"What was that?!"
Kahit ako ay hindi masagot ang tanong na iyan na kanina pa rin tumatakbo sa utak ko. Kanina pa rin sila tanong nang tanong kung ano iyong nakita nila kanina. Para akong naging celebrity sa dami ng matang nakatingin sa akin kanina hanggang ngayong nakaupo na ako sa table namin.
Malamang ay ilang pictures namin ni Westly ang kakalat sa social media pagkatapos nito o baka nga ngayon ay meron na. Hindi ko pa rin nakikita si Ralph simula nang makaupo ako dito. Kanina ko parin siya hinahanap, para bang natauhan ako na may boyfriend pala ako.
"Nagkasabay lang kami. Don't stress yourself out," maikling paliwanag ko sa kanila habang pinupunasan ko ang gilid ng labi ko. Katatapos lang namin kumain ng dinner na sinerve sa amin.
"Nasaan pala si Farrah? Malelate daw ba siya?" Tanong ko naman. Napatigil silang dalawa sa pagkain, lumingon-lingon sa palagid si Laureen habang si Talia naman ay kinuha ang phone, malamang ay imemessage si Farrah. I sighed in disbelief. Binitawan ako ang table napkin at tumingin sa kanila.
"So, ngayon niyo palang siya hahanapin kung kailan tapos na tayo kumain."
"Ikaw din kaya, noh," sagot naman ni Talia at nag make-face pa saka bumalik sa pagtitipa.
"Just call her. Magc-cr lang ako."
Tumayo ako at nagsimulang maglakad papuntang cr. Nailang naman ako nang makita kong madadaanan ko ang table nila Westly. Nagtatawanan silang tatlo, habang kaharap ang apat na babae na nasa table nila. Ngayon ko lang napansin ang porma ngayon ni Westly, dali dali kase akong pumunta sa table pagkatapos ng mala prusisyon naming lakad sa red carpet sa gitna.
He's wearing black tuxedo with grey dress shirt in it and a navy blue neck tie. His neatly pushed back hair added more appeal to his poise. While Alesser wore a burgundy tuxedo and black neck tie on his white dress shirt in it. Ngayon ko lang din napansin na may pagka-curly pala ang buhok niya, maikli nga lang ang gupit nito dahil naka-pushed back ang style niya.
David is wearing navy blue tuxedo with light blue dress shirt and balck tie. He looked good on his combed over clean cut hair with shaved sides.
"Ohhh... Here's your date, West," napairap ako nang makita ako ni Alesser na papalapit sa table nila. Tumingin ako sa kanya ng masama bago pilit na ngumiti sa mga kasama niya na ngayon ay nakatingin na sa akin. Hindi kana makakasabay sa akin kumain, Alesser.
Tumayo naman si Westly at tumigil sa harapan ko. Nangaasar na nagtawanan ang mga nasa table nila na pinangungunahan ni Alesser. Napairap nanaman ako at tumingin sa lalaking nasa harapan ko. Matangkad siya kaya nakatingala akong nakatingin sa kanya.
"You're heading to?" Tanong niya nang nakangiti na aabot na sa taenga niya. Hindi ko alam kung nangaasar ba ang ngiting iyon ngunit hindi ko maiitangging nakakahumaling ito lalo na't makikita mo ng malapitan.
I tried to smile confidently. "Comfort room."
Lumapit siya nang bahagya sa aking taenga na ikinagulat ko ngunit ni hindi ko naigalaw ang mga paa ko paatras.
"Can I come and join you?"
Nanlaki ang mga mata ko nang marinig iyon. Hindi ako makapaniwalang tumingin sa kanya at napaangat pa ang gilid ng labi ko sa kairitahan.
"Kidding!" bigla niyang sigaw na sapat na para marinig ko. Nakangiti pa talaga ang loko.
Umaatras siya ng isang hakbang saka biglaang pinisil ang pisngi ko. Inalis ko naman ang kamay niya sa pisngi ko.
"You're so weird," nakakunot-noo ko siyang tinignan saka naglakad na papasok sa cr.
Narinig ko pa ang mga pangaasar nila kay Westly nang maglakad ako paalis. Umihi ako nang makarating ako sa cr, hinugasan ko naman ang kamay ko pagkatapos.
![](https://img.wattpad.com/cover/202580672-288-k639635.jpg)
BINABASA MO ANG
Broken Faith (ON-GOING)
Fanfiction"God has a reason for allowing things to happen. We may never understand His wisdom, but we simple have to trust His will" - Psalm 37:5 She has a perfect life. Complete and loving family, came from a wealthy family, friends she can trust, a guy who...