CHAPTER 3

11 1 0
                                        

After one week of hectic schedule in school nagpakasunduan namin kumain mamaya pagkatapos ng klase sa isang Unli Wings restaurant di kalayuan sa eskwelahan.

Monday ngayon pero dahil natapos naman namin ang ibang gawain namin last week ay lecture lang ang nangyari buong morning period.

"Ralph, kumain ka kaya muna. Puro ka nalang cellphone..." halos pabulong kong nasabi ang mga huling salita. Isang linggo na din itong puro cellphone ang inaatupag. I just can't help it and wonder what's in his phone na hindi niya magawang maiwan o isantabi man lang.

Others can call me martyr pero hindi kase ako yung tipo ng babae na mala detective kung maghinala. Ayoko din gumawa ng desisyon na pagsisisihan ko sa huli. And isa pa, ayokong magkaroon kami ng away o di pagkakaintindihan though alam ko naman na normal sa isang relasyon iyon pero as long as kaya kong iwasan ang mga bagay na iyon ay iiwasan ko.

Napabuntong hininga na lang ako nang ibinulsa niya ang phone niya at nginitian ako saka nagsimula na rin siyang kumain.

Mabilis kong naubos ang binili kong caldereta at kanin for lunch, umiinom ako ng tubig nang naramdaman kong nakatingin sakin si Laureen.

Nagkasalubong ang tingin naming dalawa tingin ko'y may gusto siyang sabihin sa akin. Well, sanay na naman akong ganito siya makatingin dahil sa klase ng matang meron siya.

Pero ang tingin nito ang bumagabag sa akin hanggang sa magdismiss ang huling klase ngayong araw.

"Ada..."

Nilingon ko ang pinagmulan ng boses na iyon

"Oh, Laureen, bakit kunot na naman ang noo mo?" natatawa kong tanong sa kanya.

Nakatambay kaming dalawang malapit sa gate habang naghihintay kila Farrah at Talia na nagpaalam ng magccr muna, hinihintay ko na din si Ralph dahil sa lahat naman ng gala namin ay kasama siya.

Ngayon ko na ba dapat tanungin sa kanya kung anong ibig sabihin ng mga tingin niya? Napapraning lang siguro ako at pati ang mga tingin ni Laureen ay binigyan ko pa ng meaning.

She smirked and sighed at the same.

"Parang di ka pa naman nasasanay. By the way...uh.." tila ba nagdadalawang isip siya kung sasabihin niya o hindi kung ano mang nasa isip niya

"Uh...kamusta naman kayo ni Ralph? Pinagpalit ka na....ba niya sa...cellphone niya?" awkward siyang tumawa pagkatapos niyang sabihin iyon.

"I think...yes," nagkunwari pa akong seryoso kahit na halatang pinipigilan ko ang pagtawa.

"I just wish his phone can hug him back."

Sabay kaming nagtawanan sa biruan naming dalawa. Dumating sila Farrah at Talia galing sa cr at napangiti na rin ako na kasama na nila si Ralph. Sabay sabay na naming nilakad ang unli wings restaurant, tutal ay malapit lang naman iyon dito.

Hindi naman nauubusan ng kwento si Talia at panay naman ang tawa namin lalo na si Farrah, masyadong supportive sa pinsan niya.

Ilang taon na ba kaming magkakaibigan? limang taon na rin ata kaya't ganito na rin siguro ako komportable sa kanila. Nilingon ko naman si Ralph na nakaakbay sa akin habang kakwentuhan ang pinsan niyang si Edward. Tinawag kasi siya nito kanina nung paalis na kami sa gate ng school kaya't sinabi ko na ring sumama nalang samin kumain tutal ay pauwe na din naman siya.

"Grabe...ang sarap pala dito, Ate Ada..." puri naman ni Edward sa pagitan ng pagnguya niya sa chicken wings na nilalantakan niya.

"Pasama ako ha pag kumain ulit kayo dito," dugtong niya kaya't nagtawanan naman kami habang magiliw na pinapanood siya sa pagkain.

He's grade 8 student, kwento pa niya'y lagi daw siyang sinusundo ng daddy niya last year kaya't di pa siya nakakapamasyal dito, sinabi ko naman na walang problema basta't magaral siyang mabuti para mailibre ko rin siya.

"Kung nakita niyo lang ang mukha nung lalaking yon pagkatapos kong sabihing hindi ko siya gusto I swear hindi kayo makakahinga sa katatawa," tuloy naman ang kwento ni Farrah sa mga manliligaw niyang pinagkakatuwaan lamang niya.

"Well, except sayo, Ada, baka pagalitan mo pa ako dahil sa sinabi ko," napailing nalang ako at nakinig sa mga kwento niya minsan ay napapatawa dahil sa paraan niya ng pagkukwento.

Tama naman siya, siguro nga'y papagalitan ko siya. Napatawa nalang din ako ng palihim, alam nilang ayoko ng may naa-agrabyadong tao.

Ala sais na ng makarating ako sa bahay, nagoffer si Ralph na sumabay nalang kami sa sasakyan nila dahil nagpasundo naman siya. Saka para na rin makabawi sa akin dahil naging busy siya nitong mga nakaraang araw dahil sa pagkaka-admit ng coach nila sa hospital kaya't sa groupchat nila madalas ito pinaguusapan dahil na din sa busy'ng schedule last week.

I let out a heavy sigh and looked at him.

It's the same eyes, lips, nose, and it's the same that I fell in love with. I know we're too young for this relationship but I'm not that young to play more games. I want to know how to love and to be loved by someone seriously.

Others may say it's too soon to risk pero paano ka makakahanap ng seryosong relasyon kung hindi mo susubukan. It was like risking your life by jumping on the cliff not knowing how deep it could be or severe the injury you'll get. You just simply enjoy it, not worrying about what would happen the next day.


"Ralph, you know I'll understand whatever your reasons are. Just tell me, I'm all ears, okay?"

Tumango siya and I can see that he's a bit guilty kaya ngumiti ako ng pinakamatamis sa kanya. Ilang sandali pa'y ngumiti na din siya at bahagyang hinalikan ang noo ko.

"Ate? Kuya? I think that's enough, magkikita pa kayo bukas, noh," sabay kaming natawa ni Ralph saka nag paalam sa isa't isa.

Pinanood ko siyang makarating sa sasakyan nila hanggang sa makasakay doon. Kumaway siya kasabay ng isang matamis na ngiti, ganon din naman ang ginawa ko.

Binuksan ko ang gate saka dumiretso sa loob ng bahay.

"Mom..." nakaupo siya sa sofa sa sala habang nakayuko at nakalagay ang dalawang kamay sa mukha. I can't be wrong she's....crying.

"What happened, Mom? Where's dad?" Umupo ako sa tabi niya at hinaplos ang kanyang likod.

Binaba ko din ang aking bag saka tinawag ang kambal. "Ate, Dad is in their room, Dr. Rodriguez is with him," sagot naman ni Daris na may dalang tubig mula sa kitchen.

Binigay niya iyon kay Mom at uminom naman siya. I don't understand bakit may doktor? bakit umiiyak si Mommy? Parang tumakbo ako ng ilang kilometro dahil sa lakas ng kabog ng dibdib ko. Parang ilang sandali na lang ay mahahawa na ako kay Mommy.

"Ate, kumalma ka muna, okay? Dad collapsed and Dr. Rodriguez said he's okay... For now," what? Anong for now? Bakit ba ayaw niya pang diretsohin ang pagkukwento. Kinalma ko ang sarili habang hinihimas ang likod ni Mommy.

Tumingin naman ako sa mata ni Mom at sa tingin ko'y alam na niyang gusto kong siya ang mag paliwanag sa akin ng nangyayari.

"For now, Ate," huminga ng malalim si Mommy.

"Naguusap lang kami kanina ng Daddy mo nang bigla siyang napahawak sa dibdib niya at sinasabing hindi siya makahinga," umiyak na naman si Mommy and I can see na nahihirapan siya sa nangyari kay Dad.

"Then, he collapsed. I called Dr. Rodriguez ang sabi niya kelangan pa nila gumawa ng ilang mga test para malaman ang dahilan ng nangyari kay Daddy niyo."

Parang huminto ang ang paghinga ko dahil sa nalaman ko. I looked at Mom and all she did was cry.

It pains me even more. Tumayo ako at dahan dahan na naglakad paakyat sa kwarto kung nasaan si Dad. Please, Lord, whatever your reasons are, just please save my Dad from whatever harm may happen.

There he is, lying on his bed, breathing peacefully.

Dad, you'll be okay, I prayed and I know He heard it.


Broken Faith (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon