RaveKararating lang namin sa VGC and we were suddenly greeted by a lot of staffs and nice employees of the company. Dang. This place feels like home. Going back here again brings back a lot of good memories to me. It's been a couple of years since 'nung huli akong nakaapak dito. It feels good to be back, baby.
"Welcome to your future home, bud..." sabi ni Dad sabay tapik sa balikat ko
"Dang. I'm so home..." sabi ko habang pinagmamasdan ang kompanyang lagi kong tinatambayan noon
"Hi po, Sir Nyle. Welcome back po, Sir Rave!" bati ng isang empleyado sa amin
"Hello po. Kamusta na po?" tanong ko sabay hawak sa isa niyang kamay
Natatandaan ko 'tong babaeng 'to. Siya 'yung nagbabantay sa akin minsan kung busy si Mommy. She's the woman who changed my diapers at nilinis niya 'yung carpet sa office ni Dad noong nagpasabog ako ng lagim doon. Tumae lang naman ako at ang malala pa, pinaglaruan ko 'yun and it was so fucking gross. Ewww. Remembering that time always makes me laugh so hard.
"Sobrang proud po ako sa inyo 'nung nalaman ko na lawyer na po kayo. Congratulations po ulit!" she squeezed my hand in a motherly touch and smiled so delightful at me
"Manang Luz, malaki na po 'yung batang tumae..." biglang sabi ni Dad
Dang. This man knows how to ruin my reputation. HAHAHAHA.
"Hijo naman, walang-wala 'yun sa akin. Ilang puwet na ang dumaan sa akin..." natawa lang si Manang
Iginala ko ang aking mga mata and I saw an unfamiliar face inside the building. I'm not saying that I know each and every employee here but that girl...she's new and looks mysterious.
"Bud, that's the new janitor. Hindi halata sa mukha diba? Kutis mayaman. At first, nahihiwagaan ako sa babaeng 'yan..." Dad said as we both stare at the new girl
Oo nga naman. As in janitor talaga? I know you shouldn't judge the book by it's cover but she looks rich. Weird.
------------------------------------------------------
Deshae
Hmmm. So he's the soon-to-be boss? He looks hot and decent. Halatang edukado at marangya sa buhay.
"Ang gwapo ng anak ni Sir noh? Tatanungin ko 'yan mamaya kung gusto niya akong anakan..." kilig na kilig na sabi ng kasamahan kong si Mariz
"Duhh. Umayos ka nga. Akala ko ba dalagang Pilipina ka?" saway ko sa kanya sabay balik ng tingin sa anak ni Sir Nyle
"Oo nga pero hindi ba pwedeng humarot paminsan-minsan?" pagtatanggol pa ni Mariz sa sarili niya
"Whatever. Just make sure na hindi ka iiyak the moment malaman mo na taken na siya at hindi kayo meant to be..." sabi ko at huli ko na lang na-realize na may nasabi akong ingles na salita
"Taray ah. May pa english si mayora. Kung hindi ka lang janitor kagaya ko aakalain kong may pinag-aralan ka..." sabi niya and I let out a deep breath
Whew. Kamuntikan na akong matimbog 'dun ah.
"Tara na nga. Lunch break na maya-maya oh..." sabi ko sabay hila sa kanya palayo sa lalaking bago niyang kinahuhumalingan
"Panira ka talaga ng kilig, mayora. Okay lang hindi makakain basta makita ko lang si Sir Wave..." sabi ni Mariz 'nung nasa janitors' quarter na kami at natawa na lang ako
"Anong Wave? Rave 'yung pangalan, girl. Bungol ka rin pala noh?" sabi ko sabay pektus sa kanya
"Ah gali? Sorry wala ko ya kabalo..." at nagsalita na naman siya in Ilonggo and I have no freaking clue about what she said
"Ano 'yang sinasabi mo ha? Tagalog tayo dito uy..." satsat ko sa kanya habang nagpapalit kami ng damit kasi pawisan na naman
"Sabi ko hindi ko alam 'yung pangalan niya. Akala ko talaga Wave..." sabat ni Mariz at nagsi-pasukan na ang iba naming kasamahan
Gross. Kung hindi ko lang kailangan ng pera ngayon I'll quit this job. Kaso I freaking need moneyyyyyy!
------------------------------------------------------
Rave
I was left alone in Emperador's office because he's in a meeting right now. I call my Dad 'emperador' coz he's the emperor of all. Sa kanya ako nagmana pagdating sa charisma, sex appeal, and sa pagiging fuckboy. HAHAHAHA. Dapat nga daw Nyle Junior ang pangalan ko kasi carbon-copy daw ako ni Dad sa lahat ng bagay. Dad's a good man in case you didn't know. It's just that he's always needy. Lol.
This office reminds me of a lot of things. My siblings and I used to play around here. Dang. I miss them so bad. Nasa states sila ngayon, in Philadelphia, kasi may bahay kami doon and someof them are studying there. Ang kasama ko lang sa bahay ay ang bunso naming kapatid na si Charlotte. She's studying in an exclusive school for girls here and she's 15. Dang. When I was that age, I have 4 girlfriends already. Hindi ako nagmamayabang ah. I'm just story-telling. Lol.
"Yo. What's up, ketchup?" nagulat ako sa biglaang pagsulpot ni Hank, ang longtime jowa este secretary ni Dad
"Yo, cachupoy! Long time no see ah. Buhay ka pa pala?" tumayo ako at nakipag-shakehands sa kanya
"Oo naman. May forever kami ng daddy mo eh. Hindi mo lang alam pero ako talaga ang tunay mong ina..." biro niya
"Ah talaga? Sige, ibalik mo na lang ako sa sinapupunan mo..." biro ko rin at nagtawanan kami
"Pero seryoso, super proud ako sa'yo. Ibang level ka na talaga, ketchup. Siguro marami ka ng girls noh?" chismoso talaga 'tong mokong na 'to tsk tsk
"Hindi ah. Kung may babae man ako, papakasalan ko agad 'yun..." sabi ko at parang ayaw pang maniwala ng mokong
"Sige nga. Pag may nakilala kang babae na mahal na mahal mo, papakasalan mo agad?" tanong niya ulit
Akmang sasagot na sana ako nang may biglang sumali sa eksena.
"Raveeeeyyyyyyy!" tumakbo siya papalapit sa akin at niyakap ako ng sobrang higpit
Dang. This little girl is like a tsunami. Basta-basta na lgg hahagupit.
"Good morning po, Ms. Charlotte! Kamusta po ang school natin ngayon?" bati ni Hank sa bunso kong kapatid
"Hey Hank. Everything's so good. In fact, I just had an A in my AP..." sabat ni Charlotte at nakita kong napanganga na lang at hindi na nakapagsalita pa si cachupoy este si Hank
"Why are you even here? Don't you have a class?" tanong ko sa kanya
"Nah, we got an early dismissal. You know what, Ravey? I've tried balut for the first time. I remember when I was young, Uncle Vyke dislikes it a lot. Yet it tastes so good pala. Ang sarap-sarap niya!" sobrang saya niya habang nagkukwento
She just looks like Mom and they both love balut as well. I'm an over-protective big brother. Lalo na siya lang ang nag-iisang babae sa aming magkakapatid.
------------------------------------------------------
11/5/19
12:10 PM
BINABASA MO ANG
RAVE VENEREZA ( COMPLETED)
RomanceRave Hexler Venereza is the next Nyle Venereza, sa pagiging fuckboy at tagapag-mana ng Venereza Group of Companies. Kaya naman lumaki siyang responsable at laging nami-meet ang expectations ng ama niya. Nakapagtapos ng pag-aaral sa isang prestihiyos...