21

5.1K 373 47
                                    


21

🔅🔅🔅

Faith Serenity

I smiled as I look at the pictures on my tab.

Kagigising ko lang at hindi pa ako nakakapagmumog pero nakabungisngis na ako habang bumababa sa hagdan.

We're back in the Philippines. Isang araw lang kaming naglagi sa Guam pagkatapos ng kasal. Namasyal ang buong pamilya namin at 'yon na ang kwenta honeymoon. I enjoyed a lot though at night we never had sex. Plastado kami ni Paul parehas at ginising lang kami ni Paige nang papauwi na kami sa Pinas.

I giggled before I finally stepped down on the floor. Ang ganda ng kuha namin nang lahat kami nakatakip sa mukha pero si Zed at Paul ay hindi. Hindi sila nakikiuso. Ayaw nilang takpan ang gwapo nilang mga mukha.

I scrolled down for the next pictures. Sino kaya ang nag-upload ng mga pictures ng kasal namin ni Paul? Bagong website lang ito. Open for public viewing ang gallery.

Napatigil ako sa may kusina nang makita ko ang caption ng isang litrato.

5 years ago, 2 days ago.

Sa ilalim ng 5 years ago ay litrato ni Zed at ni Nissy sa araw ng kasal nila. Sa ilalim ng 2 days ago ay ako at si Paul naman sa parehas pang pose.

Kinililig akong napatalon.

Hindi pa ito nakikita ni Paul. Tulog pa siya sa itaas. Ano kayang magiging reaksyon niya?

"O hala, bakit ang aga mo day?" napatigil sa pagkendeng si Ate Melba habang dala ang mga lulutuin niya for breakfast.

Siya ang kusinera namin sa mansyon.
"Ay ako ang magluluto, ate."

"Ay pagod ka pa. Rest ka muna."

"No. Ako na. Gusto kong magluto for Paul and Dad. Si Tita Fath, umuwi na ba?"

"Ay waley pa si mudra mong jepeyk. Baka later on pa. You know naman her byuti. Baka akala di pa kayo nakakauwi galing sa Guam."

"Uhm..." tango-tango ko pero may lumagitik kaya sabay kaming napatakbo sa may bukana ng kusina para silipin kung sino ang pumasok sa main door.

Fatimah entered. Hawak niya ang susi ng kotse niya at mataas ang noo na tumingin sa amin.

"You arrived?" medyo parang nagtataka pa siya pero sinusuri ang hitsura ko.

Then her eyes landed on my fingers.

"Yes." I beamed at her.

Lumapit ako sa kanya kahit malayo siya.

Hinalikan ko siya sa pisngi at wala naman siyang reaksyon. Tumingin siya sa hawak kong tab at napansin ko na napako roon ang mga mata niya.

"The wedding pix."

"Don't tell me they're uploaded. Grandes are off to any websites. Paid website lang ang ang may mga litrato nila."

"Oo. I still don't know who uploaded the pix." Napakamot ako sa ulo pero mayaman siyang nakatingin sa akin.

"Or it's you." Fatimah declared, making my eyes widen.

"No. Hindi ko alam kung sino. Daddy Damien said that the pix must be confidential but here they are. Saka..." tiningnan ko ang mga litrato.

"Wala naman masama kung makita ito ng mga tao."

Pagak na natawa si Fatimah at nilagpasan niya ako. "That is if you married because you truly love each other, dear. The fact na napilitan lang si Paul na panagutan ang ginawa niya sa'yo, I don't think na dapat maging masaya ka. Remember that it was not a choice. It was merely a demand both of you could never reprimand." She slightly looked back at me and glanced one more time at my wedding ring.

Prince's Downfall(Inc Chaps) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon