CHAPTER 6

3 1 0
                                    

I found myself standing in front of the gym's entrance. I wandered my eyes around the gym. Maybe he's in the locker room, changing his clothes. Laureen could be wrong. I don't know her reasons why she's doing it but I won't let it slide. I'll talk to her after this, I just need to know if he's here.

"Adalyn?"

"Hi, Ken. Where's Ralph? I... I need to talk to him."

Napatigil siya sa pagpupunas ng pawis sa mukha dahil sa tanong ko. He looked at me seriously and took one step closer to me.

"Actually, he's not attending our practice since the classes' started."

Parang nanlamig ang buong katawan ko dahil sa narinig. He's not... attending? Simula pa noong pasukan? Did he lied to me? What is he doing the whole time?

Nagpaalam ako kay Ken at nagpasalamat na din. Mabilis ang lakad ko habang iniikot ko ang buong eskwelahan para hanapin si Laureen. Pero dahil lunch na din ng ibang section ay nahirapan akong mahagilap siya. Tinatawagan ko din si Ralph dahil baka may ibang bagay lang din siyang ginagawa.

Wala na bang cellphone tong si Ralph? Jusko, hindi na nakakatuwa!

Napatigil ako sa paglalakad nang marinig ko ang pamilyar na boses na 'yon. Galing iyon sa gilid ng cr sa dulong hallway ng senior high building.

"Dinner? Sure... Yeah... What time?... Oh, 7pm?"

Malambing niyang sinasagot ang kung sino mang kausap niya. Nakatalikod siya sakin at kinakaskas pa sa semento ang ilalim ng black shoes niya. Ni hindi niya namamalayan ang paglapit ko.

"Okay, Love! See you -- "

"Farrah?" Tawag ko sa kanya.

Dali dali niyang binaba yung cellphone niya ngunit nahagip ng mata ko ang contact name ng katawagan niya. Who's RV?

Is she hiding someone so special to her? I sighed and looked at her with disappointment. Nagtatampo na ako sa babaeng ito, ha. Pati nakakafling niya ngayon e tinatago niya samin. Minsan na nga lang kami nagkakausa-usap ganito pa ang malalaman ko? O baka naman hindi na fling etong ginagawa ni Farrah.

Ngumiti akong mapangasar at lumapit sa kanya saka sinundot-sundot ang tagiliran niya.

"Ikaw, ha. Sino na naman yang ka-fling mo? Baka isang araw ibida mo na naman samin yung itsura niyan kapag binusted mo," natatawa kong pangaasar sa kanya.

Para namang natatae ang itsura niya at hindi alam kung anong isasagot sakin. Binulsa niya naman yung cellphone niya at sinundan ko ng tingin iyon.

"Who's RV, huh?" Tanong ko naman ulit sa kanya. Hindi ko alam kung bakit taeng tae naman yung itsura niya, para namang aagawan ko siya. Natawa na naman ako.

"Huh? Ano ba, Ada? It's n-nothing serious. J-just some of my flings," she nervously smiled.

"Okaaaay!" Sagot kong hindi pa rin kumbinsido.

"Oh! Have you seen Ren? Kanina ko pa siya hinahanap, e," pagiiba ko naman ng usapan. Halatang ayaw niya pa sabihin sakin, e. Okay, Farrah, I'll wait. Whenever you're ready!

Hindi naman daw niya nakita si Laureen kaya't dumiretso nalang daw ako sa room dahil baka nandon iyon. Nagpaalam na din ako sa kanya at tumaas na papuntang room namin, mag aala-una na rin naman.

Wait -- is that Ralph? Nasa hallway na ako ng floor namin nang bigla kong natanawan si Ralph sa baba. He's heading towards our building. Tatakbo na sana ako pababa nang tawagin ako ni Talia.

"Where were you? Magta-time na, let's go in? You're group mate's looking for you, too."

Wala akong nagawa kundi pumasok na rin sa classroom. Hindi ko din maiwasang tumingin-tingin sa labas at nagba-bakasakaling pupunta siya sa floor namin bago tumaas sa floor nila. Pero ni anino niya'y hindi ko nasilayan. Pumasok na din si Farrah sa room nang dumating ang teacher namin ngayong hapon.

I just couldn't stop myself from overthinking.

What if totoo lahat ng sinasabi ni Laureen?

I glanced at Laureen. Her seat was placed on the second row while mine was on the third row. Nagsusulat siya nang kung ano sa likod ng notebook niya, tila walang pakealam sa teacher sa harapan.

I have this queer feeling that she knows something. Wala naman siyang makukuha kung magsisinungaling siya sakin. I know Laureen, she knows something. But I don't know if I'm ready to know whatever it is.

Uwian na at eto ako nagmamadaling lumabas ng building namin dahil sa tawag ng Mommy ko. Halos madapa pa ako pababa ng hagdan dahil sa dami ng estudyante ang kasabayan ko. Ni hindi na rin ako nakapagpaalam kila Talia. At hindi ko din alam Kung paano ko kakausapin si Laureen.

Mabilis akong nakabook ng grab at hinihintay ko na lang dito sa shed malapit sa gate ng school.

Hindi ako mapakali, namamawis na din ang palad ko at paikot-ikot ako sa pwesto ko. Ni hindi din mawala sa utak ko ang pagiyak ni mommy sa kabilang linya noong tumawag siya.

"Hey, Miss, you're giving me a headache."

Napalingon naman ako sa nagsalitang iyon. Nanlaki ang mata ko nang mamukaan ko siya. Nakatayo siya at nakasandal sa pader ng shed. Hawak ng kanang kamay niya ang strap ng bag niya at ang isa naman ay nakasuksok sa bulsa ng pants niya.

"Hi, Westley? Westley right?" Tumango siya at naglakad papunta sa tabi ko.

"What is it?" Tanong niya at pormal pang humarap sa akin. He caught my eyes. I remember the first time I saw his eyes, his welcoming eyes. I couldn't handle it.

"Huh?" Naguguluhang tanong ko.

"There must be a reason why you're heading back and forth," tumingin siya sa paligid bago binalik ang tingin sakin.

"H-huh? I'm sorry. It's just -- "

"You booked a grab?" Napatingin naman ako sa tinitignan niya.

Tumango ako at inayos ang sarili.

"Tell me some other time, then," he walked away and leave me with my lips parted. He's kinda... Weird. Weird in a sexy way.

Maya maya pa ay nakarating din ako sa hospital na sinabi ni mommy. Tinawagan ko si Darius dahil hindi ko alam kung nasan sila.

"Mom!" Sigaw ko nang makita ko siya, niyakap niya ako at ganon din ang ginawa ko. I heard her sobbing on my shoulder, I rubbed her back to calm her. I tried so hard not to cry, too. The twins were standing right behind Mom so I could see their bloodshot eyes.

"Let's take a sit muna, Mom. Tell me what happened," pagpapakalma ko sa kanya.

Umupo kami kasama na din ang kambal.

"You're Dad had a... m-massive stroke," she couldn't help it and tears, again, fell out from her eyes.

"W-what?"

Then, I found myself crying so hard after Mom explained everything to me. The twins hugged me and we cried so hard. Tila talon ng luha ang aming mga mata sa walang tigil na pagtulo nito.

Dad, please, keep fighting. Nandito lang kami sa tabi mo. We'll pray every damn day so He would save you. Let's not lose hope, Dad.

Tinuyo ko ang luha sa aking mata. I need to be strong. I can't cry right now. I should be the one wiping my Mom's and my brother's tears. I can't be weak right now. My family needs me. My Dad... my Dad needs me.

My... my Daddy. My Dad's on a coma...


Broken Faith (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon