CHAPTER 16.. School Retreat prt.2
Lance’s POV
After nung marinig ko yung mga sinabi ni Miko, gumaan yung loob ko pero hindi ibig sabihin nun ay papatawarin ko na si Lj. Choice naman na iwan ako right? Well, wala na akong magagawa.
Pinadiretso kami sa area kung saan mayroong stage. Anu nanaman ba toh? Tch! Umupo nalang kami nila Miko, Kenji at Eros at nakinig sa emcee..
“Guys, We will start a game.”- sabi nung emce..
Actually, kanina ko pa gustong tumayo at umalis dito sa kinauupuan ko pero baka sabihin nila ang KJ ko kaya tiniis ko nalang tutal wala nanaman akong magagawa..
“You will be given a paper then mag-iisip kayo nang pinakamahalagang tao sa buhay niyo then isusulat niyo sa paper yung message niyo sa kanya.”- emcee
Ang corny noh? Well, tulad ng sinabi ko, wala na akong magagawa. Binigyan na kami ng papel nung lalaki. Sino naman bang mahalaga sa buhay ko? Wala naman diba? Si Lj? Tch. Wala na kongh kilalang Lj kundi Lance Jeremy..
“May nasulat kana?”- tanong ni Eros
“Yup.”- si Miko
“Oh yeah.”- si Kenji
“Ikaw Lance?”- tanong ni Eros
“Yeah”- ako
To tell you the truth, wala talaga akong sinulat sa papel. Dumaan na sa line namin yung box na paglalagyan nung papers, then hinulog ko na yung sakin. Kahit walang sulat. Then nag-start na yung emcee sa pagbabasa nung mga messages.
“Ok, so eto na ang lahat ng papers and let me read this.”- emcee
Then nagtilian na yung lahat ng tao sa area.
“Hi cute..”- simula niya
Grabe. Nako-cornihan na ako dito tapos yung mga babae kala mo nakalunok ng microphone kung makatili. Tch!
“Alam mo bang matagal na kong may gusto sayo…………”- actually di ko na pinakinggan yung mga sumusunod na sinasabing emcee.
After thirty minutes, sumasakit na yung puwetan ko sa kakaupo dito. Buti na nga lang at hindi nabubutas yung upuan.
“Lance, pakinggan mo yung sinasabi ng emcee.”- si Eros
“K.”- sagot ko
Hay, ang kulet ng mga tao sa mundo. Then pinakinggan ko na..
“Hi. Alam kong nandito ka. Gusto ko sanang mag-sorry sa mga ginawa ko sayo. Lalo na nung araw na iniwan kita at umalis ako ng bansa. Sising sisi talaga ako sa ginawa ko. Mahal kita, sobra. Kailangan ko lang talagang hanapin yung sarili ko kaya ko nagawa yun. Alam mo, nung nasa states ako? Gabi-gabi akong umiiyak kasi gusto ko nasa tabi kita. Na-miss ko yung prescence mo. Halos di nga ako makakain araw araw kasi nakokonsenya ako at wala ako sa mood kasi iniisip kita. Sorry talaga.. Sana mapatawad mo ko. Alam mo? Nandito na ko sa Philippines at Bumalik ako. Tama, Binalikan kita. Di ko alam kung anong gagawin ko kung mawawala ka sakin. Ngayon, alam kong galit ka saakin pero gagawa ako ng paraan para umayos ang lahat at bumalik na ang dati. Gusto talaga kitang lapitan pero alam kong hanggang sa malayo lang ako. Pero, I made this decision, kasi baka mamatay ako sa sisi. Sana naririnig mo toh ngayon at sana mapatawad mo na ko. –Lj”- sabi nung emcee
Nung narinig ko ang lahat, mas lalo akong nagalit. Di ko alam pero di naman siguro ako yun diba? Hahaha.. Ang assuming ko talaga, panu namang magiging siya yun eh nasa ibang bansa yun at wala nang balak bumalik.. Haayyy, Lance wag masyadong mag-akala maraming namamatay sa maling akala.
So yun, wala naman akong paki dun sa message di naman sakin yun. Makabalik na nga lang sa room.
BINABASA MO ANG
My Masochist Lover
Teen FictionMahal ko siya, pero cold-hearted siya. May magagawa pa kaya ako? Makikita ko ba ang tunay na SIYA? May pag-asa pa ba ako? Muli ba niyang buksan ang puso niya para magmahal? Hanggang saan ko kaya kayang ipaglaban ang nararamdaman ko sa kanya? Am...