Chapter 9

7.5K 148 26
                                        

'ANONG PROBLEMA ng lalaking yun?' tanong ni Catherine sa sarili nya. Ilang araw na kase syang hindi pinapansin ni Alex e, mag iisang linggo na halos. At ngayon nga lang ay kadaraan lang ng binata sa harapan nya pero hindi man lang sya nito pinansin.

Halos mag-iisang linggo mahigit na silang dalawa dito sa Paris at hanggang ngayon ay hindi parin sila bumabalik sa pilipinas. At pilit man nyang itanggi sa sarili nya ay unti-unti na syang nahuhulog sa binata, sa ilang araw palang nilang magkasama sa iisang bahay.

Sinundan nya ang binata hanggang sa taas ng penthouse nito. Dalawang palapag ang bahay nito dito sa Paris at sa taas ang kwarto nakapwesto.

At sa halos araw-araw na ginawa ng dyos, halos napapadalas na din ang hindi pagpansin sa kanya nito, kaya nagsasarili syang kumilos sa loob ng bahay nito.
Sya ang nagluluto ng pagkain nya, sya rin ang gumagawa ng ibang gawaing bahay.

At nang dahil sa ginagawa ng binata sa kanya ay hindi na nya kayang tiisin pa ito kaya gusto nya itong makausap para itanong kung anong nagawa nya para hindi sya nito pansinin.

Nakarating sya sa taas at nakita nyang pumasok sa isang kwarto si Alex at hindi sa kwarto nito. Agad naman sya sumunod at kinatok iyon. Pero hindi ito nagsalita kaya dahan-dahan nyang binuksan ang pintuan at nakita nya ang ibat-ibang klase ng gym equipment sa loob ng kwartong iyon.

"Alex,.." tawag nya pero hindi ito sumagot. Tinawag pa nya ulit ang binata pero wala talagang sumasagot kaya napagdesisyonan nyang mag-ikot-ikot sa loob.

Agad na natuod sya sa kinatatayuan nya at napahinto sa paglalakad ng makita nyang topless si Alex at tagaktak ang pawis nito habang nagbubuhat ng isa sa mga malaking barbell.

Shet! agad na nag-init ang pisngi nya at nakaramdam sya ng matinding init mula sa katawan nya. Hindi nya alam kung anong nararamdaman nya kaya aalis na lang sana sya pero huli na ang lahat dahil lumingon na sa direksyon nya ang binata. At huminto sa ginagawa nito.

"Bakit?" Alex coldly ask. Naramdaman niya ang walang buhay nitong trato sa kanya kaya medyo na ngamba syang magtanong. Pero naisip nya na nandito na e, ituloy na lang nyang ang magtanong.

"Ahm,.Ba-Bakit---" utal na sambit nya pero hindi pa sya natatapos magsalita ay pinutol na kaagad ito ni Alex.

"Mamaya mo na lang sabihin kung ano man ang sasabihin mo pagkatapos ko dito." Sambit nito sa kanya.

Nakita naman nya sa mga mata nito ang galit na ikinagulat nya," Ano bang ginawa ko bakit galit ka sa akin? Ni hindi mo ako pinapansin,." Oh, yan na nasabi ko na.

Hindi nya kase kaya at matiis na ganun sya itrato nito lalo na at kakakilala palang nila. Ayaw na ayaw nya na nagagalit sa kanya ang mga taong kakakilala palang nya. Nakaka-guilty kaya.

Nagulat sya ng magpalit ang imosyon ni Alex, mula sa galit ay nakita nya ang selos sa mata nito na agad namn ding nawala.

Hindi sya inimik nito at nag-iwas lang ng tingin sa kanya. "Ano ba? hindi mo ba sasabihin kung anong problema mo sa a----"

"Nagseselos ako!" sigaw nito sa kanya. Natuod sya sa kinatatayuan nya at hindi nakapagsalita dahil sa nalaman nya.

"Nag-Nagseselos?" hindi nya makapaniwalang tanong rito, baka kase namamali lang sya ng dinig. Pero malinaw talaga na isinigaw nito na nagseselos nga ito.

"Oo! Catherine, at naiinis din ako sa sarili ko dahil hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito sa iyo." pag-amin sa kanya ni Alex at umalis agad ito sa loob ng kwarto at iniwan syang mag-isa doon na hindi makapaniwala at gulat pa din sa mga narinig nya mula sa binata.

He actually confess to me? for real?!

'FUCK IT!' pagmumura nya sa utak nya dahil sa ginawa nya kanina. Umamin lang naman sya kay Catherine at sa maling pagkakataon pa.

POSITION 1: Alex Eilish - (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon