Chapter 11

7.1K 96 25
                                        

Chapter 11

Nagising si Catherine nang may marinig syang humihikbi sa tabi nya, napalingon sya sa katabi nyang si Alex na nakaupo sa gilid ng kama at nakatalikod sa kanya.

"Alex?" nagtatakang sambit nya sa pangalan nito.

Mabilis nitong pinahid kung ano man ang pinahid nito sa mukha nito," Ow, Good morning sweetie,." nakangiting bati nito sa kanya.

Bahagya naman syang napangiti ng batiin sya nito pero agad na nawala iyon ng mapansin nyang may lungkot ito sa mga mata nito.

Ito kaya ang dahilan kung bakit ito naglasing ng husto kagabi at kung bakit ito umiiyak ngayon?

"G-Good morning din,.. ba-bakit ka----"

"Breakfast? magluluto ako,."agad na putol ang pagtatanong nya ng ilihis agad nito ang usapan nila. Halatang ayaw nitong pag-usapan kung ano man ang pinagdaraanan nito.

"O-Okay,." sambit na lang nya. Agad namang tumalima ito at bago lisanin ang kwarto ay hinalikan muna sya nito sa noo," Take a shower sweetie," sambit nito sa kanya at tuluyan na syang iniwan sa kwarto.

Napakunot-noo naman sya dahil sa huling binanggit nito sa kanya. Mabilis agad syang bumangon at nagtungo ng banyo.

Nang makarating ay agad na umakyat ang dugo nya sa kanyang mukha dahil sa hiya ng makita ang itsura nya sa salamin. 'Shet! walng hiya ka talaga Catherine,.'

Agad syang naligo at nagbihis, simpleng floral dress lang ang sinuot nya, tsaka inilugay lang nya ang may hindi nya kahabaang buhok, at tsaka sya nagsuot ng flat shoes na bumagay naman sa suot nyang damit. (Sorry po sa description hehe,.hindi po kase tayo babae e, sensya na.)

Nang matapos magbihis ay agad na nagwala ang tiyan nya ng maamoy nya ang almusal na niluluto ngayon ni Alex sa kusina. Mabilis pa sa alaskwatrong bumaba sya ng hagdan at pumunta ng kusina.

"Oh,.Iaakyat ko na sana ito para doon na lang tayo kumain," sambit nito sa kanya na naabutan nyang naglalagay na nang pagkain sa tray na nasa lamesa.

"Wag na, mahihirapan ka pa e, dito na lang tayo kumain,." nakangiti nyang sambit at tinulungan itong ibalik sa lamesa ang mga pagkaing inilagay nito sa tray.

"Okay, sabi mo e,.." anito sa kanya.

Nang matapos ay ipinaghatak sya nito ng upuan at hinainan na sya nito ng niluto nitong fried rice, pancakes, hotdogs,egg,and hot chocolate.

"Kain ka lang,." sambit nito sa kanya.

Agad na inupakan nya ang nilutong almusal ng binata para sa kanya, habang sarap na sarap sya sa pagkain nya ay napabaling sya kay Alex na mahinhin lang kumain sa tapat nya.

Bigla naman syang nahiya dahil mas babae pa ito kumain kaysa sa kanya kaya inayos nya ang sarili nya at dahan-dahan na syang kumain.

"Hmm,..bakit ka tumigil sa pagkain?" nagtatakang tanong nito sa kanya.

Hindi naman sya actually huminto nagdahan-dahan lang sya.

"Ah,.Wala lang,." tanging sambit lang nya. Ipinagpatuloy nya na lang ang pagkain nya ng almusal pero hindi nya mapigilan ang sarili nya dahil sa nakakabinging katahimikan na namamagitan sa kanilang dalawa kaya mga ilang minuto pa alumipas ay binasag na nya ito.

"Ma-May problema ba?" pagtatanong nya.

Nag-angat naman ito ng tingin sa direksyon nya,"What?" litong sambit nito.

"May problema ba,..namamaga kase yung mata mo e, halatang galing sa iyak." ani nya dito sa pagitan ng pagkain nya.

"Nevermind that, kumain ka na lang." anito sa kanya.

POSITION 1: Alex Eilish - (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon