Remember this?
-Paul Shalem Grande "Don't hate me much, you might find yourself falling in the end."
✍️Bakit naiinis kayo kay Paul Shalem? Ang bait bait naman niya ah. 😂
9
🔆🔆🔆
Faith Serenity
I can’t help myself. Hindi ko man gusto na asikasuhin siya, hindi ko mapigil. Ganito pala ang pakiramdam na may lalaking dumalaw sa bahay, nakakawindang. Nawiwindang man ako, I’m still acting normally as the real me. I can’t be pretentious. I can’t be that foolish.
“Kain ka pa.” sabi ko kay Paul nang makita ko na halos wala ng laman ang plato niya.
He looked at me and there’s awe that’s why I almost giggled.
He looks funny. Hindi naman siya mukhang matakaw at palakain pero bakit sabi ni Samantha ay mahilig itong kumain?
“God, I’m so full, Sassy. Can I just have some sweets?” dumako ang mga mata niya sa nakahandang Panna Cotta. It has strawberries on the top and caramel.
“’Yon?”I asked, looking at my dessert.
I stood up and grabbed one. Iniabot ko ‘yon kay Tita Fatimah at napatigil ito bigla sa pagnguya. She looked at me with the same aura she used to wear every day. Para itong si Victoria’s Secret model, Gigi Hadid kung makapag-aura. Ang kilay nitong natural na nakakurba ay parang isang reyna.
“Thanks.” Walang buhay na sabi nito saka ibinalik ulit ang mga mata sa pagkain.
Hindi ko na lang pinansin ang hitsura niya at tumingin naman ako kay Dad. I gave him one glass and he smiled so dearly.
“Cholesterol for Daddy.” Biro nito kaya napatakip ako sa labi at saka ako tumingin kay Paul Shalem, na nakatingin din sa akin.
“Here’s for you, too.” I handed him the dessert and he just smiled.
“Thanks. I’m dying to taste how sweet it is.” Tumaas ang gilid ng labi niya at nakita ko naman si Tita Fatimah na napatingin sa kanya.
I happily sat again and shrugged. “Then eat all you can.”
“I will.” Lalo siyang ngumisi at naningkit ang mga mata.
I don’t know what’s with his words but I suddenly had goose flesh. Parang iba ang dating ng ngiti at titig niya. Parang may iba siyang pakahulugan pero hindi ko naman maintindihan.
Sa totoo lang, ninenerbyos talaga ako kanina pa kasi baka hindi niya magustuhan ang lahat ng inihanda ko. I wanted him to see the hidden personality of Faith Serenity. Sa eskwelahan kasi ay medyo pormal ako pero dito sa bahay ay ordinaryong tao lang ako, isang kusinera. I love cooking and I love doing the household chores except for laundries.
Nasusugat ang kamay ko sa sabon kaya hindi talaga ako pwedeng maglaba.
“I want to meet your father, iho. Sa totoo lang, matagal ko ng gustong makilala ang Damien Grande kaya lang hindi siguro mag-krus ang mga landas naming dalawa. I’m a busy man and so as your father.” Dad started a topic again.
Tumango si Paul pero seryosong-seryoso ang mukha niya, malayo sa Paul na kaharap ko kapag kami lang dalawa. He’s too playful when he’s in front of me while civil to my father and stepmom.
“I’ll try to tell him, Tito. He loves golf and I know you, too. Maybe one time you could spend time and play with each other…and this lady beside me will bring Panna Cotta again.” Bigla niyang naisingit kaya natawa ako nang mahina.

BINABASA MO ANG
Prince's Downfall(Inc Chaps)
RomanceHe bacame a badass fucker, cheated on her fiancée for some pussies but regretted in the end. Ang buong akala niya ay hindi na siya makakabngon pero namulat siya sa katotohanan at lahat ng kamalian. Wala talagang Grande na tumataob lalo na ang katula...