Chapter 13

5.2K 76 1
                                        

Chapter 13

Naiinis pa rin sya dahil sa mga nangyari sa kanila ni Alex ngayong araw. Kaya mabilis syang nawala sa mood.

Napahinto sya at lumingon sa pintuan ng kwarto ng may magbukas nito, agad na nagtama ang mata nila ni Alex at nginitian sya nito.

Hindi nya lang ito kinibo at ipinagpatuloy ang pag-aayos ng mga damit nya. Hindi nga nya alam kung paano bigla dumami ang mga ito gayong wala naman syang dala nang hatakin sya ni Alex papunta dito sa Paris.

Lagi kasing dumadalaw sa Penthouse si Rhea na laging may mga dalang damit para sa kanya araw-araw, ito ang assistant ni Alex na ibinigay sa kanya. At ito rin ang ang nag-aayos ng mga damit minsan ni Alex.

Pero nagtataka rin sya kung saan ito tumutuloy at natutulog sa halos isang linggo nila dito sa Paris, at bigla-bigla na lang itong sumusulpot. Ganun din minsan yung kaibigan ni Alex na si Nikos, susulpot bigla at minsan ay dito pa nakikikain sa kanila, makikisabay. May mga pagkakataon naman na sabay si Rhea at Nikos na dumating.

Naiiling na lang si Cath sa mga isipin nya at ipinagpatuloy ang pag-aayos ng mga gamit. Bigla ulit syang napalingon ng sumara ang pintuan pero ibang pintuan pala ang sumara hindi ang pintuan ng kwarto kundi ang pintuan ng walk-in closet ni Alex.

Kalalabas lang nito doon, ni hindi nga nya ito napansing pumasok pero dahil siguro sa mga iniisip nya kaya hindi nya ito napansin.

Nakatapis nalang ang binata ng tuwalya at kitang kita ni Cath sa mga dalawang mata nya ang mabato nitong katawan. Napakaperpekto nito, mula dibdib, makikisig at malapad na braso, hanggang sa anim nitong pandesal sa tiyan.

"Matunaw ako nyan,.." Untag sa kanya ni Alex na ikinaiwas nya ng tingin.

"Gusto mong magsabay tayong maligo?" biglang tanong pa nito sa kanya.

"What?! are you out of your mind?" reaksyon nya agad sa pag-aya nito sa kanya.

"Whoa! I thought sasabay ka sa akin kase napalingon ka sa pinto ng CR after you look at me." Sambit nito.

Agad na nilingon nya ang lugar kung saan sya nakaharap kanina nang mag-iwas sya ng tingin kay Alex. At doon lang nya napagtanto lahat na CR nga ang nilingunan nya.

She took a deep breath before she faces Alex again na may kakaibang ngiti na sa mga labi nito.

" Nope, you misunderstood that." pilit syang ngumiti at inilahad ang kamay papunta sa direksyon ng CR," Mauna ka na,.go ahead," sambit pa nya dito.

"Hindi ka talaga sasabay?" tanong pa ulit ni Alex habang nagsimula na itong maglakad sa gilid nya papuntang CR, pero bago sya nito lagpasan ay huminto muna ito at mahinang bumulong," Hindi talaga? para sana tipid sa tubig,.." Alex said then wink at her.

Mabilis syang namula, hindi sa kilig o hiya kundi sa inis. Agad naman na patakbong pumunta si Alex sa CR para hindi nya ito maabutan at mabatukan.

"Alex!! grrrr!!" nagwawala syang hinabol ito kaso bago nya ito maabutan ay napagsarahan na sya nito ng pinto.

'Humanda ka saken paglabas mo, kala mo ha?' Agad na bumalik sya sa pag-aayos ng gamit at namili na rin ng susuotin nya.

'ANG TAGAL naman nyang mag ayos ng sarili?' reklamo ng utak nya. Nauna kase syang matapos kaysa dito. Nagsuot lang sya ng pink na polo na pinaresan ng isang itim na maong na pantalon at penaresan ito ng Black Shoes.

Tinawagan na rin nya si Nikos kanina nang makalabas sya ng banyo para ipahanda ang private plane nya pabalik ng pilipinas.

Nauntag sya sa kanyang pag-iisip nang makarinig sya ng kalabog sa itaas, agad na nagmadali syang umakyat at nakita nya si Rhea na hirap na hirap mag bitbit ng mga bagahe nila. Actually konti lang naman ang sakanya pero mukhang naparami ata ang kay Catharine dahil sa maleta nito ito nahihirapan.

POSITION 1: Alex Eilish - (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon