Harper
Hindi ko sinabi kay Rave na sa ospital ang lakad ko ngayon. Sabi ko kasi I'm going to the mall lang with Holly. I don't want him to worry lalo na kapag nalaman niya 'yung tungkol sa sakit ko. When I first found out I'm sick, siguro mga 25 years old ako 'nun. Despite what I'm going through, I was able to finish college and even put up a business of my own. Pakiramdam ko nga nagmamadali ako sa oras. Pakiramdam ko gusto kong gawin lahat ng bagay kasi gusto kong happy ako kapag namatay na ako.
Life is full of uncertainties. Akala ko noong una healthy akong tao. Wala naman akong dinaramdam o wala namang masakit sa akin. Nagulat na lang ako isang araw na I can't breathe and I feel so pale and weak. Akala ko kasi wala akong sakit 'coz both of my parents are doctors at panatag akong hindi ako dadapuan ng kahit anong sakit.
"Huy girl. Smile naman diyan uyyy...." sabi ni Holly habang naglalakad kami papasok ng ospital
"How can you smile if you know you are dying?" tanong ko sa kanya
"Huwag ka ngang O.A! Walang mamatay! Isa pang patay-patay diyan at tadyak ang matitikman mo sa akin!" parang na-high blood pa si besty ah
"Hols, I won't be able to make it..." sabi ko pero nakangiti pa rin sa kanya
Sa likod ng ngiti kong ito ay lungkot at takot. Lungkot kasi maiiwan ko ang mga mahal ko---parents ko, si Holly, at si Rave. Takot kasi hindi ko na alam at ayaw kong bilangin kung ilan na lang ang mga nalalabi kong oras sa mundong 'to. I hate counting....especially the days left before I leave this world.
Naglalakad kami nang bigla kong makita si Rave sa di kalayuan. Nag-panic ako. As in sobrang takot na takot ako at nag-aapuhap na nagtago para lang hindi niya ako makita dito. Hindi pa ito ang time! Gusto kong akong mismo ang magsabi sa kanya at hindi ang mga mata niya lang. Sumunod sa akin si Holly at nagtago kami sa comfort room ng mga babae. Gosh. It was too close.
"Kailan mo balak itago sa kanya?" agad na tanong ni Holly habang nakasandal ako sa isang pintuan na nakasara pa kasi may gumagamit pa yata
"Hols, not today or even one of these days. Hindi pa ako handa..." sabi ko habang hingal na hingal
"Harps, Rave deserves to know what you've been up to. Deserve niyang malaman 'yung tungkol sa sakit mo..." sabi naman ni Holly at wala na...hindi ko na napigilan kasi naiyak na ako
"Sssshhhh. Tahan na nga. Oo na, huwag mo na munang sabihin..." sabi pa ni Holly na todo-comfort sa akin
------------------------------------------------------
Rave
Naparami 'yung nakaing brownies ni Charlotte kaya daw sumakit 'yung tiyan niya. So here we are sa hospital. Sabi ko kasi tumae na lang siya pero gusto niya talagang dalhin sa ospital kasi baka raw malala na 'yung tiyan niya. Dang. Young ladies these days are giving me a headache.
Habang naghihintay ako kay Charlotte na nagpaalam na magsi-CR lang pero ilang minuto na ang nakalipas at wala pa rin, tinext ko na lang si Harper to ask her about her day. I miss my precious angel already. Bibili ako ng flowers mamaya at bibisitahin ko siya sa coffee shop.
-----------------------------------------------------6/7/20
3:19 PM.
BINABASA MO ANG
RAVE VENEREZA ( COMPLETED)
عاطفيةRave Hexler Venereza is the next Nyle Venereza, sa pagiging fuckboy at tagapag-mana ng Venereza Group of Companies. Kaya naman lumaki siyang responsable at laging nami-meet ang expectations ng ama niya. Nakapagtapos ng pag-aaral sa isang prestihiyos...