Chapter 11 - Can you hear me

787 30 12
                                    

Shewi





DAHAN-DAHAN kong iminulat ang aking mga mata na tila ba'y nangangapa sa liwanag.

Walang gana akong bumangon at lantang gulay na dumiretso sa banyo.

Naisipan kong maghilamos pero bago iyon ay napaharap ako sa salamin, kitang-kita ko ang bakas ng walang tulog sa aking mga mata.

Hindi ko mapigilang mapangiti ng mapait sa sarili kong repleksyon.

Ano bang nagawa kong mali para danasin ko ang mga hirap na'to?

Bata lang po ako at wala po akong ibang ginawa kundi ang mahalin ang pamilya ko at ang maging isang mabuting anak at kapatid, pero bakit ganito?

Bakit tila ako ang pinaparusahan sa kasalanang hindi ako ang gumawa?

Tuluyang lumandas na naman sa aking mga mata ang luhang sanhi ng aking pagdurusa sa kasalanang hindi ko mawari kung bakit ako ang pinaparusahan.

Sa pagkakataong 'to muli na naman akong napahagulgol sa iyak.

Bumalik na naman kasi ang mga ala-ala na sana'y hindi ko na lang natuklasan.












Grade 3

Eight years old ako nang malaman kong niloloko ni Mama si Papa at sa kaibigan pa talaga ni Papa. Hindi ko sinasadyang mabasa yung text ni Tito para kay Mama.

"Babe, ingat ka." maikling mensahe pero nagdulot sa akin ng pagka-lito.

Sobrang pagtataka ang naidulot sa akin nito at kung bakit ganito ang text niya? Nag-iwan ito sa akin ng malaking palaisipan pero dahil bata lang ako, inisip ko na lang na baka wrong send lang si Tito Frank.

Kaya naman ipinagkibit-balikat ko na lang ang aking nalaman.

Hindi naman nagtagal at wala rin naman akong napansin na kakaiba kay Mama kaya tuluyan ko itong kinalimutan.











Grade 5

Ten years old naman ako ng muli ay may nabasa akong text but this time hindi ko kilala kung sino. Number lang, kaya naisip ko na baka wrong send ulit pero dahil na-curious ako kaya nagbasa ako ng inbox ni Mama.

"Miss na kita mahal, di na ako makapaghintay na makita ka."

Nakapagtataka lang kasi na kung wrong send ito bakit may naganap na conversation?

Halos mabitawan ko ang phone ni Mama sa mga nabasa ko.

Pilit itinatanggi kung ano man ang aking mga  nabasa, Hi-hindi magagawa ni Mama ang ganun.

Paulit-ulit akong umiling-iling.

Mabilis akong tumakbo palabas ng kwarto ni Mama at nagkulong sa aking kwarto.

Nanginginig ang aking dalawang kamay kasabay ng nagpupuyos kong damdamin.

Unti-unting namuo ang luha sa aking mga mata na tila ba'y nag-uunahang lumabas.

Kahit anong pigil ko ay kusang lumabas ang mga ito. Isang tanda na wala na akong nagawa kundi tanggapin ang natuklasan at umiyak na lang sa isang sulok habang yakap-yakap ang sarili.

All this time niloloko ni Mama si Papa?

Kaya ba laging busy si Mama sa phone? Kaya ba tuwing magpapatulong ako sa aking assignment ay halos hindi niya ako pansinin dahil busy siya sa kanyang kausap?

She Used To Be MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon