Chapter 16 - Real Thing

708 25 1
                                    

Shewi




"Sen! Tama na yan umahon ka na, kanina ka pa nagsi-swimming. Look oh malamig na yung gatas mo." tawag ko sa kapatid ko.

"Pero gusto ko pa mag-swim Ate!" balik na sigaw niya.

Narinig ko naman ang mahinang tawa ni Riley mula sa likod ko kaya napatingin ako dito.

"Where's Stephen?" tanong ko pero sumimangot lang ito.

Madaling araw palang ay umalis na silang dalawa, nagpunta siya kanina sa kwarto para mag-paalam.

Ang paalam niya ay may aasikasuhin silang dalawa ni Stephen pero mukhang si Stephen lang ang may inasikaso lalo na at nandito siya ngayon sa harapan ko.

Ano kaya yung inasikaso nila? Hindi ko na kasi natanong kanina dahil inaantok pa ako.

After niyang humalik sa noo ko ay ramdam kong nakatulog lang din ako ulit.

"Bakit si Stephen ang hinahanap mo?" nakanguso nitong tanong na ikinangiti ko.

Napailing-iling akong lumapit sa kanya at hinalikan siya sa may tuktok ng ulo.

Lalayo na sana ako sa kanya ngunit mabilis akong niyakap nito na ikinahagikgik ko pa.

"Quota ka na sa tsansing ah." pang-aasar ko sa kanya.

"Aminin mo na kasi na mahal mo rin ako." nakalabi nitong sa akin.

Umiling-iling ako na mas lalong nagpasimangot sa kanya.

"Tsk daya, may pahalik-halik ka sa akin pero..."

Hindi na natuloy yung sinabi niya ng biglang sumingit ang kapatid ko.

"Are you two dating?" nakangiti nitong tanong na umahon na pala sa swimming pool.

Sabay kaming napatingin sa kanya na nanginginig na ngayon sa lamig pero di mawala ang ngiti sa labi.

Seven palang kasi ng umaga kaya medyo malamig pa talaga.

"Halika ka nga dito." pag-iiba ko ng usapan at binalutan siya ng tuwalya.

"Inumin mo muna yung gatas mo para mabawasan yang panlalamig mo." sabi ko sa kapatid ko.

"Tsk iniiba mo lang ang usapan eh." Bulong ni Riley na pareho naman naming narinig.

Sinamaan ko nga ng tingin.

"Ate Riley is right, so what's the real score?" patuloy pa ni Sen na ikinalaki ng mga mata ko ng marinig ang sinabi ng kapatid ko.

"Saan mo naman narinig ang mga ganyan? Bakit may nalalaman kang pa-real score?" taka kong tanong sa kanya.

Napakamot ng ulo si Sen.

"Kay Kuya Stephen, narinig ko kasi siyang tinanong si Ate Riley pero sabi ni Ate Riley ikaw lang daw ang makakasagot ng real score sa inyong dalawa." honest na sagot nito.

Seryoso? Kailangan ba talaga nilang mag-usap na laging naririnig ng kapatid ko?

"Oh wala akong alam diyan ah, hindi ko alam na nakikinig siya sa amin. Promise!" nag-taas pa ng kamay si Riley.

"Ah wala silang kasalanan Ate, I'm just curious lalo na I really like Ate Riley for you."

Ngiting-ngiti naman si Riley sa sinabi ng kapatid ko.

"Hays Sen kaya magkasundong-magkasundo tayo eh." tuwang-tuwa naman na sabi ni Riley.

Yung kapatid ko naman ay kumindat pa kay Riley na ikinatawa nung isa.

She Used To Be MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon