Chapter 5 - Real Friends

823 33 1
                                    

Riley



"Pasensya ka na ah, naabala pa tuloy kita." Paghingi ng tawad ni Shewi habang akay-akay namin ang tatlo niyang kaibigan.

"Ano ka ba okay nga lang." sabay ngiti ko sa kanya.

Sa iisang kwarto na lang namin dinala ang mga kaibigan niya para hindi na kami mahirapan pa.

Sa tatlong kaibigan niya ay si Candez na lang ang medyo matino at tinulungan kami na madala sa kwarto niya si Becky at Stacey.

Medyo nahihilo si Candez pero tinulungan niya parin kaming maihatid yung dalawa kahit na pinapauna na namin siyang magpahinga kanina.

"Whoooo!" pagbuntong hininga ko ng maiayos na namin yung dalawa sa kama.

Si Candez naman ay napaupo sa sofa at hawak-hawak ang kanyang ulo.

"Are you okay Candz? Gusto mo ikuha kita ng tubig?" sabi ni Shewi.

Kitang-kita ko kung paano siya mag-alala sa kanyang mga kaibigan pero bakit hindi makita yun ng mga kaibigan niya?

" Thank you Wi. Pero okay lang talaga ako medyo nahihilo. Sorry nga pala at naperwisyo ka na naman namin." sabi nung Candez.

Masasabi kong naiiba si Candez sa dalawa niyang kaibigan.

"Ano ka ba, okay lang. Sige na humiga ka narin." sabi ni Shewi.

Pero napatingin sa akin bigla si Candez.

Naningkit pa ang kanyang mga mata.

"Wow, ngayon ko lang napagmasdan ang ganda pala ng kasama mo. Sino siya?" tanong nung Candez.

"Ah Riley ang pangalan ko, kaibigan niya." masaya kong sagot.

Nanlaki pa ang mga mata niya sa naging sagot ko.

"Kaibigan? Kelan pa? Wala naman kaming napapansin na naging kaibigan mo bukod sa amin." takang tanong ni Candez kay Shewi.

"Ah bago lang, nagkakilala kami 3 months ago." sagot niya.

Napatango-tango naman si Candez.

Nakita ko pa na nagpapalit-palit ang tingin niya sa amin ni Shewi.

"Ah sige na Candez, mauuna na kami." paalam ni Shewi.

Ngumiti naman sa kanya si Candez at yumakap pa kay Shewi.

"Thank you ulit Wi, maasahan ka talaga kahit na alam kong hindi kami naging mabuting kaibigan sayo, nandiyan ka parin." malungkot na sabi ni Candez.

"And to you Riley, masaya akong nakilala kita at sana ingatan mo si Shewi. Ikaw ng bahala sa kanya." sabi sa akin ni Candez.

Ngumiti ako sa kanya at tumango.

"Thank you." ang sabi pa ni Candez.









































































































































TAHIMIK lang kami pareho sa sasakyan ni Shewi.

"Ah saan kita ihahatid?" putol niya sa katahimikan.

"Sa inyo na lang, Shewi. Malapit lang naman ako sa bahay niyo, lalakarin ko na lang. Tsaka pwede ko bang makita si Sen? Miss ko na kasi yung batang iyon." sabi ko.

She Used To Be MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon