"Mom, what really happened to Dad?" Bumuntong hininga ako at sumandal sa kitchen counter.
Kanina ko pa siya sinusundan at kinukulit para sabihin niya sa akin kung anong tunay na dahilan ng nangyari kay Dad.
"You don't have to worry, Ada. He's fine now, kailangan ng maraming nutrisyon ang katawan niya kaya't heto ang mga prutas."
"Mom... "
Walang araw na di ko siya kinulit na sabihin na sa akin. Hindi ko maiwasang mangamba, matakot, at magalala sa kalagayan ni Dad ngayon. Oo nga't malakas siya ngayon at unti-unting bumabalik ang sigla niya pero paano ang mga susunod na buwan? o taon?
Tulala ako nang narating ko ang kwarto nila Dad, gising na siya at nakaupo sa patio na nakapwesto sa balcony ng kwarto nila. Nagprisinta na ako kay Mommy na ako na lang ang maghatid ng mga hiniwang prutas niya dito kay Dad, gusto ko ring kumustahin ang kalagayan niya.
"Dad... fruits to keep you healthy!" maligaya kong sinabi saka nginitian siya ng pagkatamis.
To be honest, I missed him. Kahit na nandito lang naman siya at nagpapahinga, siguro'y naramdaman ko lang na may nagbago. Ganon naman talaga diba? Hindi mo mapapansin at mamimiss ang isang bagay kung walang nagbago.
Even Mom changed. Ngumingiti siya sa harapan naming magkakapatid pero halata sa mga mata niya ang lungkot at pagaalala.
Mabuti nalang at natapos namin kahapon ang output namin ang ibang chapter 4 Research para sa nalalapit na pasahan bago mag midterm kaya naman buong araw kong pinipilit si Mom ngayon pero wala parin.
Siguro nga ay tama si Mom, ayos naman si Dad ngayon. Nakakatawa pa rin siya ng malakas at nakakapagbato ng korni niyang mga jokes.
"Why did the bike fall over?" Natatawang tanong ni Dad sakin habang hawak ang isang slice ng apple sa kaliwa niyang kamay.
Pabiro kong inirapan si Dad at kumuha na rin ng isang slice ng apple at sinubo ito.
"Okay... Dad... why did the bike fall over?" Sagot ko naman na natatawa sa pagitan ng aking pagnguya.
"Because it was TWO tired, honey."
What!?
Mariin akong pumikit at napahinga ng malalim siya naman ay walang tigil sa pag tawa dahil sa itsura ko ngayon. Naisip ko nga na siguro ay hindi siya sa joke niya natutuwa kundi sa itsura namin tuwing nagjojoke siya. Wala naman akong nagawa kundi ang sabayan na rin siyang tumawa dahil sadyang nakakahawa din ang mga tawa ni Dad.
Pagkatapos ng tawanan namin ay natagpuan ko nalang ang sarili kong nakayakap sa tiyan ni Dad at nakadantay ang aking ulo sa kanyang dibdib.
Nakatulala ako sa librong nakadapa sa maliit na coffee table sa harap namin, siguro'y eto ang pinagkakaabalahan niya kanina noong wala pa ako.
"You will always be our little princess, sweetheart," malambing na sambit niya saka marahang hinahaplos ang aking buhok.
"Dad... please, take care of your self. I got really scared sa nangyari last time."
Naramdaman ko ang malalim niyang buntong hininga sa aking tainga. Sa edad ngayon ni dad ay masasabi kong matanda na nga siya, madali na siyang mapagod at bahagyang namamayat ang kanyang katawan.
"Of course..." isa ulit na buntong hininga ang pinakawalan niya kaya't napatingala na ako sa kanya. I can feel that he has something to say to me.
"By the way, kailan mo ba sasabihin sa akin ang kukunin mong course sa college, huh?"
Nagulat naman ako sa tanong niya. Grabe naman si Dad hindi nagsasabi, biglaan ang pagtatanong, wala man lang intro. Napabuntong hininga naman ako saka umayos ng pagkakaupo sa tabi niya.

BINABASA MO ANG
Broken Faith (ON-GOING)
Fiksi Penggemar"God has a reason for allowing things to happen. We may never understand His wisdom, but we simple have to trust His will" - Psalm 37:5 She has a perfect life. Complete and loving family, came from a wealthy family, friends she can trust, a guy who...