130

604 20 1
                                    

Update marathon guys!
Enjoy reading!!!

Jaxen's pov

Pagtapos namin kumain ni clyde at kung san san naman ako hinila ni clyde

"teka teka!" sabi ko sakanya kaya tumigil naman siya at natatawa akong tiningnan

Hinihingal kase ako, nakakapagod kaya!

"ikaw sanay na sanay ka makipaglaban tapos dito hinihingal ka, ang arte mo ah" sabi pa niya saken kaya inirapan ko siya

Eh sa hinihingal ako bakit ba?!

"oh galit nayan" pangaasar sakin ni Clyde pero hindi ko siya pinansin

Pero hinawakan niya nanaman ang kamay ko at dahan dahan naman siyang naglakad

"sorry hon, haha namiss lang talaga kita.. Kaya ako ganito" bakas sa boses niya ang kalungkutan pero nakangiti siya

Kung normal lang ang buhay ko ay siguro masaya kami ngayon dalawa

"kamusta na nga pala yung paghahanap niyo kay mein?" deretsong tanong niya at napabuntong hininga naman ako

"h-hindi pa namin na hahanap" pagsisinungaling ko pa sakanya dahil alam kong mamimilit siyang sasama siya saken pag sinabi kong alam kona kung asan si mein at katie, at baka mapahamak siya

Hindi na siya nagsalita at tumingin tingin naman sa paligid...

"teka may dadaanan lang ako" sabi pa niya tsaka humiwalay sakin

Galit ba siya?

Bat naman siya magagalit? Aish

Mabilis siyang nawala sa paningin ko dahil sa mga taong dumadaan, kaya inilibot ko ang mata ko at nakakita naman ako ng donut shop

Naisipan kong pumunta doon at bumili

"dalawang box ng donut please, different flavors" nakangiti kong sabi sa cashier

"that would be, one thousand two hundred mam" sabi niya kaya naman agad akong nagabot ng bayad

Pasalubong ko ito sa mga bata sa bahay

Wala lang ang cute cute kasi nila

After fifteen mins ay nakuha kona ang order ko, grabe napakatagal nilang magserve tsk tsk

Nagpunta ako doon sa mismong pinagbitawan sakin ni clyde at nakita konamang andun na siya at kunot noong nakatingin sakin

"ano yan?" tanong niya at nakanguso sa dala dala kong donuts

"ah eto, wala pasalubong kolang" sabi ko pa at kunit noo naman niya akong tiningnan..

"pasalubong? Kanino?" sabi pa niya

"may mga bata kase sa bahay" yun nalang ang sinabi ko at tiningnan siya

"ikaw saan ka galing?" tanong ko sakanya at umiling naman siya

"may dinaanan akong shop, kaso ang haba ng pila kaya bumalik nalang ako"
Sabi nalang niya at hindi ako nagtanong pa

Naglakad lakad nalang kami pero ramdam ko ang pagiging tahimik ni clyde

Ano nanaman kayang nagawa ko?

"okay kalang?" wala sa sariling tanong ko sakanya at nang harapin niya ako ay nakangiti siya sakin

"oo naman" sabi pa niya at hinawakan ang pisngi ko "basta ipangako mo saken hindi ka mapapahamak ah?" nakangiti niyang sabi at natigilan ako "hindi ko kakayanin jax" seryoso niyang sabi at tumungo ako

My Wife is One Of The Mafia [The Final Battle] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon