Chapter 18
"Bakit ngayon ko lang na laman na magaling ka palang kumanta?" Tanong nya sa binata habang nakahilig ang ulo nya sa balikat nito at may hawak itong gitara. Habang nakatingin sila sa papalubog na araw sa dalampasigan.
"Akala ko ba stalker kita?" natatawang sambit nito.
"Hindi ah!" giit nya sabay hampas ng mahina braso ng binata.
"Sus,.Idol mo nga ako e," pang-aasar pa nito sa kanya.
"Tse! ewan ko sayo, nung una yun pero nung nakasama kita hindi na,." sambit nya.
"Bakit naman?" tanong nito sa kanya na ikinatahimik nya. Hindi rin nya kase alam kung anong isaagot.
'Please kainin na sana sya ng lupa ngayon'. Dalangin nya sa utak nya.
Biglang nag-ring ang Cellphone nito na ikinahinga nya ng maluwag napatingin muna ito sa kanya,"Go ahead take the call, baka importante yan," sambit nya.
Agad naman sya nitong hinalikan sa mga labi sabay tayo at naglakad palayo sa kanya.
Yup, hindi na sya nagrereklamo sa tuwing hahagkan sya ng binata. Mga ilang araw na rin silang nagsasama nito sa isla at kamapante na sya na lagi silang magkasama.
She never thought she'll be fallen deeply for Alex. Hindi nya napigilan ang sarili nya kaya eto sya ngayon. Binabalak na umamin na sa binata ng tunay nyang nararamdaman.
Ilang araw din nya itong pinag-isipan at gusto na nyang makasama at maangkin ng buong-buo ang binata na sya lang ang mamahalin nito at ganun din sya at wala nang iba.
Alam nyang sobrang bilis ng pangyayari, pero sabi nga nila 'wala sa tagal ng pinagsamahan ang pagmamahal' at yun ang panghahawakan nya.
Nag-ring din ang cellphone nya na ikinagulat nya, " Hello?" pagsagot nya.
"Catherine? asan ka ba? bakit wala ka daw sa bahay ng ilang araw?" tanong ng kausap nya.
"Mah? ngayon mo lang nalaman na wala ako sa bahay e, umuuwi ka naman din dun," tama naman sya dahil nag-uuwian ang nanay nya sa mansion nila. Nasa iisang bahay lang sila nito kaya napaka-imposible talagang ngayon lang nito na pansin na wala sya.
"Catherine, ngayon mo lang din ba malalaman sa akin na wala din ako ng ilang araw sa bahay?" sambit ng ina.
"Ahh,.Okay, kaya pala,.." tugon nya.
"Tumawag sa akin yung kasambahay sa akin, ang sabi ilang araw ka na daw na hindi umuuwi simula ng mag-away daw kayo nung Ex mo," anito sa kanya.
"Yeah,.andito lang ako kasama si Alex," sambit nya.
"Sinong Alex?" takang tanong nito sa kanya.
"Mah, yung sikat na author, yung nakukwento ko sayo." pagpapaalala nya.
"Ay, sya ba? O sya sige," sambit ng ina nya.
"Bakit ka nga pala napatawag ma?" tanong nya dito.
"Ahh,.Oo nga pala, may surprise ako sayo, pero tsaka mo na malalaman pag-uwi mo." tugon nito na may saya sa boses nito.
Napangiti na lang sya dahil alam nya na masaya ito,"Okay po, yun lang naman pala e, sige asahan ko yan ma," masayang sambit din nya.
"O sya, mukhang may gagawin pa kayo ni Alex. Hindi ako nakauwi ng bahay kase may business meeting ako dito sa tagaytay e, sige na ba-bye na, ingat kayo." paalam ng nanay nya sabay patay ng tawag nito.
Nakaramdam sya ng saya at konting kaba sa kung ano man ang surprised sa kanya ng ina nya. Napalingon sya sa paligid at hinanap si Alex pero wala ito sa paligid.
BINABASA MO ANG
POSITION 1: Alex Eilish - (Completed)
Storie d'amoreWARNING: MATURED CONTENT INSIDE. (NOT EDITED) ***** Alex Eilish is a Famous Writer and a CEO of his own Publishing company. He has a life of an ordinary guy, working hard for his future. After a painful heartbreak on his first love, he never tempted...
