayo na kami ay hingal na hingal kaming pareho na huminto sa isang liblib na lugar.
Diosmio. Saan na ba kami napadpad ng babaeng kasama ko?
Napansin ko naman na magkahawak kamay kami at ng magkatinginan kami ay bigla na lang kami nagbitaw ng hawak.
Naramdaman niya din kaya yung naramdaman ko?
Kahit nasa liblib kaming lugar ay sobrang liwanag naman ng buwan. Kaya naman nung napadpad yung tingin ko sa sirang damit nung Babae at kita na ang kanyang bra ay tila napalunok ako ng laway sa aking nakita.
Bakit parang biglang uminit?
Bigla namang lumakas ang hangin at dahil halos mahubaran na siya ay halatang giniginaw ito.
Naawa naman ako kaya hinubad ko na ang suot kong hoody at pinahiram sa kanya.
"Suotin mo na muna itong hoody ko baka magkasakit ka niyan eh."
"Salamat nga pala sa pagligtas mo sa akin ah, utang ko sayo ang buhay ko ngayon." naluluha niyang sabi.
"Ginawa ko lang naman ang nararapat." sagot ko at pinahid ang luha na lumandas sa kanyang pisngi.
"Wag ka ng umiyak please?" dagdag ko pa.
Tinulungan ko narin siyang isuot sa kanya ang pinahiram kong hoody.
After niyang maisuot ang hoody ay pinagmasdan ko ang kapaligiran.
Nasa itaas na parte pala kami ng lugar namin napadpad, kaya pala hingal na hingal kaming dalawa kanina.
"Halika maupo tayo doon." Aya ko sa kanya sa may tuktok ng burol na ito. Nilahad ko pa ang aking kamay.
Madamo kasi ang lugar pero sakto lang at pwedeng upuan at higaan.
BINABASA MO ANG
She Used To Be Mine
Romance(COMPLETED) "Ako, pangarap ko lang makatagpo ng taong maiintindihan ako, yung taong tatanggapin kung sino ako." - Shewi Ignacio "I'm just here." - Riley Owens Paano mo nga ba nasasabing hindi mo na kilala ang iyong sarili? Paano mo nasasabing gust...