100

697 20 0
                                    

Clyde's pov

Hindi ko mapigilang umiyak ng sobra habang nagdridrive pauwi..

Akin siya eh, wala na..

Sinapak sapak ko yung manobela sa inis

"i-im sorry jaxen.. I-im so sorry" umiiyak kong sabi

Iingatan kanaman ata ni zach..

Alam kong matagal nang may gusto si zach kay jaxen at siguro kaya nangyayare ito

Ay dahil...

Hindi talaga kami ang para sa isa't isa

Nang makauwi ako ay nakita ko ang mommy sa kusina at nakangiti pero bakas ang pagalala sa mata niya akong sinalubong

"anak" sabi niya at hinalikan ako sa pisngi

Nginitian kolang siya

Pinili ko ang pamilya ko kesya sakanya, masakit man saaken pero ito ang tama..
Wala na akong pamimilian dahil wala ren naman akong choice..

"anak, pasensya kana.. Alam kong mahal mo si jaxen, and believe me.. Ramdam ko yun, pero anak? Diba? Kung mahal mo talaga ang isang tao masakit man ay kailangan mong nagpaalam para walang masaktan" sabi ni mam at unti unting nanamang namuo ang luha sa gilid ng mga mata ko

"mom.. Baket?"

"anong baket anak?"

"baket parang ako yung may kasalanan sakanila" sabi ko at hindi kona napigilan tumulo ang luha ko "sobrang nasaktan ako nung iniwan ako ni katie tapos ngayon wala na saaken si jaxen.. Mom ano bang kasalanan ko?! Lagi akong nasasaktan! Lagi akong nawawalan" tumigil ako at pinunasan ang luha ko
"katie drugged me mom! " galit kong sabi at nanlaki naman ang mata niya at napatakip pa ng bibig"nung gabing sinabi niyo saakin na hiwalayan ko siya, hiwalay na talaga kami noon! At kahit gustong gusto kong ayusin yon at habulin siya, wala naren naman akong magagawa kase kung pipiliin ko siya mawawala kayo saken!" sabi ko at napaluhod habang umiiyak

" a-anak, i-im so sorry" yun nalang ang nasabi niya at niyakap ako habang ako ay sobra parin ang iyak

"nakipagbalikan ako kay katie mom para mas masaktan si jax at makalimutan na niya ako dahil mawawala ren naman ako.. Ano bang ginawa niyk at nasali ako sa gulong ito.. Ano bang ginawa niyo at ako sumasalo ng pagkakamaling ginawa niyo!!!" inis kong sabi at umakyat pataas

Jaxen's pov

"san ka pupunta?" alalang tanong saken ni mein pero hindi ko nalang siya inimikan "magiingat ka" habol niya kaya naman hinarap ko siya at ngumiti at doon ko kinuha ang susi ng motor ko

Pasensya na... Nadadamay ka sa lungkot ko ngayon..

Nang makasamay ako sa motor ko ay agad akong dumeretso sakanila

Kay mama at papa

"hi mama, papa.." panimula ko at pinunasan ang luha ko, hindi ko na kase napigilan "so ayun, nasaktan nanaman a-ako haha" kwento ko habang pinupunasan ang puntod nila "ma, sobrang sama kona ba at ito naba ang karma ko?" mapait kong ngiti "ang ginawa kolang naman ay ang mahalin siya pero baket, baket ganun paren? Hinabol konaman po siya eh" sabi ko pa at hinayaan nalang umagos ang luha

"j-jax?" tawag saakin ng isang pamilyar na boses kaya nilingon ko agad ito

Z-zach?!

Pano niya nalamang andito ako?

"anong ginagawa mo dito?" deretso kong tanong at nginitian niya lang ako

"pwede bang pumasok? Ang ganda naman ditoo" sabi pa niya at inilibot ang paningin niya

Tumango nalang at dahan dahan siyang pumasok..

"okay kalang ba?" tanong niya at tumango naman ako pero tinaasan niya ako ng kilay "umiiyak kananaman" sabi niya pa at pinunasan ang natitirang luha gamit ang kamay niya pero hindi niya inalis ang kamay niya sa pisngi ko at tinitigan ako sa mata

Pinilit kong pakiramdam ang sarili ko

Si clyde sana ang nasa harapan ko at hindi ikaw

Dahan dahan kong hinwakan ang mga kamay niya at inalis ito sa pisngi ko

"j-jax"

"zach, alam kong gusto mo ako pero pasensya kana ah? Mahal ko parin talaga ang bestfriend mo at hindi parin yun nagbabago, ayoko namang saktan ka gaya ng ginawa niya saken" derederetso kong sabi habang nakatingin sa mga mata niya

Hindi porket nasasaktan ako ay gagamit na ako ng tao...

"jax, alam konaman yun eh" nakangiti niya pang sabi "pero dito lang ako.." bahagya naman akong napabuntong hininga "at hindi ako mawawala" ngiti niya pang sabe kaya naman napangiti nalang ako ng......

"zach wag kang lalabas dito.." sabi ko ng mapansin kong may mga lalake sa labas na parang nagaabang saken

Hindi ito tauhan ni nico, sigurado ako

Kanino at sino ang nagpadala ng mga lalakeng to, lima sila at nagaabang sila

"ikaw ba si delavine? Ng mafia empire?" tanong saken nubg lalakeng nasa gitna na may kulay ang buhok

"secret" malumanay kong sabi sakanya at lumaki naman ang butas ng ilong niya
Dahil sa galit

"hindi ako nakikipagbiruan sayo delavine ah? Tinatanong kita ng maayos!" tila susugod pa siya saken pero sinensyasan ko siyang tumigil siya at tumigil naman talaga ang bobo

Sira ulo

Naramamdaman kong nasa tabi kona si zach at bahagya pang nanlaki ang mata

"jan kalang" mahinahon kong sabi kay zach at hindi siya umimik

Wala naren akong time tingnan siya kaya naman pinatunog ko ang leeg ko at

"tapos kana!!" sigaw niya habang hawak hawak ang isang makapal na kahoy pero agad konaman napigilan ang isang kamay niyang may hawak na kahoy at nanlaki ang mata niya

Kinuha ko ang kahoy at ipinukpok iyon sa tuhod niya dahilan para mapaluhod siya..

"j-jax" uaal ni jax pero di ko siya pinansin

Pasalamat ka sa tuhod lang kita pinalong adik ka

Walang dalang kahoy yung apat na kasama niya kaya naman

Ng lumapit ang dalawa sakanila ay agad kong iniwas ang sarili ko sakanila dahilan para magkabanggan sila at bahagya namang nahilo yung dalawang maliliit ang utak at sinipa ko sila ng sabay

Agad kong sinapak ang dalawang nakaabang sa likod saken pero hindi namalayang tumayo yung pinaluhod ko kaninang may hawak nang kahoy at

*boom*

Sinapak ni zach yun at agad na sinipa kaya naman agad itong bumulagta

"s-sino sila, at bakit kilala ka nila?" tanong niya saken at hinihingal pa

Hiningal na siya don?

Wala pa nga eh

"hindi ko sila kilala, at wala akong balak pang kilalanin sila" sabi ko pa at tumayo ang apat na pinagsasapak ko kanina

"a-aalis na kami" sabi pa nila saken habang bitbit yung lampa nilang lider

Nilingon konaman si zach at nakanganga paren siya na parang nagulat sa pangyayari

"umuwi kana ngayon na, uuwi na ren ako" sabi ko nalang sakanya at walang anu ano'y sumakay sa motor ko


So ayun guys, update tomorrow!!

May video ren pala akong ginawa, check out may YouTube channel

Mighty pula, andun yung parang short clip ng story na to.. Para sainyo yun

Loveyahhhh

My Wife is One Of The Mafia [The Final Battle] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon