CHAPTER 12

9 1 0
                                    

Naranasan niyo na bang bahain ng problema? Yung tipong hindi kana makahinga? Yung lunod na lunod kana? Pagkatapos mapapatanong ka na lang sa sarili kung kaya pa ba? Matatapos pa kaya? Makakaahon pa ba? O magpapatangay na lang... Hahayaan ang sariling malunod at maglaho.

"Adalyn!" Magkahalong takot at pag-aalala ang narinig ko sa tawag niya. 

"Ilang beses mo ba akong pag-aalahanin, ha?! Umuwi na tayo masyado nang madilim at malamig dito," hindi ako sumagot o lumingon man lang. Nanatili akong nakaupo sa damuhan habang tinatanaw ang buong syudad.

"Ano ba, Ada! Tumayo ka na riyan kung hindi ay tutulak talaga kita!" Nilingon ko siya saglit at bumalik ulit ang tingin sa magandang tanawin. I smirked, you're doing me a favor, then...

"Itulak mo na lang ako kung ganon, Laureen," pinilit kong ngumiti at pigilan ang luha ngunit bigo akong yumuko. Nanginig ang labi ko at nagsimula na namang mamuo ang luha sa mga mata ko.

I heard her footsteps and suddenly she's already sitting beside me. I lifted my head and hugged my knees as the cold air blew. Tahimik ang paligid, maging si Laureen na nasa aking tabi ay wala ring kibo, tanging mga insekto at ang paghampas ng hangin sa mga puno ang nagsilbing musika sa aming taenga.

Kung alam ko lang na mangyayari ang mga problemang ito ay sana napaghandaan ko. Sana'y tinapos ko na noon pa lang ang kasinungalingang binubuo namin ni Ralph. Sana'y naglaan ako ng maraming oras na kasama si Dad, na sana ang mga oras na nilalaan ko kay Ralph ay inilaan ko na lang kay Dad. Sana tinanong ko siya noon kung kamusta ba siya at kung pagod siya'y sana namasahe ko man lang ang likod niya. Kung pwede lang... Tangina! 

Ganon ba talaga? Talaga bang mauuna ang exam bago ang lesson sa totoong buhay? Pahihirapan ka muna bago mo malaman ang dahilan ng iyong paghihirap? 

"This is how life works, Ada. Hindi lahat pwedeng manatili at hindi rin lahat pwedeng umalis o tumakas kung may problema," tumigil siya at tumingin sa akin. I saw pain in her eyes, umiwas ako ng tingin nang magbanta na namang tumulo ang aking mga luha.

"Lahat ng nangyayari may dahilan, gasgas man na kasabihan pero iyon ang totoo. You, of all the people should know that."

"Ano naman kayang posibleng dahilan, ha, Laureen? Lintek! Niloko ako ni Ralph, nambabae! At ang nakakagago pa doon ay kaibigan ko pa ang lintek na babaeng yon! Pagkatapos non ay n-nawala si Dad... a-ang pinaka-masakit sa lahat," pinunasan ko ang aking luha at tumingala, "At ngayon malalaman kong may anak sa labas si Dad... na may kapatid pa pala ako," nanghina ako nang maalala ang lahat.

"Tangina... Bakit ba kase ako? B-bakit ang pamilya ko pa?" Frustrated kong hinilamos ang mukha ko.

"You have to fight, Ada. Alam kong pagod ka na, so rest... rest, Ada, then stand up and fight again," she hugged me and comforted me the whole time. She's always like this, sa harap ng maraming tao she's fierce and bold at kapag sa harap ng mga taong mahal niya she's transparent and she'll show how much she cares.

We stayed like that for a little longer. I remained silent in her arms, dinadama ang malamig na hangin at ang kapayapaan ng gabi. The silence made me calm also made me think about things that I forgot to mind, things that I chose to forget. No, it's not just things but also people... Farrah and Ralph... 

I wonder where are they right now, magkasama kaya sila? Pinagpatuloy kaya nila ang relasyong mali nang naumpisahan? Are they happy now? Now that I'm not around? Now that they don't have to hide? I couldn't wish for their happiness right now maybe I don't want to and maybe not just right now but for the rest of my life.

And Talia? I don't know pero kilala ko ang isang yon. Marahil ay nalaman niya na ang ginawa ng pinsan niya kaya ngayo'y nahihiya siya. She maybe thought of running away instead of hugging me. But I understand, it's Talia, she's a soft-hearted person at malamang wala siyang alam sa nangyari kay Dad ganon na rin sila Farrah and Ralph. And I don't have a plan to tell them at all.

"Ada! Where were you? D-don't you dare do that again..." she hugged and kissed me while I remained facing the floor. 

Nagpasya na kaming umuwi ni Laureen pagkatapos ng ilang minuto, umuwi na rin si Laureen dahil magsasara pa raw siya ng tindahan nila. Kumalma na rin ako at tumigil na rin ang luhang walang tigil kung umagos kanina. Ngayon naman ay sila Mommy ang nakapalibot sa akin, Mom looked tired from crying and the twin looked worried staring at me. 

"Mom, I'm f-fine. I just need a-air... I need to think, I need to calm 'coz everything that are happening were just... too much," tumayo ako at huminga nang malalim, tama si Laureen pagod lang ako kailangan lang magpahinga. Kung malupit ang tadhana sa akin ay sisiguraduhin kong hindi siya magtatagumpay.

"I'm fine, Mom. We're strong, we still have each other... I know you're all having a hard time accepting everything but we can't just give up... we're family, we'll get through this together, right?" I hugged Mom and the twin. Yes, I can't just  give up dahil ngayong wala na si Dad ako na lang ang mapagkukunan nila ng lakas kaya hindi pwedeng maging mahina sa ganitong pagkakataon. 

"I'll talk to him tomorrow after the funeral. Magpapahinga na muna ako ngayon, Mom."

Everything is temporary just like what Laureen said. Ang hindi ko lang maintindihan ay bakit kailangan ganon, bakit kailangang may mawala, bakit kailangang may umalis, bakit kailangang may magbago. Ilang beses ko na atang naitanong ito sa sarili ko pero sadyang kulang talaga ang kaalaman ko. Siguro'y hindi sapat ang maghintay ng sagot kailangan atang hanapin. Pero saan naman? May lugar ba kung saan masasagot lahat ng katanungan? Kung bakit ganito, bakit ganyan, kung bakit nakakatangina ang buhay?

Akala ko'y wala na akong maiiluha pa ngunit heto ako at maya't maya kong pinupunasan ang pisngi ko. Wala nang mas sasakit pa sa makita mong unti-unting ibinababa ang katawan ng taong mahal mo sa ilalim ng lupa kung saan siya ililibing.

"Receive the Lord's blessing, The Lord bless you ang watch over you. The Lord make his face shine upon you, and be gracious to you. The Lord look kindly on you ang give you peace; In the name of the Father, and of the Son and of the Holy Spirit... Amen."

The music started to play as they lowered the coffin into the grave. My Mom cries a lot and even lost her balance, umalalay naman sa kanya ang lalaking nagpakilala bilang anak din ni Dad. Hindi nakatakas sa aking paningin ang paglandas ng luha sa kanyang mata. Hindi ko alam kung gaano kabigat ang nararamdaman niya ngayon ngunit alam kong nasasaktan din siya sa nangyari.  

The twin cries a lot, too. Nasa magkabilang gilid ko sila at nakaakbay ang magkabilang braso ko sa kanila. They're too young for this. Kung pwede lang ilipat sa akin ang sakit na nararamdaman nila ay gagawin ko na. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa amin pagkatapos nito, kung paano kami magpapatuloy gayong lahat kami'y durog.

"Give him, o Lord, your peace and let your eternal light shine upon him... Amen."

"Let us go in the peace of the Lord." 

Natapos ang misa at ngayo'y tinatabunan na ang coffin ni Dad, unti-unti na ring umuuti ang mga nakilamay. Tulala kaming lahat habang ginagawa iyon ng mga kinuha naming maghuhukay. I looked at Mom, she's just staring at nowhere habang  patuloy ang mabagal na pagtulo ng kanyang luha. I wiped my tears as I went to her and hugged her, the twin did the same. We hugged each other 'till the excavator finished what they're doing.

I looked at the guy who's standing right behind us. Our eyes met, it's our Dad's eyes, hindi ko man alam kung paano sisimulang kausapin siya ay  ipinagpatuloy ko pa rin ang pangako ko kay Mom. I mouthed to him that we to talk, he just nodded and started walk towards the big narra tree behind us.

Nagpaalam ako sa kambal at iniwan muna sa kanila si Mom, she's too shocked right now at nakatulala pa rin. Nagsimula akong maglakad papunta kung saan nakapwesto na ngayon ang lalaking iyon.

Hindi ko alam kung dito na ba nagtatapos ang pagbaha ng problema sa pamilya ko. Marahil ay dito pa lang magsisimula, na ambon lang pala ang mga naunang pagbuhos ng problema. 

Ngayong nailibing na si Daddy, ngayong wala na siya, paano na kami aahon? Paano? Paano ako babangon kung ilang daang pulgada ang lalim ng banging pinagbagsakan ko? Sino ang tutulong sa aking humila ng taling hahawakan ko para makaahon sa malalim na bangin na 'to? Paano  ako magpapatuloy sa malupit na takbo ng buhay ko?









Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 12, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Broken Faith (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon