Harper
Tinulak ako ni Charlotte palabas ng bahay sabay sabing may something daw doon sa garden. May ano ba? I totally have no clue kung anong meron 'dun. Huwag naman sana mga palaka noh kasi mawiwindang talaga ako to the highest level tapos sayang 'yung dress ko at full make-up if madudumihan lang diba?
Sa labas pa lang ng bahay nina Rave ay may nakita na akong nagkalat na mga petals ng yellow tulips. It's like indicating that I should follow the petals kasi may something sa dulo nito. Hmmm. Ano na naman kayang pakulo ang naisip ng boyfriend ko ngayon? Grabe kasi mag-surprise si Rave eh. Kung may advice man ako sa mga girls out there, ito 'yun: Choose someone who's willing to fight for you like a soldier, who makes you smile like crazy like a clown, who takes care of you way more than like a doctor, who worships with you like a true Christian, and who plans, envisions, builds a future with you like an architect. Ganung-ganun si Rave ko. Now I'm too excited to see what's next for us.
Sinundan ko 'yung petals at para akong bata na ang saya-saya. I feel like parang naglalaro lang ako dito. Those childhood games from good old days which have all caused us so much joy. Masaya pero 'yung kabog ng puso ko hindi ko mawari at ma-explain. Pffft. Malapit na ako sa may garden talaga nang biglang tumunog 'yung kantang 'Lucky' ni Chelsea Cutler at ng bebe kong si Alexander 23. HIHIHIHI. Kilig ang lola niyo kasi crush ko 'yun eh!
Lakad lang ako nang lakad hanggang sa masulyapan na ng mga mata ko si Rave sa di kalayuan. Naka-suit siya na black gaya 'nung sinusuot niya sometimes sa work. He looks neat and his smile is out of this world. 'Yung todo smile na pang-class picture at ikaw 'yung first honor. HAHAHA.
"Anong trip mo ngayon?" sigaw ko sa kanya para marinig niya ako
'Yung background music kasi grabe din eh. Nagpapapansin din si bebe ko Alexander 23. #Feeler
"Love trip!" sabat niya at hindi na siya yata nakatiis kasi tumakbo na siya papalapit sa akin
"Adik mo talaga. May birthday ba talaga tayong pupuntahan?" tanong ko laso di siya sumagot
Niyakap niya lang ako. Nagulat ako nang maramdaman ko 'yung heartbeat niya. Parang drums na sobrang lakas.
"You okay?" tinignan ko siya sa mata
"I've never been this better since the day I met you..." sabat niya na medyo O.A na pero ang cute pa rin
"Bakit may mga ganito?" tanong ko kahit na parang kay idea na ako. Ayoko lang maging feeler uy
Ngumiti siya at nanlaki ang mga mata ko nang bigla siyang lumuhod.
"Love, I'm not good at words diba? So sorry if this is not so kilig. Guys my age know what they are going to say in this moment. I have rehearsed a few lines but I feel like it's scripted. So lahat ng sasabihin ko ngayon, lahat ng bawat pantig ay hindi ko pinag-isipan. Sa lahat ng nakikita mo dito, ako lang 'yung hindi masyadong prepared. I was nervous for days. Alam mo yan kasi ang likot-likot ko sa kama..." pauna niyang sabi
Hinawakan niya 'yung dalawa kong kamay.
"Kinakabahan ako sobra, love. Parang naiihi na nga ako..." sabi niya pa at natawa kami pareho
"Baliwww. Ano ba kasi 'yun?" tanong ko at kunwari talaga hindi ko alam
Ssshhh lang muna si ako. Ang sarap niya kasing panuorin na nanginginig 'yung bibig eh. HAHAHA.
"Love, of all people ikaw 'yung gusto kong makasama. Ikaw 'yung tangi at bukod kong gusto. This is not the sweetest message you'll ever hear from me but know that I fucking love you that I want to spend my whole life loving you, looking after you, making memories with you, and growing old and grey with you. Mahal na mahal kita kaya.....will you please be Misis Venereza?" nasabi niya lahat ng words habang 'yung bibig niya parang lindol na nanginginig HAHAHAHA
Nagulat siya kasi tumawa ako ng malakas. Tapos tinuro-turo ko pa siya na parang nagmukha siyang uto-uto.
"Hey woman. Parang nakakainsulto ka na ah?!" sabi niya at tumayo
"Huyyyyy! Bakit ka tumayo?" tanong ko at bumalik siya sa pagkakaluhod
"Sumagot ka na kasi..." sabi niya
"Hmmmm. Pag-iisipan ko pa..." sabi ko habang nagpipigil ng tawa kasi kawawa naman eh, baka umiyak
"Loveeeee..." yung mukha niya paiyak na
Kawawa naman bibi ko.
"Rave, tinatanong pa ba 'yan? Syempre yes na yes!" sabi ko at humahulgol siya habang nakaluhod
Parang bata talaga na umiiyak ng bongga. Awwwww. Lumuhod na rin ako at niyakap siya.
"Tahan na, Mister Venereza. Andito na si future Misis Venereza oh..." sabi ko at niyakap siya
"Thank you for making me the happiest man..." sabi niya naman sabay halik sa noo ko
I was right. Proposal nga. Thanks to Charlotte's mouth for being so noisy. The proposal might be spilled but Rave's love is all that matters.
------------------------------------------------------
7/1/20
8:46 A.M
BINABASA MO ANG
RAVE VENEREZA ( COMPLETED)
RomanceRave Hexler Venereza is the next Nyle Venereza, sa pagiging fuckboy at tagapag-mana ng Venereza Group of Companies. Kaya naman lumaki siyang responsable at laging nami-meet ang expectations ng ama niya. Nakapagtapos ng pag-aaral sa isang prestihiyos...