Riley
HINDI ako mapakali at kanina pa paikot-ikot dito sa sala.
"Riley, can you stop? Ako ang nahihilo sa pinag-gagagawa mo." Nakakunot noo na suway sa akin ni Stephen.
Si Stephen ang kasa-kasama ko halos mag-iisang buwan na para mag tutor sa akin dahil kailangan kong mag exam para makapasok ng college.
Sabi niya walang imposible sa pera, kaya kahit hindi ako dumaan ng highschool kung kaya ko naman ipasa ang exam na ipapa-take nila sa akin ay makakapasok na ako sa college
Hindi kaso sa akin ang ganun, alam kong kaya ko dahil kahit noon pa naman ay mabilis na akong matuto.
Nung una ayoko na talagang mag-aral pa, pero ng makilala ko si Shewi ay doon nagbago ang pananaw ko sa aking buhay.
Tinawagan ko si Steve, ang matandang lalaki na naghanap sa akin noon at ang kanang kamay ni Lola Remi. Sinabi ko sa kanya na gusto ko muling mag-aral at pumayag naman siya at tinulungan ako. Siya na daw ang bahalang mag-ayos ng lahat.
Pinadala niya ang kanyang anak na si Stephen para gabayan ako.
Naging close ko agad si Stephen kahit na mas matanda siya sa akin ng dalawang taon, itinuring niya akong nakababatang kapatid.
Natuwa nga siya ng malamang mag tu-tutor siya sa akin dahil para naring may kapatid siya. Mag-isa lang kasi siyang anak kaya sabik siya sa kapatid.
At dahil parang naging Kuya ko na siya, sobra kung protektahan niya ako, akala nga ng iba ay boyfriend ko siya pero ang di nila alam ay hindi kami talo ni Stephen. Bukod sa may Kuya na ako ay / may Ate rin ako.
May pusong babae si Stephen pero hindi yun halata sa kanya dahil napaka-gwapo nito, out siya sa lahat pero dito sa lugar ko, walang nakakakilala sa kanya.
Dahil din sa gaydar niya (ayon sa kanya, jusko may word pala na gaydar) ay hindi nakalagpas sa kanya ang matagal ng gumugulo sa aking isipan simula ng makilala ko si Shewi.
"Hindi mo kasi naiintindihan." naiirita kong sagot sa kanya.
"Ay talagang hindi, dahil kahit sarili mo hindi mo maintindihan. Try mo kayang aminin sa sarili mo ng pare-pareho nating maintindihan?" Suhestyon niya at may kasama pang pailing-iling.
"Isa pa, hindi ba't ito ang gusto mo? Ang layuan siya? O ngayon si Shewi na ang lumalayo sayo, ngayon naman nagkakaganyan ka?" At tinaasan niya ho ako ng isang kilay.
Aba, lumabas ang pagkababae ni Kuya, ang taray!
Napahinto ako sa paglalakad-lakad at marahas na napaupo sa sofa.
Halos gusto ko ng umiyak, isang linggo na kasi ang lumipas simula ng mapansin kong tuluyan ng sumuko si Shewi sa akin.
Oo inaamin ko, sinadya ko talaga noon na layuan siya. Hindi ko kasi maintindihan ang sarili ko. Natatakot ako sa aking nararamdaman.
Hindi siya mawala sa isipan ko at tingin ko hindi lang pagkakaibigan ang gusto ko sa kanya. Dahil tuwing magkakasama kami ay tila ba gusto ko siyang hagkan, sabihin niyo nga, normal ba sa pagkakaibigan kung ganun ako mag-isip sa kanya?
Hindi ako nakapag-aral pero hindi naman ako tanga para hindi malaman kung ano 'tong nararamdaman ko.
Kaya hanggat kaya ko pang pigilan ay ginawa ko na, naisip kong lumayo muna baka sakaling mawala itong nararamdaman ko pero sinong niloko ko? Sarili ko lang din, dahil lalo ko lang tuloy napagtanto kung gaano ko siya kagustong makasama.
BINABASA MO ANG
She Used To Be Mine
Romance(COMPLETED) "Ako, pangarap ko lang makatagpo ng taong maiintindihan ako, yung taong tatanggapin kung sino ako." - Shewi Ignacio "I'm just here." - Riley Owens Paano mo nga ba nasasabing hindi mo na kilala ang iyong sarili? Paano mo nasasabing gust...