105

716 25 2
                                    

Clyde's pov

Buong araw hindi pumasok si jaxen

Ang sabe naman ni mein ay baka tinamad lang dahil nagtext daw sakanya na nasa bahay lang daw si jax pero hindi ako kumbinsido

Si zach naman ay hindi pa nirereplyan miski isang text

Nireplyan ako niyan bleh!

Kanina ay kinausap ako ni coach at next week nadaw ang sportfest at thursday na ngayon, kailangan daw ay nagperform nang one song

At gusto ni coach kasama si jax!!

Napabuntong hininga nalang ako ng marinig kong may kausap na si zach sa telepono, at sinenyasan kaming uuwi na siya...

Jax's pov

"hello? Asan ka? Bakit hindi kana pumasok?" sunod sunod na tanong niya saken

"nasa bahay" sabi konalang at napabuntong hininga si zach

"mamaya nalang tayo magusap" sabi ko pa para maibaba ang telepono

"s-sige" sabi niya nalang at ibininaba ang telepono

Nasa bahay ako ni nico at kasalukuyan akong namimili ng tauhan na ipapadala ko sa mga smith

"jaxen sigurado kabang ayaw mong ipagamot saken yan?" tanong saaken ni nico pero hindi ko siya pinansin "namumutla kana kase" sabi pa niya pero tuloy paren ako sa pagpili

"ikaw" turo ko don sa lalake at bahagya pa siyang nag bow saaken

Tiningnan ko ang kabuuhan ng napili ko at marami talaga sila....

Humarap ako kay nico

"sila ang kukunin ko" sabi ko sakanya at ngumiti naman siyang tumango saaken

"naiintindihan niyo naman siguro ang sinabi ko diba? Ang pamilyang smith lang ang babantayan niyo, lalo na yung a-anak nila,kapag may nangyareng masama sila, alam niyo na" mariin kong sabi

"yes boss" sabi pa nila kaya naman humarap ako muli kay nico

"salamat nico"

"oo basta ikaw, kapag kailangan mo ng tulong andito lang ako" nakangiti niyang sabi kaya naman ngumiti ako at niyakap siya..

"maraming maraming thank you" sabi ko pa at bahagya siyang natawa at niyakap ako pabalik..

Inabot na ako ng gabi dahil may mga pinagusapan pa kami ni nico at tinitiis ko lang talaga ang saket sa braso ko kaya naman napagdesisyunan ko nang pumunta sa mga smith..

Gabi naren nang makarating ako sakanila.. Kasunod ko naman ang tauhan ni nico na naka sasakyan

Nagulat ako nang makitang may mga tauhan naren pala si smith dito na nagbabantay sa paligid..

Nilingon ko ang tauhan ni nico at sinensyasan ko silang maya maya ay bumaba na at tumango naman sila

"hoy ikaw sino ka?!" tinutukan ako ng baril nung lalake at inismiran ko siya

"ibaba mo iyan, ako si delavine" sabi ko sakanya at dahan dahan niya namang ibinaba ito

"hindi ako nandito para manggulo, kakausapin kolang si smith, nagdala ako ng tauhan ko dito para tulungan kayo sa trabaho niyo" sabi ko pa at itinuro ang sasakyan "kapag sumigaw ang amo niyo oras na makapasok ako dito.. Ora mismo ay patayin niyo ako" seryoso kong sabi

*Dingdong*

Maya maya pa ay isang katulong ang nagbukas saaken

"kakausapin ko si smith" sabi ko pa at luminga linga pa siya sa paligid bago ako tingnan

My Wife is One Of The Mafia [The Final Battle] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon