Chapter 25

3.2K 56 17
                                        

Chapter 25

"Flirting with someone is fun, not until you get attached and started looking for her presence all the time." Sambit nya kay Brix habang umiinom sya ng alak.

Nasa bahay sila ngayon ni Brix at tinutulungan ito sa problema nito. 'Ang mga babae nya,'

"Ganun din ba yung nangyari sayo kay Catherine?" Tanong ni Russel sa kanya na dahilan para pumasok sa isip nya kung gaano nya gustong makita araw-araw ang dalaga pero hindi nya ito magawa dahil nasa hospital pa ito na walang malay at binabantayan ni Frank.

"Yeah,.Just like what you feel when your wife is around men," Sambit pa nya na naiiling-iling sabay tungga ng alak na hawak nya.

Kalahating linggo na din ang nakararaan simula ng mangyari ang insidenteng hinding-hindi nya malilimutan na muntik ng pumatay sa babaeng mahal nya.

Nabalik sya sa realidad ng magsalita si Wayne na pagod na kakasagot ng tawag sa telepono.

"I can't take this anymore," Sambit nito habang kabababa lang ng telepono.

"Man, I've been answering calls from your girls out there, looking for you, Kung ikaw labas mas maganda ba," Anito kay Brix na nabulol pa sa pagtatagalog.

"E, kung ituwid ko yang dila mo?" giit ni Jalx sakanya.

"Fine, fine," Pagsuko din nito.

"Hayaan mo na," sambit pa ni Jyou kay Wayne.

KRING!!!

Napatingin silang lahat sa telepono kung san nakatapat si Jyou. Walang may gustong umimik, lahat silang magkakaibigang gustong marinig ang sasabihin ng nasakabilang linya.

"Hello?" Sagot ni Jyou.

"Asan si Brix?!" halatang galit na galit ang babae sa kabilang linya.

"Sino po sila?" tanong ng kaibigan nila.

"Si Jennifer ito! asan sya?!" paghahanap ng babae kay Brix.

"Wala sya dito e,---" naputol ang iba pang sasabihin ni Jyou ng magsalita ulit ang babae.

"F*ck him! after he chatted me na break na kami ngayon hindi sya makontak?! I hate him!" naputol ang linya pagkatapos sabihin iyon ng babae.

"You chatted her?!" gulat na sambit ni Lawrence kay Brix.

"No!" anito na maski rin ito ay nagulat.

"I did." Sambit ni JP na nasa lamesa at nakatuon ang atensyon sa loptop nito.

"Why did you do that?! are you out of your freaking mind?!" galit na sambit ni Brix dahil sa ginawa nito.

"No I'm not. Mas pinabilis ko pa nga ang pakikipag-break mo sa 50 na babae mo e," Normal na sambit lang ni JP dito.

"That's what you get when you have a friend who can hack everything," Ioann said while playing darts.

"Mas okay na rin yun kaysa mapagod sila Wayne at Jyou kakasagot ng tawag," dagdag pa nya na nagring ang cellphone nya na ikinagulat nya.

"Hello?" sagot niya sa tawag na hindi tumingin sa screen ng phone nya kung sino ang tumawag sa kanya.

"Hello? This is Kurt, Gising na si Catherine,." tugon ng kapatid sa kabilang linya.

Agad na nawala ang pagkalasing nya at mabilis na pinatay ang tawag at dalidaling lumabas ng bahay ni Brix.

Dumeretso sya sa sasakyan nya at pinaharurot iyon patungo sa hospital kung san si Catherine ngayon.

POSITION 1: Alex Eilish - (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon