Chapter 8

9K 132 18
                                        

NAGPATIMPLA ng kape pero nakatulog din naman. Kakatapos lang ni Alex na pagtimplahan ng kape si Cath pero ng makabalik sya galing kusina ay naabutan nya si Cath na natutulog na.

Kaya binuhat nya si Cath patungo sa kwarto nya at inihiga ang dalaga sa kama nya. Ni hindi man lang nagising ito ng buhatin nya ito.

Nang mahiga nya ang dalaga ay naisipan nyang maligo muna bago rin matulog.

Natapos syang maligo at magbihis pero hindi pa sya inaantok kaya tumambay muna sya sa balkonahe ng kwarto nya para magpaantok.

Habang nagmumuni-muni ay naisip nya ang naikwento sa kanya ni Catherine nung nasa event sila kanina.

'Imposible naman na hindi nya nakilala ang tatay nya, tawag lang ang tanging komunikasyon nilang mag ama?' pagtatanong ni Alex sa isip nya.

Napakaimpsibleng bagay ito lalo na sa isipin nya. Napakawala namang kwenta ng tatay nito kung iniwan lang nya ang anak nya at hindi man lang nagpakita o nagpakilala. Ni anino ay wala,.Haist! that's way he hates his father too.

Agad na kinuha nya ang cellphone nya at tinawagan ang isa sa mga kaibigan," Hello. Jp,.can you do something for me?"

"Hey men, ano yun?" normal sa tugon ni Jp sa kabilang linya.

"Can you please check the files and find an information about Catherine Sales father." Tugon nya sa kaibigan.

"O-Okay," alanganing sagot sa kanya ni Jp at nawala na sa linya.

Naiiling syang ibinalik ang cellphone sa bulsa ng pajama nya at bumalik na sa kama para matulog na. Hinarap nya ang dalaga na mahimbing ng natutulog sa tabi nya at pinagmasdan ito.

Naisip nya bigla na bakit nya ba ito ginagawa para sa dalaga, pilit man nyang itanggi sa sarili pero alam na nyang nahuhulog na sya sa dalaga. Yung mga bagay na hindi nya nagagawa sa mga babae nya dati ay ngayon ay nagagawa nya ito kay Catherine.

"Jayson,.." Banggit ng dalaga sa pangalan ng Ex-boyfriend nito dati na ikinagulat nya.

'Mahal pa kaya nito ang lalakeng iyon?' sagi sa isipan nya. Bigla na lang nakaramdam at kinain na ng pagseselos ang sistema niya.

'Wala kang karapatang magselos dyan dahil wala namang kayo.'gagad ng isip nya. At dahil doon nagkaroon sya ng pangamba na baka hindi sya magustuhan nito. Kaya kailangan pa nyang makaisip ng paraan para makuha ang atensyon ng dalaga at mahulog ito sa kanya. Sasaluhin naman nya ito pag nangyari iyong bagay na iyon.

"Matulog kalang sweetie, dahil bukas sisisguraduhin kong mahuhulog at mapapasakin ang puso mo." bulong nya sa dalaga at hinalikan ito sa noo at natulog na rin sa tabi nito.

NAGISING SI CATHERINE dahil sa mabangong aroma ng pagkain na sumuot sa pang-amoy nya. Agad nabumangon sya at nag unat bago napagdesisyonang lumabas ng kwarto at puntahan kung sino ang taong nagluluto na nagpagutom sa kanya.

Nang makarating sya sa kusina ay naabutan nyang nag luluto si Alex. Nakatalikod ang binata sa kanya at ang tanging suot lang nito ay ang boxer shorts nito at ang apron kaya kitang kita niya kung paano magflex ang mabatong balikat at likod ng binata mula sa kinatatayuan nya.

Tahimik lang nya pinagmasdan ang binata habang nagluluto ito. Napakaswerte ng magiging asawa nito kung sakali. Sambit ng utak nya na kaagad nyang ikinalungkot dahil naisip nyang hindi sya ang babaeng iyon. Wag umasa Catherine masasaktan ka lang,.

'I don't like the way he's looking at you,..

Nabalik sya realidad ng marinig nyang kumanta si Alex habang nagluluto ito.

POSITION 1: Alex Eilish - (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon