⚠LIGHT PG⚠
10
🔆🔆🔆
Faith Serenity
Alas otso na wala pa si Paul Shalem. May-usapan kami na darating siya o siya pala ang may sabi na pupuntahan na naman niya ako at tutulungan sa paggawa ng questionnaires. Sabi ko wag na siyang pumunta pero sabi niya, pupunta siya?
But where is he?
Napasulyap ako sa relo para siguruhin na talagang alas otso na pero tama ang huling sulyap ko roon.
I frowned and pouted but yaya Patchi came in, carrying my glass of milk.
“Gatas na, anak.”
“Yaya, still no visitor downstairs?” sinulyapan ko ang yaya ko at umiling naman siya.
“No poging lalaki downstairs na may hikaw sa ilong. Anak naman, bakit naman ganoon ang manliligaw mo? Halatang napakababaero, anak.”
Lalo akong sumimangot. “Yaya naman. Don’t judge him. Not because he has nose piercing, he’s already a womanizer.” pagtatanggol ko naman kay Paul.
I know that he was a womanizer but I want to put my trust to him and never doubt his intention. He was here last night and met my father. Nagpakilala siya sa harap ng ama ko.
“Asus, o siya sige na. Hindi na ako magsalita. Mukha naman mabait saka mukhang nilalambing ka naman.” inilapag na niya ang gatas ko tapos ay tumalikod na siya.
I looked at my laptop again and still frowned. Wala akong nareceive na text if he’s still coming or not. I don’t want to ask him neither. Nahihiya ako kahit na gustong-gusto ko rin siyang makita.
“Bebe gurl,” another housemaid called that’s why I lazily looked back.
Wala na si yaya sa kwarto ko at ang nakasilip ay si Ate Doray, nakabungisngis iyon na parang tumama sa lottery.
“Why, ate Doray?” para akong namatayan ng kuko.
Nakapangalumbaba ako at nanunulis ang mga labi.
“May hinihintay ang bebe namin?” lalong bumungisngis ang babae kaya tumango ako.
“Oo pero di na ‘yon darating. It’s already eight. An hour na lang, I would sleep na. Why?”
“Gwapo ba ang hinihintay mo saka matangkad? May hikaw ba sa ilong na yayamanin, may green na mga mata?”
Pumiksi ako sa inis. Bakit naman iniisa-isa pa niya ang hitsura ni Paul? Nakita na niya ang crush ko kagabi, syempre pamilyar na siya sa hitsura no’n.
Hindi yata ako no’n crush talaga kaya hindi na bumalik pa.
Paano ba naman ay nagpahalik na ako na sobra bago ‘yon umalis at parang ngayon nami-miss ko ang halik no’n.
“Of course kilala mo siya. Alis ka na nga. Tatapusin ko pa ito.” nakasimangot na taboy ko sa katulong pero humagikhik ang bruha.
“Taraaan!” she shouted and Paul entered my room with a cheeky grin.
“D-Demure?” napalunok ako ng laway at parang nataranta ako sa kinauupuan ko.
Gosh! Nagbihis na ako ng damit kong pantulog, fifteen minutes before eight kasi iniisip ko na maaga siyang darating. He’s so late.
“Sige na, salamat sa introduction mo, ganda.” kinurot niya ang pisngi ni ate Doray na kilig na kilig naman.
I scanned him and he looks so sexy. His pants is a bit tighter. Talo pa niya ang artista sa Hollywood.
BINABASA MO ANG
Prince's Downfall(Inc Chaps)
RomanceHe bacame a badass fucker, cheated on her fiancée for some pussies but regretted in the end. Ang buong akala niya ay hindi na siya makakabngon pero namulat siya sa katotohanan at lahat ng kamalian. Wala talagang Grande na tumataob lalo na ang katula...
