Jaxen's pov
Simuka nang natapos kaming kumain nila clyde ay hindi na niya ako pinansin pa, bagama't hindi siya umaalis sa tabi ko, pero hindi niya ako iniimikan
Naramdaman ko naman ang bahagyang paglapit ni mein saaken ng...
"bes sorry, hindi ko talaga sinasadya promise" nang tingnan ko si mein ay halatang halatang natatakot siya saaken
"okay lang yun" sabi konalang sakanya at nginitian siya
Sa totoo lang ay ayos lang naman talaga ang hindi ko maintindihan ay kung bakit hindi ako pinapansin ni clyde
Kung magseselos man siya ay baket pa? Andami konang ginawa para lang hindi siya magselos don kay nico
"guys uuwi nako, 5 pm naren at maaga ang practice namin for tomorrow" pagbasag sa katahimikan ni ken "babe" lingon niya kay mein at tinanguan naman siya neto
Tumabi naman si clyde kay ken
"a-ako den, mauuna na ako.." sabi oa niya samin at nang tingnan ko siya, nakatingin ren siya saken pero bakas sa mukha niya ang lungkot
"t-teka" sabi ko pa sakanya at hinawakan siya sa braso ng akmang tatalikuran na niya kami
Dahan dahan niya namang nilingon ang kamay kong nakahawak sa braso niya
"j-jax hintayin nalang kita doon sa parking ah?" singit ni mein atsaka hinila si ken papalayo
"baket?" pormal na tanong ni clyde at deretsong nakatingin sa mismong mata ko
"g-galit ka ba? Nagseselos kaba?" nahihiya man ay lakas loob konang tinanong siya dahil simula nung sinabi ni mein iyon ay hindi na niya ako pinansin pa..
Nagulat ako ng dahan dahan niyang alisin ang kamay kong nakawak sa braso niya at seryoso akong tiningnan at malungkot na ngumiti
"h-hindi ko alam, pero wag mona akong alalahanin.."sabi niya nalang at dahan dahang naglakad papalayo
Gustuhin komang umiyak ay hindi ko magawa, ni magsalita'y hindi ko ren magawa at pinagmasdan konalang ang likod niya habang naglalakad siya papalayo saaken
Ano meron?!
Naglakad na ako patungo sa parking lot nang makita kong wala na roon ang kotse ni jaxen at nagaabang naman saken si mein
"sorry talaga" bungad niya saken at nginitian konalang siya
"ano kaba okay lang" sabi ko pa sakanya atsaka nginitian
"tara na, umuwi na tayo nagugutom na ren ako at napapagod na" sabi pa niya at tumango ako, nang pumasok siya sa kotse niya ay bumusina muna siya bago umalis
Akmang sasakay na sana ako ng bigla akong may naramdaman kaya natigilan ako
May tao...
Dahan dahan kong binuksan ang pinto ng kotse ko pero nararamdaman ko ang pag galaw niya
Hindi ko nararamdamang marami sila
"sino ka, lumabas kana" sabi ko pa sakanya pero walang lumalabas!
Isinara ko muli ang pintuan ng kotse ko..
Dumidilim na, ano nanaman ito
Buti nalang at nakaalis na sila clyde
"lumabas ka, ako lang ang nandito" pigil inis kong sabi sakanya pero imbis na labasin ako ay nagulat ako ng tapunan niya ako ng bato
At naramdaman ko ang mabilisan niyang pagalis dahil sa pag galaw ng mga halaman sa paligid
Mabilis konamang kinuha ang bato at agad na inilagay sa bulsa ko
Hindi ko alam pero ngayon ay nararamdaman kong may mga tao ng nagmamasid saken kahit hindi ko sila lingunin ay nararamdaman ko... Hindi katulad kanina isa lang ang nararamdaman ko..
Agad akong pumasok at nagdrive paalis sa lugar nayon dahil nagdulot saken iyon ng kakaibang kaba..
"so anong ibig sabihin niyan?" tanong saaken ni mein habang umiinom siya ng kape niya
Nang tingnan ko ang bato ay nay nakaukit doon..
Help us
"hindi ko alam, hindi koren siya nakita! Wala akong ideya kung bakit saaken sila nanghihingi ng tulong" sabi ko pa
"baka naman nangtritrip lang" sabi pa ni mein at napaisip naman ako
Pwedeng trip nga...
Pero hinde.. Nararamdaman kong iba to
"hindi ko alam... Hindi ko na alam" inis kong sabi at dahan dahang naglabas ng isang kahang sigarilyo
"oh teka bakit nag gaganyan ka?" tanong saken ni mein at akmang aagawin saken ang kaha pero inilayo ko ito sakanya
"nagaway na nga kami tapos parang may baging problema nanamang padating" inis kong sabi at sinindihan ang sigarilyo ko
Sino sila? Help us? What the fuck..
BINABASA MO ANG
My Wife is One Of The Mafia [The Final Battle]
RandomNatanggap na ni jaxen ang pagkamatay ng kanyang pamilya at handa ng kalimutan ang nakaraan, ngunit isang panibangong pagsubok nanaman ang haharapin nila ni clyde at masusubok nito ang pagmamahal at pasensya nila sa isa't isa Matuloy kaya sa happy en...