Chapter 23

2.5K 60 3
                                        

Note: There is a sensitive scene in this chapter. Not for children.

Chapter 23

Napayuko silang dalawa ni Caylus ng may dalawang pagsabog silang narinig sa loob ng barko.

"Ano yun?!" tanong ng kaibigan sa kanya.

"Shit!" naalala nya si Cath na nasa kwarto ngayon.

"Saan ka pupunta?!" tanong sa kanya ni Caylus habang nagkakagulo na ang mga tao at may mga iba na natumalon sa tubig.

"Pupuntahan ko si Cath!" balik na sigaw nya dahil hindi na sila magkarinigan sa mga taong nagsisigawan sa loob ng barko.

Mabilis sya tumakbo pa balik sa third deck ng barko kung saan ang kwarto nila.

"Cath!" mabilis nyang sinipa ang pintuan ng kwarto nila ng makarating sya.

Pagpasok nya ay inilibot nya ang paningin nya sa kabuoan ng kwarto nila ngunit wala na ito sa loob.

"Shit! Crystal! asan ka!?" sigaw ni Caylus na hinihingal na sumunod sa kanya.

"They should be together!" he said.

Siguro nga dahil magkasama ang mga ito ng iwan nila. "I know where they are,." sambit ng kaibigan at mabilis na lumabas ng kwarto kung san sila.

"Paano mo na laman kung san sila?" takang tanong nya habang sinusundan ang kaibigan.

May mga nabubunggo silang mga tao na tumatakbo pero parang balewala lang iyon sa kanila.

Nakarating sila sa ilalim ng barko na pinasok na ng tubig na hanggang binti ang taas.

"Shit!" napamura si Caylus sa hindi nya malamang dahilan.

"Bakit?" tanong nya.

Itinuro nito ang isang yate na malayo na sa kanila," that's my yatch,"

"And?" ani nya.

"There's a probability that Crystal used it together with your girlfriend," paliwanag pa nito.

"Fuck! paano natin sila susundan?!" nag-aalala nyang sambit.

"Relax men, may roon pa tayong sasakyan." tapik nito sa balikat nya at nagpunta sila sa isang silid na maraming nakaparadang speedboat sa loob.

"Take one! bilis lulubog na ang barko!" sigaw sa kanya ng kaibigan dahil mataas na ang tubig sa loob at nakalutang na din ang mga speedboat.

Mabilis syang sumakay sa isa na tinuro nito at pinaandar iyon. Sumunod ang kaibigan nya likuran nya. Hindi nila alintana ang mga bagay na naglulutangan sa loob ng barko.

Mabilis silang nakalabas sa tulong ng tubig na pumapasok sa loob ng barko bago pa man ito lumubog.

"Let's follow them!" sigaw nya habang tinatahak nila sabay ang yate na malayo na sakanila at tanging ilaw nalang ang nakikita nila.

Napakunot ang noo nya ng makitang huminto ito sa kalagitnaan ng dagat. Madilim ang buong paligid kaya hindi nya maaninag ang mga tao sa loob.

"Ahh,.Alex!" tawag sa kanya ng kaibigan pero hindi nya ito pinansin patuloy pa rin sya sa mabilis na pagpapatakbo ng speedboat na lulan nya, nasa isip parin nya si Catherine at dama nya ang pag-aalala at lakas ng kabog ng dibdib nya at ipinagdarasal na sana okay lang ito.

Nakarating sya sa yate na nakahinto ng hindi nya na mamalayan.

"Catherine! Catherine!" tawag nya sa pangalan ng dalaga pero walang sumasagot kaya mabilis sya sumampa sa loob.

"Who the hell are you?!" sigaw ng isang armadong lalake at itinutok sa kanya ang baril nitong hawak.

"Shit,." mahinang mura nya at dahan-dahang itinaas nya ang kamay nya.

POSITION 1: Alex Eilish - (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon