CHAPTER 2

14 1 0
                                        

"Hello there, my love."

Sinalubong niya ako nang malaki ang ngiti at sabay na pinalupot ang kanyang kaliwang kamay sa aking baywang. Nginitian ko siya saka pinalupot din ang aking kamay sa kanyang kanang baywang.

"You're in a good mood, huh?" Tiningala ko siya habang sinasa-ulo ang bawat parte ng mala anghel nitong mukha.

Kulot ang kanyang buhok na may pagka-messy hair ang style, makapal na kilay, mapula at manipis na mga labi, ang bilogan nitong mga mata at ang hindi kahabaang pilik-mata. Bumaba ang tingin ko sa matipuno niyang dibdib at sa braso niyang nakahulma. Ang lahat ng ito ay ang s'yang pinapangarap ng mga kababaihan dito at mayabang mang pakinggan pero lahat ng ito ay sakin lang.

"I'm always this happy when you're around, my Ada," ugh! I would die for your smile, Ralph.

He winked and smiled again as if this is the last time he could smile. Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa bench na pinagtatambayan namin. I saw Talia with ballpen on her hand, she's writing something.

"Hey, girl. What's that?" bati ko sa kanya saka bumitaw kay Ralph.

Ralph sat on one of the bench while tapping something on his phone. Hinayaan ko lang siya saka tinuon ang atensyon sa ginagawa ni Talia.

"Remember the project essay kay Mrs. Flores?" Tumango naman ako. Nagtama ang mata namin at sa tingin ko'y alam ko na kung bakit siya ganito kataranta habang nagsusulat.

"Ada, I forgot everything about it. I'm really sorry, I know nagpromise ako sayong gagawa at magpapasa on time ng mga kailangan sa-" naputol ang pag papaliwanag niya sa akin nang kinuha ko ang ballpen at yellow pad niya.

Hindi niya na kailangan pang ipaliwanag sakin ang dahilan dahil alam kong inubos niya ang lahat ng libreng oras sa panonood ng mga korean drama. Naaalala kong matagal na itong pinapasa pero etong isang ito ay hanggang ngayo'y wala pa. Wala akong nagawa kundi tulungan nalang siya nang may maipasa siya pagdating ng 9 o'clock am. Pasalamat siya't binigyan pa siya ng pagkakataon ni Mrs. Flores.

Napahinga ako ng malalim nang nakita kong pursigido siyang matapos ito kaya't napangiti na rin ako saka pinisil ang kanyang pisngi. Nilingon ko si Ralph at nagulat akong nandoon na pala sila Farrah at Laureen. Nakatayo si Farrah sa harap ni Ralph at napansin kong may pinaguusapan sila habang si Laureen naman ay nakatayo't nakatalikod sa tabi ni Farrah habang nakaharap sa kanyang phone.

Halos mag kasing tangkad lang din kami ni Farrah nasa 5'6 ang height namin habang sila Laureen at Talia naman ay nasa 5'3 ang height. Mahaba at straight naman ang buhok ni Farrah makinis at maputi din siya, may hubog ang kanyang katawan dahil na rin sa paggy-gym tuwing weekend na s'yang napagkakasunduan namin, malalim ang kanyang mata dahil sa matangos niyang ilong. Yes, she's really pretty. Maganda talaga ang mga kaibigan ko.

Si Talia naman na pinsan ni Farrah ay maikli at diretso ang buhok hanggang balikat. Her eyes were naturally looks like puppy eyes kaya't kahit anong hilingin niya'y maibibigay mo nalang dahil sa maganda niyang mata. She's also fit and may style din manamit dahil na rin sa kaadikan niya sa korean drama. Ang ilong niya'y di mailalayo sa ilong ni Farrah. Dyosa din talaga ang lahi nila. And Laureen?

She's the mysterious type, and serious, she got piercy eyes and pointed nose. I like her lips na akala mo'y laging nakapout kaya't hilig ko ding pisilin ang kanyang pisngi na kinakairita niya. 

Napatingin naman ako sa buhok ni Laureen, she is so damn gorgeous with her hair, bagay na bagay sa kanya ang bagong style ng buhok niya. Naisip ko tuloy na tanungin siya mamaya kung bakit short layered hairstyle ang napili niyang gupit ngayon.

Broken Faith (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon