Chapter 24
Nakarating sila ni Caylus sa hospital na sinabi ni Crystal sa kanila." Saan dito ang room ni Catherine Sales?" tanong nya sa assistance desk pagpasok nya sa hospital.
"Wait for a sec Sir," sambit ng nurse sa kanya.
"Let's go," hila sa kanya ni Caylus ng makasunod ito sa kanya dahil ipinark pa nito ang dalang kotse na ginamit nila.
"What? you know where it is?" he ask.
"Now you ask me, you don't even bother to listen to me bago ka bumaba ng sasakyan at tumakbo papasok dito." sambit nito habang naglalakad sila.
"Sorry, I'm out of my mind." he said.
"Yeah, you are." sang-ayon naman nito sa sinabi nya. Habang naglalakad sila sa hallway.
Iniisip pa rin nya kung anong lagay ni Catherine ngayon. Kung okay lang ba ito. Kasalanan nya ito at ngayon ay nagsisisi na sya kung bakit pa nya inilagay sa panganib ang taong mahal nya.
"Hey,.man, walang gusto ng nangyari, it's just an accident." tapik sa kanya ni Caylus na nagpabalik sa kanya sa realidad.
"Yeah, I know, but she's the only one I've got. Sya na lang ang rason kung bakit ako lumalaban kahit nahihirapan na ako. " Sambit nya na napanghihinaan ng loob.
"I know, We know, and we're here, your friends to support and cheer up you. Kahit pa na magmukhang tanga ka pa andito pa rin kami para tulungan ka." anito na kahit papano ay nagpalakas ng loob nya.
Bumukas ang elevator na ngayon lang nya napansin at pumasok na sila. Pinindot ni Caylus ang 3rd Floor button at agad na nagsara ang pintuan. Mga ilang segundo ay iniluwa sila sa palapag na nasabi.
Naglalakad sila sa hallway ng may tumatakbong babae ang papalapit sa kanila at niyakap ng mahigpit si Caylus at humagulhol ng iyak.
"Ssshh,..It will be okay, she will be okay, tahan na" pagpapatahan ni Caylus sa dalaga na umiiyak pa den.
"I can't do anything to save her, she can save me but I can't ever do the same," sambit nito sa pagitan ng mga iyak at hikbi nito.
"Ssshh,.you do your job honey, you save her. Kaya andito tayo ngayon sa hospital." Caylus said while wiping her tears.
Mas lalo lang itong umiyak at mahigpit ulit naniyakap ang kaibigan nya.
"Sssshh,.tahan na, there's someone who deserves the story and information you've got to tell." Pagkalas ni Caylus sa pagkakayakap sa babae at itinuro sya nito.
Napaharap sa kanya si Crystal at bakas sa mukha nito ang lungkot at takot iba pang imosyon na hindi nya matukoy. "Sorry Alex---"
"Na-Nasaan ang kwarto nya?" tanging tanong na lang nya. Ayaw nyang marinig mula sa bibig nito kung paano nasaktan ang babaeng mahal nya. Baka hindi lang nya kayanin.
Tinuro nito ang pintuan sa dulo na agad naman nyang pinuntahan. Habang papalapit sya sa kinaroroonan ng dalaga ay parang mas bumigat ang bawat hakbang nya.
Pinipiga ang puso nya sa masaklap na kinahinatnan ng dalagang dahil sa kanya.
Mabilis nyang binuksan ang pintuan at natuod sa nakita nya.
Walang malay si Catherine. May benda ang tagiliran nito. Nilapitan nya ito at lumuhod sa gilid ng kama at kinuha ang kamay nitong malamig at basa pa.
"Cath,..---sweetie, I-I'm sorry,.." Hingi nya ng tawad kahit wala itong malay, nagbabaka sakali sya na naririnig nito ang pagdurusa nya.
"Nasalinan na sya ng dugo kanina, maraming dugo ang nawala sa kanya at muntikan na ring mapasok ng tubig ang lungs nya but stable na ang lagay nya. Iniintay na lang na magising sya." paliwanag ni Crystal sa kanya pero hindi lang nya ito pinansin.
![](https://img.wattpad.com/cover/198656838-288-k833757.jpg)
BINABASA MO ANG
POSITION 1: Alex Eilish - (Completed)
Roman d'amourWARNING: MATURED CONTENT INSIDE. (NOT EDITED) ***** Alex Eilish is a Famous Writer and a CEO of his own Publishing company. He has a life of an ordinary guy, working hard for his future. After a painful heartbreak on his first love, he never tempted...