128

606 18 3
                                    

Clyde's pov

Hindi ko alam kung anong ginagawa ko ngayong madaling araw at naglalakad lakad ako... Pupunta akong coffee shop at napagdesisyunan kong maglakad nalang dahil kung magkokotse ako ay paniguradong magigising si ken at sasama siya saken, gusto ko munang mapagisa

Konting lakad pa ay narating kona ang coffee shop, buti nalang twenty four hours na bukas ito

Agad naman akong umupo sa upuan at nagisip isip..

Ano kayang nangyare na kay jax?

Bakit hindi siya sumasagot sa mga tawag ko?

Eh kung puntahan ko kaya siya sa bahay niya?

Kaso nagpapahinga nayon

Isang malkas na buntong hininga ang pinakawalan ko, nagulat naman ako ng may tumayo sa gilid ko

"anlalim ng iniisip ah?" natatawa niyang sabi at naglapag ng dalawang blue berry cheesecake at dalawang iced coffee, nang tumingala ako..

"anong ginagawa mo dito nico?" tanong ko sakanya at natatawa naman niyang itinuro ang bakanteng upuan sa harap ko

"may i?" tanong niya at dahan dahan naman akong tumango, kaya naupo na siya

"nagutom ako sa mga pagplaplano kaya  nagdrop by muna ako dito, tas nakita kita nakaupo kalang tas wala kang order.. Edi inorderan narin kita, himdi moba alam na delikado para sayo ang mag isang lumalabas?! " sabi pa niya kaya naman napatingin ako sakanya

"pagplaplano? Para saan?" tanong ko at sumubo naman siya ng cake

"andami king sinabi pero iyon ang napansin mo?!" natatawa niyang sabi pero seryoso ako kaya umayos siya ng upo

"hindi mo ba alam? Alam na namin kung nasaan si mein, and guess what pati si katie" pagkwekwento niya at natigilan ako

"teka teka, naguguluhan ako" sabi ko pa at deretsong tumingin sakanya "panong kasama ni mein si katie? Huh?!" tanong ko at umiling iling siya

"alam kong alam mong nawawala din si katie clyde" sabi pa niya at natigilan ako "nakidnapped si mein at katie, pero alam na namin kung saan sila pupuntahan mamaya" seryoso niyang sabi

"saan?" napatayo pa ako at deretsong tumingin sakanya

"teka nga nakakagulat ka! Umupo ka!" mahinang bulong at luminga linga pa kaya naman umupo ako

"saan? Saan kayo pupunta mamaya" tanong kong muli pero umiling siya

"hindi pwede, magagalit sakin si jax once na sabihin ko sayo mapapah--"

"pre usapang lalaki" sabi ko pa at deretso siyang tiningnan "girlfriend ko si jax..at gusto ko siyang tulungan" sabi ko pa pero napabuntong hinunga siya

"per----"

"please nico... Nagmamakaawa ako sabihin mona kung san kayo pupunta" sabi ko pa at napatungo naman si nico

John's pov

"dito muna kayo sa guestroom" turo pa ni jax samen at namangha naman ako, malaki ang guestroom nila at mas malaki pa ito sa bahay namin

"wooooooooow!! Anlaki laki!!" sigaw oa ni xian tsaka tumalon talon sa kama

"xian bumaba ka nga diyan magagalit si ate" suway naman ni jasmine kay xian na agad tumingin kay jax na nakangiti sakanya

"pasensya napo ate" sabi pa ni xian at bumaba sa kama "ngayon lang po kami nakaramdam ng aircon" nakangiting sabi ni xian "tsaka malambot na higaan kase sa lapag lang po kami natutulog" sabi pa niya kaya pinipigilan konaman ang ang emosyon ko..

"ano kaba? Okay lang yun.." nakangiting sabi ni jax kay xian at nagulat naman ako ng pumunta si xian sa harap ni jax

Lumuhod naman si jax sa harao niya, maliit pa kase ng sobra si xian dahil five years old palang siya at si jasmine naman ay 8 years old

Nagulat naman ako ng yakapin ni xian si jax at nang akmang lalapitan kona sila ay nakita kong nag thumbs up siya saken

"okay lang" sabi niya saken ng walang boses at niyakap din si xian, humiwalay naman si jax sakanya at ginulo ang buhok nito

"gusto mo ng chicken?" nakangiti niyang tanong kay xian na tumalon talon sa tuwa

"opo opo ateeee!!!" masayang sabi ni xian

"oh sige" sabi pa niya tsaka ako hinarap na ikinagulat konaman

"baba kayo, nagpadeliver ako ng pagkain" nakangiti niyang sabi kaya nakangiti naman akong tumango

"salamat jax" sabi ko pa at nakangiti naman siyang tumango bago lumabas ng kwarto

Maya maya pa ay sumunod narin kami sa baba dahil alam kong hindi pa kumakain ang nga kapatid ko kaya namimilit na silang bumaba, nakita kinamang nagaabang na si jaxen sa baba at nakahanda narin ang kakainin ng mga bata

Mabilis namang umupo sila jasmine at xian sa hapagkainan at masayang kumain

"salamat po ate jax!" nakangiting baling ni jasmine kay jax na nakangiti siyang tinanguan

Dahan dahan naman aking lumapit kay jaxen

"salamat ulit jax, talagang masaya sila" nakangiti kopang sabi at pinagmasdan ang mga kapatid ko, nung makita panga lang nila ang sasakyan kanina ni jax ay tuwang tuwa na sila, ngayong may pagkain pa.. Lalo silang natuwa

"hindi" sabi niya saken, napatingin naman ako sakanya at nakatingin naren siya saaken "salamat dahil tinutulugan mo kami ngayon,kung hindi dahil sayo hindi namin malalaman ang kinaroroonan ni mein at katie" nakangiti niyang sabi

"g-ginawa kolang ang tama" sabi konalang sakanya

Ring ring ring!!!!!!!!!

Nagulat ako nang nag vibrate ang selpon ko at nang makita ko, si aling bebang, tiningnan konaman si jaxen na sinasabing sagutin kona ang tawag kaya pumunta ako sa may pintuan ng bahay

"oh aling bebang? Ano't madaling araw na tumatawag kapa?" tanong ko at naririnig konaman ang ingay ng mga tao doon

"nako john! Ang bahay ninyo! Nasusunog, mabuti nalang at wala kayo! Asan ba kayo? Wala nang natira miski isa sa bahay niyo!" kabadong sabi ni aling nena at natigilan ako

"panong masusunog iyan? Eh umalis kami diyan na maayos" sabi ko pa

"hindi ko alam hijo nako puntahan monalang ang bahay niyo dito at wala na talagang natira" malungkot na sabi ni aling bebang kaya naman naibaba ko ang tawag sa gulat

"ano nangyare?" tanong ni jax saken na nasa likod kona pala

"y-yung bahay namin.. Nasunog daw" naiiyak kong sabi "buti nalang at nakaalis agad kami doon" sabi ko pa

"paniguradong si zach ang may pakana nito, baka alam na niya ang ginawa mo kaya niya pinasunog yon" umiiling pang sabi niya, hindi nalang ako umimik at naupo

"w-wala na.. Kahit maliit lang yun ay pinaghirapan ko yon" sabi ko pa pero nagulat ako nang umupo din siya sa tabi ko at tinapik ang balikat ko

"ako ang bahala sayo" nakangiti niyang sabi kaya naman nagulat ako pero hindi na siya tumingin pa saaken "maghanda kanalang dahil mamaya, may labanang magaganap" nakangiti niyang sabi

Oo, gagawin ko rin ito para kay katie

My Wife is One Of The Mafia [The Final Battle] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon