20
🔅🔅🔅
Faith Serenity
…
Naalimpungatan ako nang maramdaman ko na may kumakalukos sa paligid at walang tigil sa pagkahol si Prunes. Masaya ang kahol niya, ‘yong kahol kapag dumarating ako or si Dad. Raisins can't stop meowing. Kinapa ko sila sa tabi ko pero wala sila kaya nagmulat ako ng mga mata.
My vision is a bit blurry but I noticed a silhouette of a man in front of my closet. Golly! Magnanakaw.
Nilinawan ko ang paningin ko at agad akong napabalikwas ng bangon pero pumihit ang lalaki at naglagay ng damit sa maleta.
“P-Paul?” nalilitong tawag ko sa kanya.
“Good morning.” He’s serious.
I searched for my alarm clock and it's 7:00 PM. Anong good morning? Napaidlip lang ako ng halos forty-five minutes tapos nandito na naman siya? Bakit nandito siya? Nakikialam siya sa mga gamit ko at ang maleta ko ay halos mapuno na niya ng damit. The worse is, basta na lang niya isinasaksak ang mga damit ko roon.
“B-Bakit ka nag-iimpake…ng gamit ko?” kumamot ako sa ulo.
“We're leaving for Guam.” He puts a bunch of nighties inside the luggage.
Ha?
“D-Di ba sa isang araw pa. D-Di ba magpapaalam pa ako sa school na aalis ako? Though I am the owner, I still have to respect my co-teachers.”
“Ah basta.” Parang batang sagot niya sa akin kaya naman makailang ulit akong kumurap. “The next time you will face that dickhead, you are already Mrs. Grande. Kung makatitig sa’yo ang Dickson na ‘yon gusto yata ay mamatay na ako para siya na ang asawahin mo.” Maktol pa niya saka ako hinagod ng tingin.
“Maganda ka naman talaga at bulag lang ang hindi sa’yo magkakainteres.” His eyes burnt fire.
Dinilaan niya ang labi kaya nanginit ang mga pisngi ko. Kahit na may nangyari na sa amin at medyo sanay na ako sa presence niya, para pa rin akong maiihi kapag tinititigan niya.
“Now let’s go.” Pilit niyang inialis sa akin ang mga mata at saka niya isinara ang maleta.
“Hindi pa ako nagbibihis.” Sabi ko sa kanya kaya pumosing siya sa harap ko.
“Do I look like I've changed my clothes, too? Hindi pa rin ako nagbibihis kahit na brief ko.”
Bigla akong napahagikhik at saka nalukot ang ilong ko. “Yucks. It's maasim na.” biro ko sa kanya at natawa rin siya bigla saka nailing.
Imposible na maasim siya. He always smells good. I just don't know if his eggies smell good, too when he never changes his briefs. Minsan maamoy ko rin ‘yon para mapatunayan kung tama ang hinala ko.
He offered his hand and I looked at it. Ngumiti ako sa kanya nang tanguan niya ako. “Ready to fly with me and become my Mrs. Paul Shalem Grande?”
“Yes.” Ipinatong ko ang kamay ko sa palad niya at agad niyang hinawakan nang mahigpit.
He pulled me and walked me out of my room. Kasusunod namin ang mga alaga ko na alam kong hindi ko naman madadala kaya si Yaya Patchi na muna ang mag-aalaga sa kanila.
Paglabas namin ay naghihintay si Dad sa may living room sa taas. He looked at me but I noticed that he's not with his wife. I knew it by his stance that he's waiting. Maybe Paul already talked to him when he arrived.
BINABASA MO ANG
Prince's Downfall(Inc Chaps)
RomanceHe bacame a badass fucker, cheated on her fiancée for some pussies but regretted in the end. Ang buong akala niya ay hindi na siya makakabngon pero namulat siya sa katotohanan at lahat ng kamalian. Wala talagang Grande na tumataob lalo na ang katula...