Chapter 10
'Nakakainis naman!' reklamo ng utak ni Catherine habang sinisisi ang malakas na tugtog ng DJ. Nasa bar kase sya ngayon at umiinom, naglalasing lang namn sya para magkalakas ng loob na harapin mamaya si Alex dahil nga hindi nya ito nakausap kanina.
Ayaw kase nya na nagkakaganon ito, hindi sya sanay. At saan naman ito magseselos? Hindi nya alam kung bakit nagkakaganito sya o bakit ganito ang inaasal nya ngayon.
Nagkaroon sya ng pag-asa dahil nagseselos ang binata pero hindi naman malinaw ito para sa kanya. Gusto nyang malinawan dahil habang tumatagal ay nahuhulog na sya at natatakot sya nabaka hindi sya saluhin nito at masaktan lang sya mag-isa.
'Nasaan na kaya ito?' pagtatanong nya sa sarili. Naiiling na lang syang uminom ng tequila habang nag-iisip kung anong gagawin nya.
"Cath?" napalingon sya ng may tumawag sa kanya.
Paglingon nya ay napakunot ang noo nya dahil hindi nya ito kilala pero kilala sya nito. 'Just weird'
"Omg! Cath, what are you doing here?" tanong pa nito sa kanya at lumapit pa ito sa kinaroroonan nya.
"Wh-Who are you?" takang tanong nya dito.
"Ayy,.medyo nagtampo ako sayo sa part na yun ha,---Ako ito, si Zhairhelle,." pag papakilala nito sa kanya. Pero kahit na nagpakilala na ito ay hindi pa rin nya ito maalala seguro ay dala ito ng alak na nainom nya dahil medyo nakarami na sya.
"Haist! Remember yung sa Resto nung nakaraang mga araw kung saan kayo kumain ni Alex,.." pilit na pagpapaalala nito sa kanya.
Bigla namang umaliwalas ang mukha nya ng maalala na nya ito,"Ahh,. Zhairhelle, yung pinagselosan ko," biglang sambit nya.
"Wha--What? pi-pinagselosan?" naguguluhang tanong ni Zhai sa kanya.
Shet! hindi nya napigilan ang boses nya dun dahil sa kalasingan na den. "O-Oo,.." mahinang sambit nya na lang at napayuko sa hiya.
"Haist!---" umupo ito sa katabi nya stool at hinarap sya," Bakit? nagkaroon ba kayo ng problema? at tsaka, no need to be worried. Friends lang talaga ang turingan namin ni Alex, even my twin." Paliwanag nito sa kanya.
"Ta-Talaga?---" napatango naman ito bilang tugon,"Alam mo bang nagselos ako akala ko may something kayo ni Alex e," Madrama nyang pag-amin dito.
"Haist! kalimutan mo na lang yang pagseselos mo sa akin," natatawang sambit nito sa kanya."Btw, anong ginagawa mo dito? bakit hindi mo kasama si Alex?" tanong nito sa kanya.
"Wa-Wala lang,..nagka-problema kase sya about sa company nya e," paliwanag nya.
"Hmm,.So bakit ka umiinom? anong dahilan?" makahulugang tanong nito sa kanya habang umiinom ito ng alak.
Bigla naman sya napaiwas ng tingin sa tanong ni Zhai. 'Oo nga naman bakit sya umiinom? Should she say na si Alex ang may dahilan?'
"Is this about Alex?" panghuhula ni Zhai na ikinasamid naman nya.
"Wha--What? No!" pagtanggi pa nya kahit halata naman sa boses nya.
Napailing-iling na lang si Zhai sa pilit pa nyang pagtanggi,"You know what? bakit hindi ka na lang umuwi at kausapin sya?" suhesyon nito.
'Yun na nga gagawin ko gurl e, ano ka ba naman,.' Giit ng utak nya.
"Wai-Wait, hindi namn si Alex ang----"
"Ssshh---" Zhai shush her and place her one finger on her mouth para pigilan syang magsalita,"Don't deny it gurl, I know it in the first place. At tsaka, halata ka kaya." Pangungutya nito sa kanya sabay kindat at sumasayaw na umalis sa harapan nya.
BINABASA MO ANG
POSITION 1: Alex Eilish - (Completed)
RomanceWARNING: MATURED CONTENT INSIDE. (NOT EDITED) ***** Alex Eilish is a Famous Writer and a CEO of his own Publishing company. He has a life of an ordinary guy, working hard for his future. After a painful heartbreak on his first love, he never tempted...
