CHAPTER 11

2 1 0
                                    

Gulat akong napahinto sa paglalakad papunta sa gate ng aming bahay nang makita ko kung sino ang nakasandal doon. Wearing a maroon hoodie partnered with black skinny jeans and a pair of sneakers.

Iniwas ko ang tingin sa kanya nang magtagpo ang mata naming dalawa. Alam ko kung bakit ganyan ang mga tingin niya sa akin. She must be worried.

"Bakit hindi ka pumasok?" I asked as I continue to walk towards our gate.

Umayos naman siya ng pagkakatayo nang tumigil ako sa kanyang harapan. I could see how hurt and angry she was for me. Kailan niya kaya nalaman? I chose not to them tell what happened to Dad. I chose not to tell them how painful and how I almost lost my sanity when Dad died three days ago. I'm wearing sunglasses for three days 'cause I don't want to see how broke I am.

"How. Dare. You..." tears started to fall from her eyes, her shivering hands grabbed my body and put me in her arms. Tumulo ang luha ko kasabay ng pag-tulo ng kanya. I cried, again...

"I couldn't imagine how p-painful it was for y-you... I wished I was with you that m-moment," humigpit ang yakap niya sa akin at nagpatuloy sa paghikbi "I j-just hate you for keeping this a secret... And I just wanted you to know that I slapped Farrah that prom night," I smiled a little when I heard what she just did.

Sabay kaming kumalas sa pagkakayakap at tunuyo ang aming mga mata. I told Laureen to come inside but she resist, babalik na lang daw siya bukas dahil nakapasok na pala siya sa loob at hinihintay niya na lang akong makauwi.

I entered our house, facing the floor. I couldn't take seeing my Mom looked so stressed and hurt, it broke my heart. And the fact that Dad will never be with us anymore, ang mga tawa niya, ang yakap niya't halik, ang mga biro niya... I-I just couldn't...

Inayos ko ang itsura ko nang makasalubong ko si Darius. His eyes are red, kahit hindi niya sabihin sa akin ay alam kong umiiyak din siya patago. I smiled at him, kinuha niya naman ang mga dala kong paper bag at sabay na kaming naglakad papunta sa kusina. Tumigil naman ang mga katulong sa kani-kanilang ginagawa upang tulungang buhatin ang mga pinamili namin ni Manang Alice.

We decided na dito sa bahay iburol si Dad at napagkasunduan din naming limang araw lang ang burol dahil wala rin namang hinihintay na kamag-anak, lahat sila ay nakadalaw na ang iba'y dito nagstay simula noong unang gabi ni Dad. Bukas ay last night na, ni hindi pa rin ako makapaniwala na nangyayari ito sa pamilya namin. Hindi ko maintindihan kung bakit kailangang may mawala, kung bakit kailangang magkulang yung dating kompleto, kung kailangang maghirap ang mga taong wala namang ginawa kun'di magmahal.

Hindi ko maintindihan kung bakit may plano Siya'ng ganito, na pahirapan at paiyakin kami ng ganito. Akala ko ba magiging maayos ang lahat kung may takot ka sa Kanya, kung nabubuhay ayon sa kagustuhan Niya, e bakit ganito? Maayos ba 'tong nangyayari sa amin, maayos ba iyong nawala ang ama ko?

I wiped my tears away as I continued arraging the snacks for visitors. Nakatalikod ako kay Darius kaya naman malakas ang loob ng luha kong tumakas mula sa mata ko. Hapon na kaya't inaayos na namin ang mga pagkaing ihahain mamaya dahil tuwing gabi dumadagsa ang mga nakikilamay na karamihan ay katrabaho at kasosyo nila Dad sa negosyo. Ganon din ang ginagawa ni Mommy, she keeps herself busy so she wouldn't feel the pain. ButI am the one feeling it, the pain, the pain that Mom, Daris, and Darius' trying to hide.

"I'm done with the biscuits, ate," lumingon ako kay Darius.

"Okay, leave it to Manang Alice. Tell Daris to help us, marami pang kailangan ayusin," tumango siya at naglakad na paalis ng kusina. Sinundan ko siya ng tingin, nakita ko pang nakasalubong niya si Manang Alice at may ibinulong.

Natapos kami sa pag-aayos ay madilim na sa labas, marami na ring bisita ang nagkukwentuhansa labas at ang nasa loob naman ay kakwentuhan ni Mom. Mom tried to smile while talking to some of their  business partners about how passionate was Dad at work. He really is passionate, he loves working at sa tuwing napupuna ko ang pagiging workaholic niya ay lagi niyang sinasabing ginagawa niya iyon para sa amin, para sa pamilya niyang mahal na mahal niya.

Natapos ang gabi na pagod at antok ang lahat. Sinabi ko sa mga katulong na magpahinga na sila, ganon din ang sinabi ko kay Mom at sa kambal. Nagprisinta akong magbantay kay Dad since mag aala una na rin naman. Umupo ako sa umupuang nakapwesto sa tabi ng kabaong na kinahihigaan ni Dad. I looked at him, it's like he's just sleeping, peacefully sleeping. At nakakalungkot isipin na hindi na siya magigising pa.

"Ada... wake up. Ala singko na ng umaga, sa kwarto mo na ipagpatuloy ang tulog mo. Kaya na namin ito, okay? Rest, Ada. I love you..." Mom hugged me and kiss my forehead. Ala singko na pala, ang huling tingim ko sa orasan kanina ay 4:30 pa lamang. 

"Thanks, Mom. I love you..."

Padarag kong hiniga ang sarili sa aking kama. Naramdaman ko ang pagkirot ng aking likod nang tumagilid akong ng higa, gayon na rin ang kirot ng batok ko, siguro ay sa pagkakatulog ko kanina. Agad akong nakatulog dahil sa pagod sa buong araw, sa buong apat na araw.

"Mom, who is this man?" 

"Show respect, Daris."

"Who. Is. This. Man, Mom?! Bakit hindi mo masagot ha, Mom!"

Nagising ako sa maingay na sigawan sa baba. Tiningnan ko ang orasan sa aking kwarto at nakitang alas tres na pala ng hapon. Kinusot ko ang aking mata at inayos ang sarili, hindi ko na nagawang maligo dahil sa sigawang naririnig ko. Dali dali akong bumaba sa hagdanan at nagpunta sa sala kung saan nakaayos ang kabaong ni Dad. 

Nadatnan ko ang isang lalaking sa tingin ko'y tatlo o limang taon ang tanda sa akin. Nakapwesto ito sa likod ni Mom at kaharap nila si Daris na mainit ang ulo habang nasa likod nito ang kakambal na si Darius na nakahawak sa kaliwang braso ng kanyang kambal.

Dumapo ang tingin nila sa akin nang tuluyan akong makalapit sa kanila. 

"What is this? Bakit nagsisigawan kayo? At sa harapan pa mismo ni Dad?" Hindi makapaniwalang puna ko sa kanila, umiling ako at binalingan ng tingin ang estrangherong lalaki sa likuran ni Mom.

Who is this guy? He's wearing a navy blue dress shirt partnered with black maong jeans and pointed black shoes. He's tall and tisoy, and his eyes are familyar.

"Who are you, Mister? You know our Dad?" I asked him formally.

He stepped forward leaving Mom behind him.

"I'm Edan Gregory Santiago. I'm his son..." He stopped talking and looked at Dad.

Sa gulat ko'y kusang gumalaw ang aking mga paa sa pag atras. Nanginig sa halo halong emosyon ang aking lalamunan. Walang salitang lumabas sa aking bibig at nanatiling dilat ang aking mga mata, gulat sa aking nalaman. Hindi man ako sigurado kung katotohanan ba ang sinabi nitong lalaking ito ay napatunayan naman ito ng kanyang mga mata. Ang mga mata ni Dad ang aking nakikita. Ngayon ay malinaw na kamukha niya si Dad, ang mata, ilong, maging ang hugis ng kanyang mukha.

Batid din ang lungkot sa kanyang mga mata habang nakatingin sa pwesto ni Dad. Mas lalong nadurog ang puso ko nang makita kong umaapaw ang luha sa mga mata ni Mom. She's shaking her head while looking straight at me, telling me to calm down.

"Y-you know t-this, Mom?" I don't know what to feel anymore. I'm so drained.

Ang mga luhang ilang araw kong tinatago sa kanila ay tuluyan nang nagpakita. Sari saring emosyon ang dumagasa sa utak ko. Ang galit, panghihinayang, pagsisisi, lungkot ay sabay sabay kong nararamdaman ngayon. Ang pagpapakilala ng isang lalaking ito bilang anak ni Dad sa ibang babae ay tila s'yang nagtriggered sa bigat na nararamdaman ng puso ko.

Hindi ko na kailangan marinig ang sagot ni Mom dahil ang mga luha niya na tila sumagot sa tanong ko. Tumakbo ako, palayo sa kanila, palayo kay Dad, palayo sa bahay na iyon. Tumakbo ako ng tumakbo hanggang sa makarating ako mataas na bahagi ng subdivision kung saan tanaw ang syudad ng Maynila. 

Huminga ako ng malalim at panibagong balde ng luha ang bumuhos mula aking mga mata. Ramdam ko ang malamig na hanging yumayakap sa aking katawan. Kahit ang magandang tanawin sa aking harapan ay hindi ko mapuri sa bigat nitong aking nararamdaman. 

"Ahhhhhh!"

"Fuckkkkk!"

Sumigaw ako ng sumigaw, umaasang maiibsan ang sakit ngunit parang ilog ito na walang tigil sa pag agos hanggang matangay nalang ako nito.

"Why are you doing this to me?! What the hell do you want?!"

I'm so fucking tired...

Broken Faith (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon