"Ada, sige na umuwi kana. Para makapagpahinga ka naman, mahihirapan ang magme-make-up sayo mamaya niyan. Puro ka eyebags."Tinunghay ko ang aking ulo saka tumingin sa kanya. Dala niya ang dalawang travel bag na malamang ay mga damit nila ni Daddy ang laman. Kasunod niya naman ang kambal na may dalang tig-isang basket ng prutas.
"Wala na akong balak umattend, Mom," sinuklay ko ang buhok ko gamit ang aking mga daliri saka itinali ito. Alam kong nakatingin silang lahat sa akin, hindi ko na lang pinansin at saka inayos ang kumot ni Dad.
Hindi na ako pumasok kahapon dahil sa nangyari, mas gusto ko na lang bantayan dito si Dad kaysa pumasok. Mamayang gabi na rin gaganapin ang prom night, ni isa sa mga kaibigan ko'y walang nakakaalam sa nangyayari sa pamilya ko ngayon. Hindi na rin siguro nila kailangan malaman pa.
Naramdaman kong lumabas ang kambal saka lumapit sa akin si Mom. Kukumustahin niya na naman ako, ang isasagot ko naman ay maayos lang. Paulit-ulit kong sagot iyon ngunit alam kong alam niyang salungat sa katotohanan iyon.
"Ada, anak, kumusta? This time... I want you to tell me the truth. Tell me everything that has been weighing you down," lumuhod siya sa harapan ko habang nakaupo ako sa silyang katabi ng kama ni Dad. Hinawakan niya ang dalawa kong kamay na nakapatong sa ibabaw ng tuhod ko.
"Tell me everything, s-sweetheart..."
Nagsimula nang tumulo ang mga luha ko sa kamay naming magka-hawak, nakayuko ako at patuloy pa rin ang pag-alog ng aking balikat dahil sa pag-iyak. Tila sumabog ang inipon kong halo-halong emosyon simula nang mangyari ito sa amin. Naninikip ang dibdib ko at patuloy lang ang pag-agos ng luha ko.
"M-mom... " ang sakit sakit. Pinipiga at tinutusok ng paulit-ulit ang puso ko sa sakit. Nakakatakot ang ganitong pakiramdam. Nakakatakot na baka... na baka hindi na ako makaahon pa. Nakakatakot ang mga posibilidad na maaaring mangyari.
"T-tell me... Mom, tell me he will survive."
"Tell me, everything will go back as it used to be... "
"I missed Dad... Mom, please... " she put my head on her shoulder and let me cry on it. Hinihimas niya rin ang aking likod para pakalmahin ako. Nararamdaman ko ring pinupunasan niya ang mga luhang pumapatak mula sa kanyang mata.
Halos kay Dad na ako nakadepende, hindi ako sanay na hindi ko siya nakikita sa loob ng isang araw. Sa uwian naman ay sila ni Mom ang hahanapin ko, sasagot sila ng bakit at sasabihin kong wala lang. Ang kulitan nila ni Mommy na nakakatuwang panoorin. Si Dad ang clown ng pamilya, hindi kami buo kung wala siya. At ngayon tila nakabaon ang tig-iisang paa namin sa lupa.
Iniangat ko ang ulo ko at tumingin kay Mom. Alam kong higit na sakit ang nararanasan niya ngayon but she chose to smile in front of us.
"Mom, we should trust Him. He has a better plan for doing this to us. May plano Siya, at alam kong isa doon ang iligtas si Dad at ibalik ang masaya nating pamilya. Y-yung walang sakit at masigla. We should t-trust Him, right?"
I smiled and kissed her on the forehead.
“We can get through this.”
Bumaliktad ang posisyon namin kanina at siya ngayon ang hinagod ko sa likod. Pinili kong tuyuin ang luha ko at magpakatatag para sa pamilya ko. Bumukas naman ang pinto at saka pumasok ang kambal, nauna si Daris, parehong basa ang kanilang mga mata senyales na narinig nila ang napagusapan namin.
Umiiyak silang lumapit sa amin at yumakap sa amin ni Mommy. Sa ngayon, ang isa't isa nalang ang matatakbuhan at mapagsasabihan ng sakit na pinagdadaanan namin ngayon.
“Manong, mag-iingat kayo. Huwag mong kalilimutang sunduin si Ada bago mag-alas dose,” bilin ni Mommy at humalik naman ako sa kanya bago sumakay sa sasakyan.
BINABASA MO ANG
Broken Faith (ON-GOING)
Fanfic"God has a reason for allowing things to happen. We may never understand His wisdom, but we simple have to trust His will" - Psalm 37:5 She has a perfect life. Complete and loving family, came from a wealthy family, friends she can trust, a guy who...