125

636 19 1
                                    

Jaxen's pov

Hindi ko mapigilang magukat sa sinasabi ng lalakeng nasa harap ko ngayon..wala akong nakikitang pagaalinlangan sakanya kaya

Hindi ko alam kung tama pero naniniwala ako sakanya

"gaano kayo kadami?" tanong ko sakanya

"sila, hindi ako kagaya nila" pagtatama pa niya sakin kaya naman inis ko siyang tiningnan

"wala akong pake, gano kayo kadami?" tanong kong muli

"sobrang dami" usal niya at napaisip naman ako... Tsaka ko nilingon si nico

"mukhang alam kona kung kanino tayo pupunta nico" ngisi kong sabi kay nico at taka naman niya akong tiningnan

Hinarap ko yung lalake

"anong pangalan mo?" tanong ko sakanya at ngumiti naman ito saakin

"ako si john.." tsaka inalok sakin ang kamay niya

"jax" pagtanggap ko sa kamay niya "tutulungan kita, para mabawi ang kaibigan ko, wag molang talagang sirain ang tiwala ko dahil - - - -"

"uulitin ko, buhay ko ang itataya ko" sabi pa niya saken kaya naman tumango ako

"kung ganon umalis na tayo" sabi ko pa sakanya tsaka ko hinarap si nico

"oh anong aten?" takang tanong niya at kumakamot kamot pa sa ulo

"sundan monalang ang kotse ko" sabi ko pa sakanya tsaka siya tumango at sumakay na sa motor niya

Dito kami nagkakasundo ni nico, magsasabi ako at hindi siya kokontra

Tiningnan ko si jax na nahihiya oang sumakay sa sasakyan ko

"ano pang hinihintay mo? Sumakay kana" sabi ko pa sakanya

"p-pasensya kana, ngayon lang ako sasakay sa mamahalin na sasakyan" nahihiya niya sabi kaya naman umikot pa ako para pagbuksan siya

"oh sakay" sabi ko sakanya tsaka naman siya sumakay doon

"s-salamat" sabi niya saken na hindi kona pinansin dahil wala ng oras... Agad akong sumakay sa kotse ki at pinaandar iyon

Kinapa konaman ang phone ko at nakita kong...

"lowbat?! Ugh" inis kong sabi tsaka binato ang phone ko sa backseat

"okay kalang ba? Gusto mong makitawag?" tanong sakin ni john pero umiling ako sakanya

"hindi, tiningnan kolang kung may nagtext" sabi konalang at itinuon ang atensyon ko sa pagdridrive..

"talagang mahal na mahal mo siya eh no?" biglang basag ni john sa katahimikan "si clyde ibig kong sabihin" sabi oa niya at bahagya naman akong natawa

"talagang kilalang kilala mo ah" sabi ko pa sakanya

"eh kase araw araw nalang binabanggit ni zach yun eh, alam mo ba kung gaano ka patay na patay sayo si zach?!" natatawa niyang tanong at tumango naman ako

Ngayon alam konang nagsasabi siya ng totoo....baka nga si zach ang may pakana ng lahat ng ito

"saan ba tayo pupunta?" tanong ni john saaken

"wag monang alamin" seryoso kong sabi sakanya at narinig konaman ang bahagya niyang paglunok

"ngayon alam kona kung bakit pinagaagawan ka ni clyde at zach" natatawa niyang sabi at nagtaas naman ang kilay ko sakanya "ang angas mo at hindi maipagkakailang maganda kanga talaga, kaya pala nabaliw si zach" natatawa parin niyang sabi

"unang-una...hindi nila ako pinagaagawan, dahil una palang ay si clyde na ang nakakuha saken" sabi ko pa sakanya "malinaw kay zach na magkaibigan lang kami at hindi ko alam kung anong lenggwahe ang kailangan kong gamitin oara maintindihan niyang hindi ko siya gusto" sabi ko pa "hindi ako makapaniwalang aabot siya sa ganito, mabilis palang mapasukan ng hangin ang utak niya" inis kong sabi at narinig kinaman ang impit na tawa ni john

Anong nakakatawa?!

"akala ko hindi ka maniniwala saken, ikaw nalang ang pagasa namin eh" sabi niya saken

"bakit ba pumasok sa ganitong gawain? Hindi mo ba alam na pwede kang makulong?!" inis kong sabi sakanya at tumungo naman siya

"ginawa ko ito para sa nga kapatid ko, wala na kase kaming makain at kung hindi ako magtratrabaho magugutom kami, pilit komang humanap ng marangal na trabaho, walang tumatanggap sakin kesyo wala daw akong natapos at wala daw akong alam" sabi niya saken habang nakatingin sa daan "ginusto konang umalis pero hindi ko maiwan s-si k-katie" nahihiya niyang sabi saken

Kaya paka ganon nalang niya kagustong iligtas si katie... Tsk

"bakit di mo ba siya kayang sagipin magisa?" takang tanong ko at bumunting hininga siya bago umiling

"kung kaya ko edi sana hindi na ako lumapit sayo, pero masyado nang marami ang tauhan ni zach at isang maling galaw ko lang ay mamamatay ako" sabi pa niya

"mabait si zach, hindi ko alam kung anong pumasok sa isip niya at ganyan na ang mga ginagawa niya, hindi ko alam na isa siya sa may pakana ng pagkawala ni katie at ngayon si mein naman" iling kopang sabi "hindi ako magdadalawang isip saktan siya oras na malaman kong may ginawa siyang masama kay mein" sabi kopa at mahigpit na hinawakan ang manobela ko

"kaya kailangan na natin bilisan, dahil sa sitwasyon ngayon.. Wala ng oras para magpahinga pa" seryosong sabi niya at tama naman siya

Wala ng umimik pa sa biyahe hanggang sa marating na namin ang pakay namin..

Bumaba ako at ganun din naman si john na nakanganga pa sa napakalaking gate

Nilingon konaman si nico na kahuhubad lang ng helmet at kabado akong tiningnan

"s-sigurado kaba?" sabi niya saaken at lumapit pa saken ng bahagya, seryoso aking tumango sakanya

"kapag ako hindi nakalabas ng buhay dito, mumultuhin kita" pananakot pa saaken ni nico pero seryoso ako

"ako ang bahala" seryoso kong sabi at tiningnan si john na manghang mangha paren "ano nganganga kalang diyan? Tara na" sabi ko pa sakanya, naramdaman konaman ang paghabol niya at ni nico saken

Bahagya kopang tiningnan ang napalakaing gate sa harap ko at ang nakasulat doon

Mafia empire....

It's good to be back...

My Wife is One Of The Mafia [The Final Battle] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon