99

997 24 5
                                    

Jax's pov

"so wala na talaga? Hindi na talaga tayo pwede? Sa huling pagkakaalala ko kase clyde okay naman tayo eh" sabi ko sakanyang umiiyak

Mahina na kung mahina pero hindi ko talaga kayang wala siya saken

"jaxen, hindi kaba nakakaintindi? Ayoko na sayo! Kung gusto mo magboyfriend ka ng iba, mahanap ka na ng iba Baket ako lang ba lalake sa mundo?! andami dami----"

"clyde andaming lalake sa mundo pero ikaw yung gusto ko! At kasalanan ko yun kase ang bobo ko kase sayo pa ako nagkagusto! Pinagsisisihan kong minahal kita clyde kase ikaw yung dumurog saken ng sobra! Akala ko----" napatigil ako dahil hindi na ako makahinga" a-akala ko kase tayo na eh, hanggang dulo akala ko magstastay ka saken, akala ko hindi mona siya mahal"umiiyak kong sabi at napansin kong parehas na pala kaming umiiyak na kami parehas

"j-jax"

"pero lahat pala yun, akala ko lang at alam mo yung masaket?" napangiti nalang ako dahil sa sakit na nararamdaman ko "yung akala ko ako na talaga, pero siya paren pala"

"jaxen, sorry hindi tayo pwede"

"pwede naman clyde eh, duwag kalang" nakangiti kong sabi at kinuha ang bag ko

"kalimutan mo na lahat clyde, kakalimutan naren kita at kalimutan mo naren ako, sana maging masaya kana kase nakakapagod na eh, simula nung una ako naman yung lumalaban para sating dalawa diba? Wala kang pinagkaiba sakanya... Wait mas matindi ka pala sakanya" sabi ko nalang at tumalikod

Naglakad na ako papunta sa may kotse ko pero nagulat ako ng bigla niya akong niyakap mula sa likod

"p-pasensya na"

Yun lang ang sinabi niya pero sobrang sakit na nun saken, nagipon ako ng lakas para maka wala sa bisig niya at pumunta papunta sa kotse

Sa ngayon tinatamad na talaga ako sa buhay ko at isa lang naman ang pwede kong puntahan eh

I dialed his phone number and luckily sinagot niya agad ito

"n-nasa school kana?" tanong ko sakanya

"wala pa? Gusto mo ba sunduin kita?"

"can i come over for a second zach"

"sure hihintayin kita dito, ingat ka"

Buti pa siya, hindi siya yung kailangan ko pero siya yung nandito para saken

Nilingon ko sa huling pagkakataon ang kinaroroonan ni clyde at nakita ko siya dun na nakaluhod

Gusto ko siyang puntahan, yakapin

Pero alam kong mas mahihirapan lang ako pag ginawa ko yun

Agad na akong Nagdrive paalis at tumungo na sa bahay nila zach

Mabilis naman akong nakarating dun dahil wala namang traffic, nakita konaren na nagaabang si zach sa labas kaya napangiti ako

Maswerte ang magiging girlfriend niya kapag nagkataon

Nag Park na ako at pagkalabas na pagkalabas ko ay agad niya akong niyakap

"antagal monaman, hindi na tuloy tayo nakaattend ng first subject" sabi pa niyang pabiro, pero niyakap konalang siya pabalik dahil sa mga oras na to, yun yung kailangan ko

And bigla konalang napansin na umiiyak nanaman pala ako.

"jax? Okay kalang ba? Bat umiiyak kananaman?" sabi niya at agad na pinunasan ang luha ko

"w-wala kase ano eh"

"dont tell me nagkita kayo?" tanong niya at napaiwas naman ako ng tingin

"zach, mahal ko siya" sabi konalang at naiiyak na niyakap siya ng mahigpit

"jax look at me" utos niya kaya tiningnan konaman siya

"pwede ba? Tayo nalang? Jaxen hindi kita sa saktan, hindi ko gagawin sayo yung ginawa ni clyde alam kong di ka pa ready pero, please let me, let me stay" sabi niya saken pero di nalang ako umimik sakanya

"clyde is leaving, sinabi saken ni Ken yun he's leaving you jax, please let him go hayaan monaman akong mahalin ka, alam kong hindi mo pa ako mahal sa ngayon pero maghihintay ako! Maghihintay ako hanggang sa matanggap na ako ng puso mo" sabi ni zach niyakap ko siya ng mahigpit..

"thank you zach"

My Wife is One Of The Mafia [The Final Battle] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon