119

575 19 1
                                    

Jaxen's pov

"hoy gumising kana nga jan" gising saken ni mein at yinugyog pako

"oh bakit ba!?" tanong ko sakanya at tinalikuran siya

"bakit jan ka natulog sa sofa?!" nagtataka niyang tanong saken

"eh tinamad nako umakyat kagabi eh" naiinis kong sabi sakanya saka muling pumikit dahil talagang napuyat ako

Kakahintay ng text niya!

"HAPPY BIRTHDAY!!!!" sigaw niya sa tenga ko kaya naman inis akong napatayo

"mein naman ang aga aga nang iinis ka" inis kong isinalpak ang sarili ko sa upuan

"oo ang aga aga nga, hindi kaba manonood ng laro ni clyde? Kase kung wala kang balak ako meron, yung boyfriend ko ren maglalaro" sabi pa niya at nilagyan ako ng pagkain sa plato ko

"tsk, di niya nga ako tinext buong magdamag" sabi ko pa at suminghal naman siya

"nako hindi ko alam sainyo basta ako may boyfriend ako, hanapan monalang ng konek" natatawa niyang sabi

Kinuha kolang yung isang tinapay sa lamesa at dinala yun pataas

"hoy san ka pupunta?! Bakit di mo inubos to?!" turo pa niya sa pagkain ko

"maliligo nako" yun lang at dumeretso na ako sa kwarto ko

Pagpasok ko sa kwarto ko ay agad din akong naligo at nagbihis ng uniform ko

Imbis na magipit ay naglugay nalang ako, hindi ko alam pero trip koren na ayusin ang hairstyle ko kaya naman ginawa ko itong wavy, gaya ng mga tinuturo saakin ni mein..

Naglagay din aki ng konting liptint sa labi, bakit ba? Trip kolang ren

Tsaka ko kinuha yung pabangong binigay ni mein saaken, at tiningnan ko ang itsura ko sa salamin

"ampanget mo paren" inis kong sabi habang nakaharap ako sa salamin

Nang bumaba ako ay nakita kong maayos naren si mein, pero nang makita niya ako

"naaaaaaaaaks!! Naka makeee up!" sabi pa niya tsaka ako inikutan na parang tinitingnan kung ano pang bago saaken

"waaaaaaaaaaaw wavy hair!! Akala ko wala akong kausap nung nga panahong tinuturo ko sayo yaaaan" natatawang sabi ni mein kaya natawa ako

"waaaaaaw amoy babaeng babae!" sabi pa niya pero nauna nakong maglakad palabas

"mauuna nako" sabi ko pa atsaka sumakay sa sasakyan nakangiti naman siyang tumango.

Agad akong sumakay at binusinahan muna siya bago ako umalis

School

Aaminin ko hanggang ngayon nababagabag ako sa mga nangyayare

Hindi kaya may kinalaman yung pagkawala ni katie? Sa mga nangyayare ngayon?

Siya kaya yung humihingi ng tulong?

Ugh hindi kona alam!!

Dumating ako sa school at nakita kong andoon na sila clyde dahil nadaanan ko ang kotse niya pero kataka takang wala paren si zach, hindi paren kaya siya papasok?

Hindi na ako masyadong nagisip pa dahil andito na ako sa harap ng school namin..

Isasara kona sana ang pinto ng makita ko na ang kotse ni mein at nagpark sa tabi ng kotse ko..

"oh tara na?" sabi pa niya at inayos pa ng maarte ang buhok niya, tumango nalang ako at saka kami sabay na naglakad paloob

Nang pumasok kami sa loob ay marami-rami naring tao, kaya naman agad kong hinila si mein

"o-oy anoooo baaaa yung hair kooo!" sabi pa ni mein pero hinila ko paren siya at ng malapit na kami sa court ay..

"shhhhh! Wag kang maingay!" inis kong bulong tsaka ako sumilip para tingnan si clyde

"asuuuuuuus, ayun lang pala!" pangaasar pa ni mein at sa di inaasahang pangyayari

"babe!!!!!" sigaw ni mein kaya naman lahat ng players ay Napatingin samin, pati yung mga nanonood sa warm up nila

Buti nalang at waterbreak nila kaya hindi kami masyadong nakagulo sakanila

Siya lang pala.

Hindi na ako nakapagtago pa dahil nakita niya naren naman ako..

Tumakbo papalapit saamin si ken

"goodmorning baby " bati pa ni ken kay mein tsaka siya bumaling saaken "happy birthday jaxen" bati niya saken tsaka niya ako niyakap "ang ganda mo ngayon" papuri pa niya saken

"paano mo nalaman na birthday ko?" natatawang tanong ko at itinuro niya naman si mein na naka peace sign saaken

Alam niya kase ayaw kong pinapaalam ang mga personal na bagay tungkol saken..

Nang tingnan ko si clyde ay nanatili siyang nakaupo at nakatingin sa mga teammates niya habang pawis na pawis

Talaga bang galit siya saaken?

Masyadong maliit na bagay yun para pag selosan niya..

"ah sige baby, jax upo nalang muna kaya kayo? Para maganda game namin mamaya" tawa lang sabi ni ken at akmang tatalikod na

"k-ken?" tawag ko sakanya at nilingon naman niya ako

"oh??" baling saken ni ken at medyo napaiwas pa ako ng tingin

"galit ba sakin si clyde?" nahihiya kong tanong at nakita konamang nalungkot ang mukha niya

"maayos niyo rin yan, sa ngayon hayaan muna naten siya" sabi pa niya at tinapik ang balikat ko tsaka kami tinalikuran

Napabuntong hininga naman ako habang pinipigilan ang emosyon ko

Baket nagagawa niya akong tiisin

"jax, smile kanalang... Birthday na birthday mo nakasimangot ka" bulong saakin ni mein kaya naman pilit ang ngiting ibinigay ko sakanya

Naupo nalang kami ni mein sa likod ng mga players dahil doon gusto ni mein at wala naman akong magagawa

"talagang wala si zach no?" wala sa sarili king nasabi kaya naman napalingon saakin si mein

"oo nga eh, alam moba jax? Na bulong bulungan dito sa school na ngayon lang nawala si zach, i mean ngayon lang siya hindi naglaro" sabi pa ni mein "kinocontact naman siya ni ken pero laging patay ang phone ni zach at kung hindi patay ay busy naman" kunot noong kwento ni mein

Hindi kaya iniiwasan niya ako?

"pero wag monang alalahanin yung si zach, ano kaba? Papasok yun kung kelan nun gusto, tsaka may mga duties payon dito sa school kaya hindi pwedeng matagal siyang mawala" yun na lang ang sinabi saken ni mein tsaka muling itinuon ang mga mata sa mga players

Kitang kita king hindi talaga tumitingin si clyde sa bandang gawi namin kahit alam kinamang isang lingon niya labg sa bench players ay makikita niya naren kami

Busy siyang isuot ang nike headband niya kaya hindi siya tumiti-----

TUMINGIN SIYA!!

Natigilan ako ng bahagya dahil tumingin siya saaken! Takte..

Siya ren ang nagiwas tingin sakin...

"tiningnan ka niya oh" pangaasar ni mein

At para naman akong babaeng namumula dahil sa kilig..

Jax simpleng bagay kilig na kilig

Asan na ang yabang mo.

Ano bayaaaaaaaaan!!

My Wife is One Of The Mafia [The Final Battle] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon