"Number 14 was on fire, somehow motivated para manalo ngayong gabi! "
Yes, I am. Tangina lang na buhay to!
Sunod-sunod na panggagago ang ginagawa ng tadhana para lang maibagsak ako, para lang masaktan ako. Sobrang sakit na. I'm not used to curse, to do hateful things, to hate things, and to do this, racing.
Eto nalang siguro ang magpapagaan kahit papaano sa nararamdaman ko. A place crowded with people, cheering noises, engine's sound that gives me a relaxing harmony. These things makes me alive. It feels real.
"Okay! Okay! Number 14 is on her way! Nothing's gonna stop her!"
Ilang pulgada nalang ang layo ng sasakyan ko sa finished line at sa tingin ko ay sa akin nanaman mapupunta ang tropeyo. Hiyawan ng mga manonood ang umalingaw-ngaw sa lugar na ito. Hindi sila nagkamaling pumusta sa unbeatable champion dito sa racing competition.
Dahil nalagapasan ko na ang finished line agad kong inapakan ang break ng sasakyan ko. Biglang nanlamig ang katawan ko at pinaulit-ulit na inapakan ang break. Punyetang kamalasan to oh! Nothing's gonna stop me huh?! Tangina lang talaga.
Dire-diretsong sumalpok ang sasakyan ko sa isang puno sa gilid ng kalsadang ginawa naming venue para sa event ngayon. The next things I know hinihila na ng mga medics ang katawan ko out off my car. Maingay, nagkakagulo na yung mga taong nanonood lang kanina at ngayon nakikichismis na din kung paano ba magtatapos ang buhay ko.
Ipinasok ang hinihigaan ko sa loob ng ambulansya. Nararamdaman ko kung gaano kabilis ang takbo ng sasakyang ito marahil ay nararamdaman na nilang hindi na tatagal ang paghinga ko. Kawawang Adalyn, sadyang pinagkalooban ng umaapaw na kamalasan. Isang nurse ang kumuha sa braso ko, may kung anong ginagawa ito sa aking braso at maya maya'y naramdaman ko ang pagpasok ng karayom sa laman ko. Unti-unting nanlabo at bumigat ang paningin ko. Mga gago...
Unti-unti kong minumulat ang mga mata ko. Lintik na buhay to! Patay na ba ako? Nakakasilaw na liwanag ang sumalubong sa aking paningin. Puting ilaw, puting pader, lintik na puti!
"Gising na siya! Tumawag ka ng nurse." nagmamadaling utos ng isang lalaking hindi ko pa rin makita dahil sa lintik na ilaw na nakakasilaw. Naramdaman kong may nagkumpulang higit sa dalawang tao dito sa kamang hinihigaan ko. Nasanggahan nito ang ilaw sa kisame at tuluyan ko nang naimulat ang mata ko.
"Kamusta kana? May bali ba ang mga buto?"
"Where's your phone? We need to call your guardian."
"Naririnig mo ba kami? Nakikita? Jusko! Wag naman sana."
Sunod-sunod ang mga tanong nila na ni isa ay hindi ko masagot. Nawalan ako ng lakas, hindi ko alam pero nararamdaman kong nagaalala sila. I don't have any idea kung sino sila at bakit biglang sumulpot ang apat na wirdong ito kung nasaan ako ngayon. Pero isa bagay lang ang sigurado ako, habang buhay akong magpapasalamat dahil dumating sila at Siya sa buhay ko.
BINABASA MO ANG
Broken Faith (ON-GOING)
Fanfiction"God has a reason for allowing things to happen. We may never understand His wisdom, but we simple have to trust His will" - Psalm 37:5 She has a perfect life. Complete and loving family, came from a wealthy family, friends she can trust, a guy who...