Chapter 14
Naihatid na nya si Catherine sa bahay nito nang makarating sila ng pilipinas. Hapon na nang makalapag ang private plane nya sa Malaya Airlines.
At ngayon ay didiretso sya sa building ng EPI para asikasuhin ang mga naiwan nyang gawain sa office.
Nang maka-park ang sasakyan nya sa tapat ng EPI building agad na bumaba sya nang sasakyan. At sinalubong sya ng ilan nyang mga tauhan. Ibinigay nya ang susi ng sasakyan nya sa driver nyang nag-aabang sa entrance,
"Welcome back Sir. Eilish." bati ng ilang mga tao dun.
Agad na sumeryoso ang mukha nya ng maalala nya ang nangyaring kapalpakan ilang araw pa lang ang nakakalipas. Agad na sinalubong sya ng secretary nya na si Anna, "We-Welcome back Sir.---"
"Where's your secretary?" tanong niya na may maotoridad sa boses nya.
"S-Sir?" takang tanong sa kanya ni Anna.
"I mean your assistant secretary," Ulit pa nya.
"I-In my office sir? Bakit po?" Takang tanong sa kanya nito.
"Hired someone na hindi pumapalpak, clear her table." malamig nyang tugon sa secretary nya na napatango na lang dahil sa biglaan nyang desisyon.
Kilala kase sya ng mga empleyado nya na hindi basta basta nagtatanggal ng kahit sino Unless mag-re-resign na ito. Pero ngayon ito ang kauna-unahan nyang magtatanggal sya nang empleyado nya. Kaya hindi nakaimik ang secretary nya.
"And tell everybody na kapagpumalpak at makagawa sila ng kahit katiting na kamalian na makakaapekto ng kumpanya ko, magresign na sila agad. Wag nilang paabutin na ako pa ang magtanggal sa kanila. Maliwanag?" Malamig nyang tugon na ikinatango na lang ulit ni Anna sa takot.
"Y-Yes sir, copy that,.." kabadong tugon nito.
Maski rin ang mga empleyado nyang nakarinig sa mga sinabi nya ay natakot din. Kailangan nya itong gawin, kailangan nyang maghigpit ngayon, lalo na't ang may ari ng kumpanya na pinapatakbo nya ay hindi nya totoong magulang.
Agad na sumakay sya ng elevator diretso sa opisina nya at nang makarating ay pabagsak syang umupo sa swivel chair nya.
Hindi pa nya naiialis sa isip nya ang mga katotohanang iyon nang magvibrate ang cellphone nya, agad na kinuha nya ito sa bulsa nya at tiningnan kung sino ang nagtext.
From: Catherine
Hey,.kailan ka ulit babalik dito sa bahay?
Napaisip sya kung ano-ano ang schedule nya ngayong dumating na sya, kinuha nya ang telephone at tinawagan si Anna na agad namang sumagot.
"Anna, come to my office right now," sambit nya at mabilis na ibinaba ang telephone.
Mabilis na dumating si Anna sa office nya at lumapit sa table nya.,"What's my schedule for the next 1 month?"
Mabilis na nagtype ito sa Tablet nitong hawak at inabot sa kanya. Tiningnan nya ang mga schedule at karamihan doon ay puro meetings at mga kailangan nyang pirmahan na kontrata na naka- schedule sa bawat araw.
"Okay, pakitawagan lahat ng mga gustong kumontrata sa atin ngayong buwan at ipadala na nila bukas or maybe ngayon ang mga contract papers na gusto nilang pag-aralan at baka pirmahan na rin ang iba." Tugon nya na agad namang i-t-in-ake down ni Anna ang mga sinabi nya.
"At tsaka pala, lahat ng meetings pwede bang i- schedule mo ngayong week lahat ng iyon?" tanong nya kay Anna.
"Yes Sir, I can do that,." Mabilis na tugon nito sa kanya na ikinatango nya agad.
BINABASA MO ANG
POSITION 1: Alex Eilish - (Completed)
RomanceWARNING: MATURED CONTENT INSIDE. (NOT EDITED) ***** Alex Eilish is a Famous Writer and a CEO of his own Publishing company. He has a life of an ordinary guy, working hard for his future. After a painful heartbreak on his first love, he never tempted...
